PA-HOPIA/PA-FALL/PAASA

May nagtanong sakin. Ano daw ba ang pa-hopia. Sabi ko, yun yung pag gusto mong magpalibre ng hopia! "Uy, pa-hopia ka naman!" Hahahaha! Okay. Walang natawa sa joke ko. Pero tinulak ako nung friend kong nagtanong sakin. Bwisit daw. Hahaha!

Define Pa-Hopia.

Pa HOPIA- from the root word, HOPE. Umaasa, pinapaasa. Term na ginagamit ng isang tao para di masyadong masakit pag sinabi mong paasa siya. So example:

Sa love:
Sabi ng girlfriend/boyfriend mo, ikaw lang mahal niya. Pero nalaman mo na may nilalandi siyang iba. Pa-hopia siya eh! Pa-hopia siya na may forever kayong dalawa. Pero ang totoo? Wala. Walang forever!!!!

Sa school:
Absent ka kahapon at may exam. Sabi ng classmate mo, madali lang. Nung mag-exam ka na, pucha! Di mo alam isasagot mo. Pa-hopia siya. Paasa na madali lang. Kaya ikaw tong tanga di nag-review.

Tapos tinanong niya ako. Parehas lang ba ang pa-hopia at pa-fall? Kung love ang paguusapan, yes. Pero kung hindi love, mejo magkaiba. Pwede kasing pa-hopia sa lovelife or sa ibang bagay.

Eh ano daw ba yung pa-fall?

Pa FALL- madalas ginagawa ni Gerald Anderson sa mga movie niya with Kim and Sarah. Kung makatingin at maka-smile sayo, wagas! Pero ang gusto lang niya sayo eh mafall ka sakanya pero wala siyang balak na saluhin ka. For example:

Nagkatitigan kayo ng crush mo. Alam niyang crush mo siya. Tinitigan ka niya ng matagal. Sabay ngumiti siya ng pamatay sayo. Ayun! Pa-fall!

Oh ayan. Ayan ang definition ng pa-hopia. Pero ano ba ang signs na PAHOPIA/PAASA/PAFALL ang isang tao? Yan ang tanong sakin. Sige try natin kung kakayanin kong isa-isahin.

1. Nilalandi ka niya pero wala kayong label. Okay naman daw kasi yung ganyan na wala kayong label. Kasi mas na-eenjoy niyo yung isa't isa. Tangina naman, pa-hopia yan.
2. Kapag may nagtanong sakanya kung ano kayo? Ang laging sagot niya, friends or bestfriends lang kayo kahit parang kayo. Hindi niya sasabihin kung anong nararamdaman niya for you. Kasi maniwala ka sa hindi, WALA! Wala siyang nararamdaman!
3. Sweet siya sayo. Caring. Tipong magtetext kung kumain ka na ba? Nasa bahay ka na ba? Pero di ka naman niya nililigawan. Wala naman siyang sinasabing feelings sayo. Hindi mo maramdaman na may feelings siya. Pero sweet siya. Inaalala ka niya. Pero wag ka. Kasi ganun din siya sa iba. 
4. Hindi ka niya sinasama sa mga inuman with friends niya. Kasi alam nila na kapag sinama ka niya, tutuksuhin kayong dalawa. Pero alam niya sa sarili niya, yung isang babae na makakasama niya sa inuman ang gusto niyang matira!
5. Magtetext siya sayo ng good morning and goodnight. Yun lang! Di ka niya itetext sa mga kalagitnaan ng mga araw. Kasi may iba siyang priority. Good morning and goodnight! Kasi group message pala yun!
6. Sinabi niyang gusto ka niya. At alam niyang gusto mo rin siya. Pero take time daw! Di pa daw siya ready pumasok sa relationship. Kasi busy daw siya sa school. Baka di ka lang niya maasikaso. Hindi niya alam yung salitang inspiration. Kasi alam niya sa sarili niya, may iba pa siyang gusto bukod sayo. Wala lang silang chance nung isa. Kaya take time! Ulol!
7. Pakikiligin ka pero wala namang balak mahalin ka. Yung tipong lahat ginagawa niya na parang kayo. Ihahatid ka sa bahay, ipagluluto ka, magpapakilala sa parents mo blah blah! Pero pag sinabi mo yung feelings mo, tangina. Wala! Wala lang yun.

Ewan ko na. Hahaha! Yan lang ang alam ko. Yan lang naranasan kong mga paasa sa buhay ko. Hahaha! Lol. Pero sana, makatulong!

Sa mga pa-fall, pa-hopia at paasa:
Tangina niyo! Kakarmahin din kayo. Hahaha! 

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?