Sometimes LOVE just aint enough.





Minsan hindi talaga sapat yung mahal lang kita. =( naalala ko sinabi yan ni Toni G. Sa isa sa mga movie niya.. Tapos nadinig ko din ung song na yan.. Oo nga! Tama sila. Minsan hindi laging sapat un. Na mahal lang natin ang isang tao.. Masakit eh. Kung lagi nating paiiralin ang love..

Pero ako? Lagi kong pinapairal yang love na yan.. Di ko iniiwan yung mga mahal ko.. Kahit nakakagawa na sila ng di maganda.. Kasi gusto kong malaman nila na minsan, kuntento na ko sa mahal ko sila.. At kahit nasasaktan na ko, mamahalin ko pa rin sila.. Pero para sakanila? Hindi sapat yun. Pero di ko rin naman sila masisisi. Mga babae yun eh. May mga girls talagang hindi kayang makuntento.

Nagkataon lang siguro na lahat ng dumaan sakin, hindi para sakin.. At hindi nakukuntento. At feeling ko, ang malas malas ko na.. Pero naalala ko yung sabi ng friend ko.. Hanggat meron akong pamilya na inuuwian, bahay na matutulugan, nakakakain ako 3x a day at nakakapagshopping pa ko, SWERTE pa rin daw ako.

Oo. Tama siya! Napaka-swerte ko pa rin. Kaya nga hindi ko masyado dinadamdam ang pagkawala ng someone ko. Hahaha. =)

Mahal ko siya. Pero hindi ata talaga siya para sakin eh.. Gustuhin ko man, alam kong may iba na.. Isipin ko man na totoo lahat ng sinabi niya before na ako lang at naging loyal siya sakin, naiisip ko pa rin na hindi lang talaga ako mahal niya at may iba.. Tama bang magpost ng picture ng lalaki sa social media niya kung wala lang? Alam kong may something. Pero ganun talaga eh. At sana maging masaya siya. Never naman akong humiling ng masama para sakanila eh.. Masaya ako na masaya siya.. Sana talaga. =)

Lord, ikaw na po bahala mag-ingat sakanya. Mahal ko siya. Pero tama lang na ilayo niyo na rin ako sakanya. Dahil alam kong may iba na rin naman siya.. Salamat Lord at minsan mo siyang binigay sakin. Di ko na siya babawiin kasi alam kong hindi na talaga siya para sakin.

Thank you Lord,
Miguel

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?