Open Letter: Queen 👑
Been suffering from depression and sadness lately. Pero di ko na masyado pinansin. Lagi lang ako nagsounds. Kaya eto ako. Okay lang. Pero sa totoo lang? Bakit ba? Hahaha. Ewan ko din. Nalungkot lang ako. May mga bagay kasi talaga na di para sayo. May mga bagay na akala mo, okay lang pero di pala. May mga taong ayaw mong iwanan, pero ikaw pala ang iiwanan. Pero di na ako magrereklamo na iiwanan niya ako. Kasi kasalanan ko din naman bakit nangyari yun. Masyado akong immature. Masyado akong selfish. Masyado akong takot. Pero wala eh. Minsan kasi ang hirap labanan ng takot. Kahit anong gawin mo. Minsan nga kahit labanan mo, di mo kaya. Gaya ng friend ko, may fear talaga siya sa water (swimming pool, dagat, ilog). At kahit anong gawin niya, nanginginig talaga siya. Natatakot. Di niya kayang labanan. Kaya minsan kahit maligo sa swimming pool na mababa di na niya magawa. Hindi nga siya nagpalagay ng bath tub sa cr niya sa room. Kahit shower di siya nagpalagay. Gusto niya tabo lang. Feeling daw kasi niya nalulunod siya kahit sa shower. Ganun din tayo, ako. Syempre gusto nating mag-take risk. Eh pano kung may mangyari na naman na lalong makakapagpalakas ng takot mo? Oo, inaassure siya ng parents niya na hahawakan siya. Pero pano kung nabitawan siya? Gang ngayon, di pa rin siya nag-take ng risk. Parang ako. Gustung gusto ko mag-take ng risk sa isang bagay. Kaso natatakot ako. Baka masaktan at maiwanan na naman ako. Tapos di ko na kakayanin yung next. Mahirap eh.
Wala lang. Kaya gusto ko lang daanin tong nararamdaman ko sa blog. Ayoko na kasi mag-open sa iba. Ayoko na malaman ng kung sino. Atleast kayo na magbabasa nito di niyo naman ako personally kilala. Kaya okay lang.
Dun sa babaeng takot ako mag-take ng risk:
Hi. Alam ko iniiwasan mo ko. =)
Pero decision mo naman yan.
Pero sana maintindihan mo ko. Gusto kita ipaglaban. Gusto ko labanan takot ko. Pero di pa yata ako handang masaktan ulit. Siguro nga talagang di ako ang lalaking para sayo. Pero sana lagi mong tatandaan na ginawa ko naman at pinakita ko naman sayo na deserve ko yung OO mo. Pero wala. Siguro talagang wala ka ng pakialam sakin. Di ka na nagagalit pag di ako nagrereply. Di mo na ako hinahanap. Di ka na nag-good morning. Wala ka ng paki kung masaktan ako or may mangyari sakin na di maganda. Pero masaya ako. Na sobrang okay na okay ka na na wala ako. Naalala mo dati sabi mo di mo kayang wala ako? Hahaha. Congratulations! Kasi sobrang kaya mo na. At alam kong kaya ka ganyan eh dahil meron ka na rin siguro talagang iba. Ayaw mo lang sabihin. Pero okay lang yan. Sabi nga nila, mas maganda na wala kang alam para mas masakit. Kaya wag mo na ipaalam sakin. Wag mo na rin deny na walang iba. Nagawa mo naman na yan sakin before na sinabi mong wala kang iba pero meron. Kaya okay lang. Wag ka rin mag-alala. Di ako bitter. Di ako magiging bitter. Kasi kasalanan ko naman. =) wag mong sabihin na sinisisi na naman kita. Wala. Ako ang may kasalanan nito. Kaya okay lang ipagsabi mo na ako ang dahilan bakit ka nagkaganyan at okay lang din na makahanap ka ng iba na mas deserving sa pagmamahal mo kasi deserve mo ang maging masaya. =) pinagpray ko talaga kay God na makahanap ka ng lalaking magmamahal sayo ng higit sa binigay ko. Wala naman akong pray na kay God kundi yun lang. Sana lagi kang happy. Di ko gusto na makita kang umiiyak. Kasi nasasaktan din ako. Ayan. Ngayong iniwan mo na ako for the 4th time, sana naman maging masaya ka na. Yung talagang full happiness. Pakisabi sa buong family mo, SORRY.
Ayaw naman talaga kitang pakawalan. Pero sa ginagawa mo saking pambabalewala, alam ko wala ka ng nararamdamang pagmamahal. Kaya wag na nating patagalin pa. Baka mas lalo lang tayong masaktan.
