100 Tula Para Kay Stella
Tang*na. Iyak ng iyak ako. Di na natapos yung luha ko. Sobrang iyak. Bakit? Kasi unang una, naka-relate ako. Nagkaron ako before ng lovelife na ganun. Matagal bago ko nasabi sakanya na concern ako sakanya. Na mahal ko siya. And nasabi ko naman. Kaya lang, ewan ko. Di naman ata niya ako minahal. Hi Nikko. =) naalala ko siya talaga sa movie. Hindi lang din niya nasabi sakin kung minahal niya ba ako. Swerte nga ni Fidel, nasabi pa sakanya na mahal siya ni Stella. Eh ako? Wala. Hindi ko alam kung dun ba sa pagitan ng lambingan namin before, nagkaron ba ng something or wala. So ayun. Same with Dea. =) ganun din naman. Hindi ko rin alam before kung minahal niya ba ako dun sa sweet moments namin. Pero recently lang, nagusap kami and nasabi naman niya na wala siyang feelings sa pagitan nun. Hindi love yung palitan namin ng sweet voice notes and yung pagpupuyat ko. As in walang meaning na kahit ano. Hahaha. Kaya yun.
Going back to Nikko. Si Nikko kasi, siya din nagpakita sakin na sobrang ganda ng OPM. Idol niya ang Hale. Kaya parang ako, idol ko na din. Pero gusto ko ang Hale. (Hi Champ!) yun nga lang, mas gusto ko lang stonefree nung time na yun. Hahaha. Parang si Stella, mahilig sa OPM. Rivermaya. Hehe. Tapos nung year na yun, 2005 yun yung nauso yung lahat ng OPM. Ang favorite ko pa ngang radio station that time is 97.1 WLSFM. Di pa jologs yung radio station nun. Hahaha! Pero ginusto ko pa din talaga ang Hale para kay Nikko. Ganun eh. Tapos nawala nalang bigla. Until now, hindi na kami naguusap. Hindi na ko connected sakanya. Baka kinasal na siya. Di ko rin alam. Teka check ko sa FB. Baka yun padin name niya.
Aww.
Nakita ko na. Kinasal na nga siya.
Wow. Congrats. Magkakababy na din sila.
Hahaha. So ano? Relate na relate lang? Hmm, mejo lang. Kasi nga, ganun na ganun. Di ko naman nafeel na nagustuhan niya ako. Pero nag-aksaya din siya ng time nun for me. Baka spare time lang kaya feeling ko nagka-something pero wala? Di ko alam. Kasi hindi naman niya nasabi. At wala na kaming chance pa magusap dahil naka-assign na rin pala siya sa SG. Ngayon ko lang nalaman.
Hahaha! Hindi naman na masakit for me tong pangyayari. Kasi ako, naka-move on na. Siya din for sure. And I know super happy naman na siya. And I think wala naman siguro siyang naramdaman sakin. Baka pinsan lang niya nagsabi. Hi Jhecka! Hahaha. Sabi mo gusto na ko ni Nikko dati. Hahaha! Baka sinabi lang ni Jhecka yun para mapasaya ako.
Haayy. Basta. Etong story sa movie na to? Ano ba ang point? Ang lesson dito ay, sabihin mo na agad kung ano ang nararamdaman mo. Ma-reject ka man niya, atleast alam niya. Atleast wala kang pagsisisi. Kesa yung, hindi mo nasabi pero sana nagkaron ng chance db? Mas masakit pa din yung minahal mo siya, minahal ka niya pero dahil parehas kayong natakot hindi niyo inamin sa isa’t isa yung feelings niyo kesa dun sa inamin mo na mahal mo siya, hindi ka niya minahal. Okay na yun. Mas madaling mag-move on. Mas madali kang makakaisip ng way na maka-move on. Kasi alam mong walang chance, never nagka-chance at walang magiging chance. Pero yung nalaman mong may chance na maging kayo pero di ka gumawa ng paraan, wala. Ang hirap! Iisipin mo, pano kung inamin ko? Sana naging kami. Siguro kami yung ikakasal. Kami yung magkakababy. Yung ganunz Pero dahil nga sa ang tagal, yung chance naglaho na. Ang hirap kasi eh. Lalo na yung nangyari kay Fidel. Ang tagal mong nilihim yung nararamdaman mo. Kasi natatakot kang ma-reject ka niya because feeling mo may kulang sayo. Kaya nung natapos na niya yung pang 100 at nakapagdecide na siya na handa na siyang sabihin ang lahat, wala na. Dapat sa isang tula, sinasabi na agad kung ano yung gusto mo. Hindi yung gagawa ka ng isa, dalawa, tatlo bago mo sabihin ang lahat. Kasi dun sa pagitan ng 1-100 madaming pwedeng mangyari. At gaya nga ng sa movie, nangyari na ang ayaw sana nating mangyari. na mawalan na ng chance.
