Boys: tips pano mag-da MOVES! =)


HAHAHA! Dami nagtanong sakin.. Pano ba daw ako dumada-moves sa mga nagiging girls ko.. :) siguro nga its time for me to reveal the secret! Hihi.

1. SIGURADUHIN MONG GUSTO MO SIYA..
- dito lalabas ang tunay na the moves. :) pag kasi di ka sure na gusto mo ang isang tao, hindi lalabas yung tunay na ikaw.. Yung sweetness. Yung care.. Yung lambing lambing.. Ako kasi, pag gusto ko ang isang tao.. Gumagawa ako ng move eh.. Hinihingi ko yung number kasi kunwari may sasabihin ako.. Or babatiin ko lang kasi Christmas. Hihi. After makuha ng number, aaraw arawin ko na yan.. :) "Good Morning Beautiful" hanggang sa masanay siya na nagtetext ako sakanya at nirereplyan niya..

2. MAGING INTERESADO SA LAHAT NG IKU-KWENTO NIYA
- halimbawa, nagtanong ka.. Kamusta araw mo.. Kasi ganyan tayong mga lalaki eh.. Nagtatanong anong nangyari sa araw niya para lang walang dead air. Tapos kapag nag-kwento siya, ipakita mong interesado ka.. At nakikinig ka.. Lalo na sa details ng kwento. Minsan nagtatanong yan eh.. Sasabihin.. "db na-kwento ko na yung blah blah blah" edi siyempre dahil sa pagiging good listener mo.. Matutuwa siya.. Ang girls kasi, madaldal yan. Kahit ma-stranded kayo sa island, hindi yan mauubusan ng kwento. :) 3pts ka kaagad dun.

3. WAG MONG BABASTUSIN
- minsan kasi may mga girls na maselan eh.. Kahit na hindi na virgin, wag na wag mong babastusin.. Hindi nila gusto yung ganun. Lalo pa nagpapakitang gilas ka pa lang..

4. GAWIN MO ANG LAHAT NG GUSTO NIYA
- nakupo!! Ang mga babae, dapat lagi mong pinapakita na siya ang boss! Na siya ang nasusunod.. Pero minsan, kailangan mo rin magpaka-bossy sakanya.. Mga babae kasi minsan, pag alam na takot ka sakanya.. Inaabuso ka.. Tsk.

5. BE NATURAL
- wag mong pilitin na magpaka-sweet kung feeling mo hindi ka sweet! Mararamdaman niya yun. And basahin mo ulit yung number 1. Kasi sa totoo lang, walang taong hindi sweet. Minsan sinasabi lang ng iba yun na hindi sila sweet pero kung alam mo lang.. Sweet sila. Kaya lang hindi sila sweet kasi di nila gusto yung taong nilalambing nila..

6. KAIBIGANIN MO LAHAT NG CLOSE FRIENDS NIYA AND KAPATID NIYA
- magagamit mo tong sandata. Kasi pag naging close mo na sila, makakabuo ka na ng sarili mong Team! :D hehe! Ako kapag may nila-love ako.. Kinukuha ko lahat ang loob ng friends and family niya.. Minsan nga pati parents kinakausap ko pa! Oha! :D

7. PAG SINABI MONG GUSTO MO SIYA, MAGING SERYOSO KA
- ako, sinisigurado ko na seryoso ako pag kinakausap ko ang taong mahal ko.. Lalo na sa mga oras na kailangan kong maging seryoso. Hindi naman sa lahat ng oras kailangan seryoso eh.. :) pero yung iparamdam sakanya na totoo lahat ng sinasabi mo bout sa nararamdaman mo, tumataas ang pogi points mo!

8. BE FUNNY
- patawanin mo siya once in a while.. Pick up lines or corny jokes. :) example: peanut ka ba? Peanutibok mo kasi puso ko eh.. Hihi. Marami kasing girls na mababaw ang kilig. :D

9. MAGLOAD KA ARAW ARAW
- hahaha!! Pakita mo sakanya na gusto mo siya makatext or makausap. Siyempre. Gusto ng babae yung hinahanap hanap siya! =)

10. KANTAHAN MO
- isa sa mga sandata ko to. Di ako singer pero nasa tono ako. And music lover ako.. Pumili ka ng mga songs na sa tingin mo bagay sakanya or sa inyo.. Bibigyan ko kayo ng song na pwede sa nililigawan.. Hmm.. Sana kahit minsan by Ariel Rivera. Sorry mejo luma. Pero patok yan promise! Hihi.

11. LAGI MO SIYANG PUPURIHIN.
- commentan mo lagi sa mga post niya sa mga networking site. Pictures and etc. Gusto ng babae yun. Gustung gusto.. Na napapansin mo siya.. =)

12. PAGSELOSIN MO!
- at kapag di umepekto ang 1-11, eto na!! Malalaman mo na may gusto rin siya sayo kung dumating na kayo sa point na nagseselos na siya.. And minsan kasi gumawa ka na alam mo na.. Katarantaduhan. Na magpapakita sakanya na kung hindi siya interesado sayo, hindi ka na rin. Minsan kasi, pakipot lang ang girls.. Ayaw nila madaliin kasi di ka pa nila ganun kakilala. Pero kung mahal ka talaga niyan, siya naman magpapa-cute sayo! Hihi.

Sana marami kayong natutunan.. Pero alam niyo sa totoo lang? Di naman kailangan tong mga da moves na to eh.. Kasi kung mahal mo talaga ang isang babae, no need na basahin mo to.. Ang magiging goal mo eh mapasagot siya.. At lalabas na lang ng natural yun na magugustuhan ka niya..

Pero sana, wag kayong gumaya sa iba na sa una lang sweet. Sa una lang caring at malambing.. Dapat lagi yan. Dahil ang babae, deserve nila ang ganyang treatment.. Kahit siya pa ang pinaka-bitch na babae sa mundo.. =)

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?