MY EXS AND WHYS


So I was able to watch my exs and whys today =)

Nice movie. sobra. Ganda! Parang nainlove ako kay Liza Soberano. So let me share with you kung anong natutunan ko sa movie na to.

1. Maraming tanong sa isip natin ang mahirap sagutin. Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako sinaktan? Bakit ganun siya? Bakit hanggang ngayon single ako? Bakit?? Sobrang daming bakit. Pero sabi nga ni Cali (Liza) kailangan mo rin minsan tigilan ang magtanong. Minsan kailangan mong gumawa ng paraan at ikaw mismo sumagot sa mga tanong mo. Minsan kailangan mo lang din magtiwala. Na darating din yung tamang panahon na masasagot lahat ng bakit mo.

2. Maraming dahilan. Minsan di natin maintindihan yung dahilan kasi baka hindi natin iniintindi. Tulad ng tanong bakit ka single? Baka naman kasi frinendzone mo. Baka hindi mo binigyan yung sarili mo ng chance para makilala ka ng ibang boys/girls. Baka ginusto mo talaga maging single.

3. Minsan isang mali lang, sira na ang lahat. Akala natin, simpleng mali lang yun. Pero di natin alam. Yung mali palang yun ang sisira ng buong pagkatao ng taong masasaktan natin sa maling gagawin natin. Akala natin, kayang idaan sa salitang sorry ang lahat. Minsan kahit ilang milyong beses kang mag-sorry, wala. Hindi effective. Hindi tatanggapin.

4. May mga bagay na mahirap kalimutan pero may mga bagay din naman na para sa pagmamahal, kaya mong kalimutan. Parang yung mommy ni Cali. Ilang beses ba sila niloko ng daddy nila? isa, dalawa, tatlo? Marami. Pero dahil sa sobrang pagmamahal niya, kinalimutan niya yung mga bagay na mahirap kalimutan kahit ang sakit sakit na.

5. One sorry is not enough - Minsan kailangan mong patunayan na talagang nagsisisi ka na at nagbago ka na. Kahit gano kahirap, kahit gano na kasakit. Kasi kasalanan mo naman yun e. Ikaw ang dahilan bakit kailangan mong patunayan yun. Kaya wag kang magrereklamo at wag niyo sasabihin na maarte pag hindi agad nagpatawad.

6. May mga kaibigan tayong mali ang pananaw sa buhay. Kaya minsan, wag din makikinig sa mga kaibigan sa mga advices nila. Minsan kailangan mo lang pakinggan puso mo para malaman mo kung anong dapat mong sundin. Ang puso mo ba, o ang utak mo.

7. Lahat ng tao pwedeng magbago. Pero hindi lahat ng tao, kayang magbago. There's a difference between "PWEDE" and "KAYA" ang pwede, may chance. Binibigyan natin ng benefit of the doubt pero di tayo sure kung magagawa niya pero nagbibigay pa rin tayo ng konting hope sa sarili natin na baka naman. At ang kaya, nagawa na at unti unting ginagawa. 

8. Mahirap makalimot ng kasalanan ng iba, pero lagi mong iisiping hindi ka perfect. Meron ka ding mga mali. At kung nagawa mong hindi makalimot sa kasalanan ng iba, darating ang panahon na may magagawa kang kasalanan na hindi din makakalimutan ng iba. Kaya kung maaari, pag-aralan natin ang magpatawad, mag-let go.

9. Masarap mag-blog. =) hahaha! my hobby. And gaya ni Cali, ganun din ako. binablog lahat ng nararamdaman. Pero wala pa akong #BakitList siguro soon. Tignan natin. Hahaha! pero alam niyo bakit ako nagblog? Minsan kasi mas magandang nalalabas mo yung nararamdaman mo sa paraang iba naman. Lalo na kung hindi ka naman kilala ng iba na ganun ka. For example, hindi ka naman ganun ka-showy sa feelings mo when it comes to the person you love pero sa blog mo, pwede mo sabihin ang lahat. 

10. Hindi porket napapaligiran ka ng masasamang tao or mga playboy or ng kung sino sino, magiging ganun ka na din. OO nga siguro minsan ng nagloko si Gio. Pero db? Hindi naman siya forever nagaya sa dad niya and sa mga brothers niya na super playboy. So parang hindi pala totoo yung kasabihang, tell me who your friends are, and I'll tell you who you are.

