PANO MO MALALAMAN KUNG NILOLOKO KA NA?
Namiss ko mag-blog.
Ako ba namiss niyo? Lol. Wala naman tong blog na to. Isa lang to sa mga walang ka-kwenta kwentang blog ko. Hmm, ano ba? Hmm, sasagutin ko lang naman yung isang tanong sakin sa ask.fm! Pano ko daw malalaman kung niloloko siya ng boyfriend niya? Hahaha. Bakit kaya ako ang tinanong mo? Di naman ako makarelate. Lol. Pano nga ba? Actually, di ko rin alam. Pero ako kasi meron akong malakas na pakiramdam. Sabi nila, sobrang lakas daw. Minsan nga akala nila manghuhula ako. Kasi one time, may pinakilalang sakin yung friend ko. Lalaki siya. Tahimik lang yung guy. Tapos kinukulit siya nung friend ko kasi nga tahimik. Tinanong siya. Kung may lovelife daw siya. Tapos sabi niya, wala at NGSB daw siya. Tapos nung tinignan ko siya, naramdaman ko na totoo naman sinasabi niya. And may na-feel ako sakanya. Na baka kaya wala siyang lovelife kasi may babae siyang gusto before na hindi niya nasabi yung feelings niya. Na hanggang ngayon, mahal pa rin niya pero yung girl may boyfriend na. At sabi niya, tama ako. Hahaha. Kaya feeling ko malakas pakiramdam ko. And gaya nung sa ex ko before. 2pm duty niya. Nurse kasi siya eh. Sabi niya, mag-scrub lang daw siya. Kaya di na siya magtext muna. Okay sige. Until natapos na yung duty niyang 10pm di pa rin siya tumatawag or nagtetext. Nag-aalala ako and at the same time, nagdududa. Then mga madaling araw, she texted me. Kasi dami ko na text. She asked me: what if nakipagdate ako today? Simula nun, nagduda na ako sakanya. And eventually, kahit nagtagal p relationship namin after nung question na yun, nalaman ko na may iba na talaga siyang dine-date. Syempre nurse eh. I mean hindi ko nilalahat lahat ng nurse ah. Pero halos lahat ng nakilala kong nurse, ganyan. Kaya ako naniniwala ako sa pakiramdam ko. Kung feeling mo niloloko ka na niya, yung talagang malakas na pakiramdam, sure yun. Niloloko ka na nga niya. Been there! Kaya masasabi kong totoo. Minsan ang hirap lang paniwalaan na magagawa niya yun sayo. Pero totoo. Meron pa akong isang encounter. Ex ko din. Sabi niya, di na niya mahal yung ex niya. Wala na daw siyang feelings dahil ako na daw. Hahaha. Tapos nagkaron kami ng problem. Naghiwalay kami. Feeling ko talaga dahil yun sa ex niya. Tapos nagkabalikan kami siguro mga after 8mos or 1 year. Tapos one time hiniram ko facebook account niya. Pag-check ko ng messenger niya, andun nga messages nila ng ex niya. Nagkabalikan pala sila. Ni hindi niya kwinento sakin yun nung magkabalikan kami. Kung di pa siguro ako nagbukas ng messenger niya di ko malalaman. Hahaha.
So yun. Pakiramdaman mo lang. yung iba kasi marunong na eh. Di na nagpapahiram ng facebook. Kunwari OT na sila. Pero ang totoo, nanlalalaki or nambababae lang mga yan. Hahaha. At pinagtatakpan pa ng mga kaibigan. Ginalingan eh. Lol.
Pero seriously, if you feel something na, you have to check. Wag mong isipin na hindi niya magagawa yun sayo. Kasi ako din. Inisip ko yan. Pero nagawa sakin. Hahaha. Lagi mong tatandaan, mas okay na maging praning!
Eh hindi lang din yan ang ibibigay kong advice sayo. Bigyan pa kita ng signs na nagloloko na siya.
- Hindi na niya ginagawa yung mga bagay na dati niyang ginagawa sayo. For example: sinusunod ka niya. Or sweet siya sayo. Pero ngayon, wala na.
- Wala ka ng messages na nakikita sa phone niya. Lahat burado na. Check mo kung may messages pa mga friends niya. Kasi for sure, wala na siyang time para mag-check pa kung pinaguusapan ba nila yung bago niya. Kaya lahat na lang ng messages nila, burado na. And take note: wala ka na din masyadong messages sa phone niya. Ang dahilan niya, nagbubura siya para magkaron ng space sa phone niya.
- Hindi na siya nagpapahiram ng facebook niya. Hahaha! Madamot na siya pagdating dun. Kung hindi naman, wala na siyang messenger sa phone. Dahilan niya? Wala na namang space sa phone niya.
- Madami kang makikitang secret messages sa viber niya. Sure na ako dun. Meron na kasing bago sa viber ngayon yung secret messages. Na mabubura din. Lol.
- May mga bagay na siyang ginagawa na hindi naman niya ginagawa before. For example: nag-golf na siya. Eh hello, di nga siya marunong nun. Kunwari na-invite lang ng mga friends. Pero ang totoo, meron na siyang iba.
- Naglilihim na siya sayo. Yung tipong tumawag ka sa office nila. Wala daw siya sabi ng ka-work. Nung tinanong mo siya, nasa office daw siya. Nag-CR lang daw. Wag ako uy!
- Iba na ugali niya. Mabilis na siyang magalit sayo. Except kung dati na siyang nagagalit sa ginagawa mo. Example: pinitik mo yung ilong niya. Which is lagi mong ginagawa before. Pero ngayon, pag ginanun mo siya naiinis na.