Salamat. Kasi naging "BESTFRIEND" at "LIL SISTER" kita. Salamat kasi ginawa mo din naman lahat. Salamat kasi napatawad mo ko. At salamat kasi andami kong natutunan sayo. Madami eh. Basta. Sana ma-apply ko yun sa buhay ko. Alam ko wala kang natutunan sakin dahil puro sakit ng ulo lang nabigay ko. Hahahaha. Sure na yan. =) salamat sa lahat ng pagpapasaya na binigay mo. Basta happy ako.
SORRY. Kasi nag-give up na ako. Pero di ko naman gagawin yun kung pinaparamdam mong mahalaga pa ako. Kaya lang parang iba na talaga. Basta. Eh feeling ko meron ka ng iba kaya ako na mismo lalayo sayo para mahanap mo ang tunay na kaligayahan mo. Sorry kasi lagi kita pinapaiyak. Lagi nga namumula ilong mo. Hahaha. At lagi kang may eyebags kakaiyak sakin noon. Pero iba na ngayon. May eyebags ka na kasi late ka na umuuwi ng bahay dahil sa environment ng work mo. Namumula ilong mo kasi gusto mo ng matangos na ilong gaya ng sakin. Lol. Basta sorry sa lahat. Di ko na iisa-isahin pa.
Wag kang mag-alala. Lahat ng sikreto natin na pinaguusapan, di ko ikakalat. Hahaha. Ung mga kinekwento mo sa work and blah blah blah. Lol. Basta wag kang mag-alala. Kasi di ako gagawa ng mga bagay na ikakasira mo at masasaktan ka. Mahal kita eh. =) at alam mo na yun. (Kasi di ba yan ang madalas ginagawa ng mga lalaking naiwanan. Maninira ng ex para lang maka-ganti.) at wala naman akong isisira sayo dahil maganda pagpapalaki ng magulang mo sayo.
Basta sana yung lalaki na nahanap mo, mas lamang sakin. Wag naman yung lolokohin ka rin. Maghanap ka ng taong deserving. Yung ibibigay lahat sayo. Bata ka pa naman. 26 ka palang. Madami pa jan. At kahit sa lahat ng simbahan ipagtitirik kita ng kandila para lang mahanap mo na si Mr. Right gaya ng mga ex ko. =)
Akala ko, ikaw na yung para sakin. Mukhang kailangan ko na namang maghanap sa buong Pilipinas ng babaeng mamahalin at papakasalan ko. Pero alam ko, ikaw si Ms. Right. Yun nga lang, di ako ang right para sayo. Ako si Mr. Left kaya di tayo magkakatagpo. Basta. Sana maging happy na lang tayong dalawa.
Pinapakawalan na kita.
Di kita pinapamigay sa iba. Wag mong iisipin yun. Kaya lang ako nagdecision ng ganito kasi alam ko eto ang GUSTO MO. AT MAKAKATULONG to sayo para matapos mo na din ang thesis mo. Goodluck and Godbless. I know kaya mo yan.
Thank you.
kya mo yan .. kkayanin mo ...
ReplyDeleteThanks!
DeleteI feel you kuya
ReplyDeletePinstathrophobia - a fear of trusting someone due to bad experiences from past lovers.
ReplyDeleteYang ang nangyayari sayo. Hindi sya para sayo kasi you lost her over your phobia.
Maybe she grew tired of waiting for you to overcome it. when all you know for a very long time na she did her part para sayo. Or you knew you need to overcome it but your so confident na hindi sya mawawala sayo because she knew n may phobia ka. And maybe just maybe you did everything as you said on your blog for her yes when everything is not working anymore. Ganon nmn tlga db? Kapag alam mo n malapit n syang mawala sayo dun mo lng marerealize na madami pala tlga syang nagawa para sayo at dun ka lng ggwa ng paraan just to get her back. Siguro kulang pa rin ang ginawa mo bkit nde sya bumalik sayo. Ikaw lang mkksagot niyan.
Ok n rin n iniwanan ka niya. Mas msakit s knya araw araw n malaman n hanggang dun sya lang kahalaga sa isang taong mahal na mahal niya dhil may mas malaking parte s katauhan ng mahal niya ang pinapangalagaan niya at yun ay ang takot mo mr. Supermigz.
Labanan mo. Overcome your fear.
Sana malabanan mo para hindi ka magsisi ng sobra bandang huli.
Magaganda ang blog mo. Hangang s susunod na post mo. :)
i dont intend to be rude sa post ko ah. but i wish you happiness. Mukha ka pa nmn gwapo madami pa dyan mas higit pa sa kanya.
DeleteNo prob! 😊 Saka di ako gwapo. Di rin ako naghahanap ng higit sakanya. Dahil alam ko naman sa sarili ko na siya ang gusto ko. Thank you!
DeleteI see. Owell sige. :)
DeleteUntil your next post.
Godbless