11. May mga pangakong napapako, pero may mga pangakong hindi naman. Siguro depende. Tulad nung promise ni Gio. Hindi niya sasaktan si Cali. Pero nasaktan niya. Yung promise na ginkgo trees. Hindi man nalaglag mismo sa ulo or nalaglag na sa lahat pero ginawa naman ni Gio na mahulog pa rin sa mukha ni Cali yung mga dahon.

12. Normal ang umiyak pag nasasaktan. Kaya wag mong pipigilan. Siguro wag mo lang ipapakita sa public. Kasi yung iba ginagamit yung kahinaan mo para mag-take advantage kasi nga alam nila mahina ka. Kung iiyak ka, sarilinin mo na lang. Pero wag kang mag-alala. Kahit 3, 4, 5, 6 years ka pang umiyak kung talagang nasasaktan ka, NORMAL LANG YUN.

13. Lahat ng sakit bumabalik. Kahit na gano pa katagal yang kasalanang nagawa mo, lahat yan bumabalik pa rin. Naaalala natin. Kaya minsan, kailangan mo lang gumawa ng bagong memories para matabunan yung mga masasakit na nangyayari.

14. PARA SA MGA LALAKI: Wala tayong karapatang magreklamo kung minsan inaapi tayo ng mga babae sa mga posts nila. Sa mga blogs, sa mga patamang status sa facebook. Kasi sa totoo lang, may dahilan bakit nila tayo ginaganun. Isa lang naman. NASAKTAN SILA. Tapos.

15. Lahat ng lalaki, naaakit. Nadadarang. Minsan kailangan lang natin pigilan. Ako, aaminin ko. Minsan na akong nag-cheat. Kasi nilandi ako e. Marupok pa ako nun. Lahat ng lalaki, dadaan sa ganun. Pero yung pagiging marupok na yun ang magpapatibay sayo lalo na kapag kinarma ka na. Kaya wag mo na hintayin pa.

16. POLYGAMOUS? Tama! Hindi rason yun. At hindi totoo yun! Dahil hindi naman tayo hayop! Kaya wag na natin ipilit yang dahilan na yan. Hindi tayo ganun! Dahilan na lang natin yun para makalusot.

17. WHEN YOU CHOOSE TO LOVE, DAPAT TAPAT. My favorite line. Tama naman e! Bakit pa tayo nagmahal kung madami naman pala tayong gagawing kalokohan at hindi magiging tapat? Kasi kung mahal mo, bakit mo kailangang saktan? Minsan hindi sadja. Pero may mga bagay na hindi mo sadja, pero masakit. Siguro may ibang bagay na pwedeng palusutin. Pero ang magloko? Hindi. And I know, ginagawa ko yan sa taong mahal ko. =)

18. Kung magloloko ka, Master's 11th commandment: WAG AAMIN! hahaha! Pero minsan, kahit di natin aminin, nalalaman nila. Kaya hindi ko rin masunod to. Kasi mas madaling patawarin ang taong umamin sa taong nag-deny pa.

19. FAMILY IS THE BEST. Family ni Gio, supportive. Family ni Cali, ganun din. Madami talaga tayong matututunan sakanila. At madami din silang pang-aasar satin. Kaya humanda ka na.

20. Minsan ang tadhana ang gumagawa ng paraan para maging okay ka. Para maka-move on ka. Para masagot ang lahat sa tanong mo. Bakit ganun. Bakit ganyan. Minsan kailangan lang natin maghintay.

21. Walang nagagawang maganda ang REVENGE. Gustuhin mo man na gumanti, wag na. May karma naman. Kasi minsan pag gumanti ka, ikaw pa ang lalabas na masama.

22. LASING LANG AKO NUN! Lintik na palusot yan! Kahit lasing ka, alam mo pa rin ang ginagawa mo. Minsan oo, minsan hindi. Hahaha! Minsan hindi ko na alam. Umihi na pala ako sa lababo. Oh? diba?

23. Pinaka-importante sa lahat: LALAMBOT DIN ANG MGA BABAE. Kung talagang mahal mo, kung talagang gusto mo, kung talagang seryoso ka, suyuin mo. Ipakita mo gano mo siya kagusto, gano mo siya kamahal. Kasi darating ang panahon, lalambot ulit yan sayo. Bibigay ulit. Yun nga lang pag bumigay na, siguraduhin mo namang huli mo na yang pananakit sakanya.

Haayy. Grabe ang ganda! Ngayon ko lang kasi napanuod. Ewan ko parang naka-relate ako. Pero parang hindi. Siguro dun sa part lang na "PANGIT BA AKO" kaya niya ako pinalitan. Yung ganun. Grabe ganda.

Thumbs up, Star Cinema and Direk Cathy Garcia-Molina

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?