- Matagal magreply. Dati hindi naman siya ganun eh. Pag nagtext ka, nagkakandarapa pa yan. Pero ngayon, wala na.
- Ginawa nila yun sa ex nila para makuha ka. For sure kung naging kayo dahil niloko niya gf/bf niya, malamang gagawin din niya yun sayo.
Yan. Yan lang mga signs ko. Kayo? May naiisip pa ba kayo? Basta dun sa nagtanong, lagi ka lang makikiramdam. Eventually, mararamdaman mo din.
Di kasi sila kuntento eh.
Minsan may nakikita sila na ayaw nila satin kaya hinahanap nila sa iba. Meron nga akong kilala. Hindi lang siya pinagbigyan na mag-sex, nakipagsex na sa iba. Tangina db? Badtrip yun. Parang yun lang sisirain mo yung 10years? Isang araw lang di pumayag, nakipagsex na sa iba? Iba din eh. Hahaha!
Pero eto. Basta okay lang naman na lokohin tayo. As long as binigay nating lahat. Kasi ang ending, sila naman ang magkakaron ng pagsisisi, hindi naman tayo. So okay lang. lokohin niyo lang kami. Gawin niyo lang lahat yan. Si Karma na bahala sa inyo.
true..as in relate na relate ako. grabe, 7 years ko sya bf, 1and half year lang kami LDR kasi nalipat sya isabela at nasa davao ako, mga wla pang 1 year nag iba na sya. kung dati tawagan at vc lagi hanggang mkatulog bigla ngayon wla na. maski txt wla na. after office di na sumasagot tawag. ansakit lang kasi feel na feel ko na may iba pero ayaw talaga umamin. lagi sinasabi tandaan ko lagi na mahal na mahal nya ako at ako lng gusto nya makasama. after office at every weekend and holidays di sya kumokontak. di kapani paniwala dahilan nya. ansakit, sobra. kasi mahal ko parin tlg
ReplyDeleteDramdam ko Rin sa kanya na parang iba na talaga siya gnun din ako now pero nakukuha ko pa Rin magpakatanga Ewan ko ba bakit
DeleteGanun din ako ,nakukuha ko padin magpakatanga
DeleteWag na tayo magpakatanga
DeleteTrue , at nahuli ko Mismo na may Ka chat ,at nakakapag comments or likes sya sa iba Pero sayo hinde
ReplyDeleteAko nga nahuli ko mismo na may kachat na iba e. Wag na natin balikan yang mga depungal na yan.
ReplyDeletePano pag pag yung girlfriend mo ngayon. Kahit sa mga phone may bakas padin ng mga senti song nya sa ex nya? Kahit kame na suot nya padin sing sing ng ex nya? Help me plss diko na alam gagaaim ko
ReplyDeleteSame pala tayo
DeleteYung di na nag papahiram ng cellphone at Facebook and messenger. Pota, Lumalakas nanaman Pagdududa ko. Anlaki ng pinagbago niya. Tumatakas na siya. Di nag papaalam pag umalis, minsan late na umuwi may times din na kinabukadan na uuwe. Tangina. :'(
ReplyDeletenagloloko na yan maniwala ka sakin
DeleteKahit anong gawin kung pagpapa amin sa kanya d talaga, kahapon nahuli ko talaga siya na maykatextmate siya. Lahat nagbago na d na gaya dati na wala pa akong trabaho, noong meron na nagiba kasi may iba na siya. Ngayon time to move on.
ReplyDeleteMatanong po ako dito base sa number 8, Yung matagal replayan paano nmn kung nag wowork siya every 2-3 hours nagchat chat okay nmn un diba?
DeleteKase pakiramdam ko meron na syanng iba. Lately, kase tuwing nag VC kami Hindi na sya makatingin Ng diritso sakin, Hindi na rin nya ko kinakausap. Ngayon, Hindi na sya nag text, tawag or call. As in Wala na. Simula lng nun nagka sagutan kami dahil. Hindi na nya ako kinakausap.
ReplyDeletePlz. Advice. Tnx.
Pano ko po malaman na nakipag chat siyA sa ex Niya na ninakaw man Ang cellphone Niya tapos yun fb account Niya di ko alam password tapos guard siya pang Gabi siya ngayon
ReplyDeleteAlam nateng naging tanga tayo sa maling tao pero di naman dahilan nun para magloko tayo hayaan na lang naten sila atlis naging totoo tayo sa kanila kahit niloko nila tayo
ReplyDeletemga manloloko talaga ang ibang babae kunyari tahimik, minsan selosa, mabait, mukhang pera pala..tapos hahanap ng ibang lalaki dahil hindi na nakontento sayo! sarap sapakin ng mukha.
ReplyDeletePano kapag livein? Di na kami gaano nagkakachat since magkasama naman na kami bahay
ReplyDeletemasakit man isipin na ganun bagay pero wala na tayo magagawa , kahit na ginawa na ang lahat kung di rin sapat para sa kanya .. at hahanapin pa nya sa iba ,talagang lakas makadurog sa heart yun
ReplyDeleteako sa totoo lang faithful akong tao , kaya alam ko ang pakiramdam pag niloko nang tao kasi naransan ko na lokohin ako ng ex ko ..
ang ex ko at yung best friend ko na tinuring ko nang kpatid :/
super sakit diko alam ba na ganun gagawin nila sa akin behind my back
Thanks!
ReplyDelete