UNSAID FEELINGS!






Bakit ang galing magtago ng feelings ng babae?

May friend ako… Sinampal niya yung ex niya… Kasi babaero daw. Sabi niya sa guy, “HINDI NA KITA MAHAL… MATAGAL NA!”

Tapos ngayon, umiiyak?

Hahaha! Napaniwala mo nga ex mo na hindi mo na siya mahal eh. Tapos yung sarili mo pala hindi mo mapaniwala. Mahirap yun. Pero nagtataka lang ako… bat ang galling nila magtago ng feelings? Kapag sinabi nilang hindi na nila mahal, mahal pa nila… tapos kapag sinabing mahal pa, minsan… wala na palang feelings! Ang labo!!

Pero kung lalaki yun? Wala. Buking agad kung totoo ba yung feelings o hindi. Ano bang meron? Bakit ang galing nila magtago? At bakit kailangan itago? Some of the unsaid feelings are from girls… bakit ganun? Takot ba silang magmahal? O takot silang masaktan? Or both?

Hindi naman nakakatakot magmahal eh… masarap nga yun. Ang nakakatakot, yung mag-take ng risk… baka kasi ang ending, masaktan ka lang. pero di mo naman malalaman kung anong sagot kung di ka magte-take ng risk. Pero alam niyo? Di niyo rin naman masisisi yung mga taong takot mag-take ng risk… OO. Isa ako dun. Takot ako eh. Takot ako na baka di ako matanggap. Na baka isipin ganito ganyan… lalo na sa uri ng lifestyle na meron ako… pero siyempre. Kaya ko naming patunayan na di ako ganun… kaya lang kasi, mahirap din ang ma-reject. Minsan, katakot takot na sermon sa kaibigan mo na mag-move on ka na pero di mo pa rin magawa kasi nasaktan ka… pag sa babae yun, ang daling itago. Pero pag sa boys, ang hirap. Mas madalas kasi ang babae, kaya na nilang mag-isa eh… kaya na nila sarili nila kahit di sabihin sa mga girlfriends nila… Sa part ng boys, ganun din… kaya lang kasi, mabilis makahalata ang boys… magyaya ka lang uminom, napapaamin ka na… lalo na pag nalasing ka… kaya minsan, gusto ko na lang din mag-isa… na wag ng sabihin yung feelings sa iba… kaya lang kasi ayoko sumabog. Baka pag sumabog, wala na… =(

Pero alam niyo, minsan gusto ko na lang maging babae. Kung pwede nga lang eh… yung tipong ako naman ang sinusuyo… ang iniintindi… ang nililigawan… ang pinapakitaan ng effort.
Sa girls kasi, bihira yung ganyan… yung ikaw ang iintindihin… ikaw ang susuyuin. Minsan pag galit siya, kailangan suyuin… pag ako galit, galit rin? Walang sorry? Walang lambing at I love you? Samantalang pag lalaki, halos lumuhod na patawarin mo lang… hahahha!

Pero okay na rin na di ako naging babae. Kasi ayokong magka-wrinkles dahil nagagalit sa boys! Hahahaha! Kaya pansinin niyo… mas unang nagmumukhang matanda ang babae kesa sa lalaki. Sila kasi yung mas stress…

Tama na sakin yung ganito..
Walang iniisip.



Pero nagmamahal. =)

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?