Hindi ko na alam. Andami kong relate sa movie na to. Takot din kasi akong ipakita yung totoong feelings ko. Natatakot ako kasi dati na kong iniwan. Dati na kong pinagpalit. Kaya di ko mabigay yung 100% ko. Feeling ko ako na na naman yung iiwanan. Ako na naman yung sasaktan.
Nasa 65% palang ako ng tiwala sa sarili ko na hindi na ako ipagpapalit. Iiwanan para sa iba. Lolokohin para makipagbalikan lang sa iba. Yung ganun. Haayy.
Haayy. Pero naintindihan ko naman si Stella eh. Baka kasi ayaw niya lang din masaktan si Fidel dahil feeling nga niya, lahat ng napupunta sakanya ginagamit lang niya. Ang hirap lang kasi nun eh. Pag mahal mo talaga, ayaw mo na masaktan. Mas gusto mo na ikaw na lang yung masaktan, kesa siya. Grabe din tiniis niya. At salamat kay Von kasi siya yung ehemplo ng isang lalaking wala man sa akin ang lahat, gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. ganun. Pero grabe yung iyak ko sa likod ng Mt. arayat. Ganung ganun. Lalo na dun sa part na
Fidel: minahal mo ba ako?
Stella: hanggang ngayon naman eh.
Tang*na naman.
Yung ganung closure.
Closure na masarap pakinggan.
Pero ayaw mong pagdaanan.
Masaya ka na minahal ka niya.
Pero sana nasabi man lang niya yun nung malaya pa siya.
Haayy. Ikaw yung naging mundo ko. =(
Haayy. Ansakit. Parang di na ako makaka-move on. Maganda siya. Thank you sa mga kaibigan kong sinabi sakin na panuorin ko to. Grabe.
Sobrang ganda. Hindi na nga ako maka-move on. Halos buong araw kong pinakinggan yung song sa movie. Pati IG ni JC Santos at Bela Padilla inistalk ko. Hahaha. Parang mas naging crush ko si Bela. Before, crush ko na siya. Mas lalo ngayon. Hehe. Kung ako sa inyo, watch niyo na. Sorry konti lang yung nakwento ko or nabigay kong tips sa inyo regarding sa movie. Parang speechless ako eh. Haayy. Ansaklap.
Pero sa mga may minamahal jan na hindi nila masabi, sabihin niyo na. Sabihin niyo na mahal niyo sila. Lalo na kung di pa naman sila taken. Kasi baka malay niyo, may feelings din pala sila para sa inyo. Mabagal ka lang. so eto na yung chance mo na sabihin sakanya. Wag mo na hintaying magaya ka kay Fidel. Na huli na ang lahat.
At kung taken naman yung mahal mo, sabihin mo na rin na mahal mo siya or mahal mo pa siya. Pero please. Maging okay ka na dun. Wag mo na siya agawin. Wag mo na ipilit. Kung mahal ka din niya, pero may iba na siya, wag na. Minsan kailangan mo lang madinig na minahal ka din niya para maka-move on ka. Wag mo sirain kung anong meron sila ng bago niya. Hindi mo deserve ang makarma.
Ako? Sasabihin ko na mahal kita. Mahal kita. At alam mo yan. Naparamdam at pinaramdam ko yun. Never nawala yung feelings. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 .... years. At siguro kung hindi man tayo magkatuluyan, alam mo na hindi na mawawala yung Love.
Tangina nakakaiyak.
Tigil na luha please.
Comments
Post a Comment