Nakalimutan ni Sir Chief yung WEEKSARY! :D



Life is too short so take the time and..

APPRECIATE:

ap·pre·ci·ate 
/əˈprēSHēˌāt/


Verb

Recognize the full worth of.
Be grateful for (something).



hahaha! Natawa ako. Nanuod ako ng be careful kanina.. And nakita ko na nakalimutan nga ni sir chief yung weeksary ni Maya..

Makikipagtalo din ako. Di naman lahat lalaki lagi ang nakakalimot ng weeksary, monthsary and etc. I know someone na nakalimutan din ang monthsary nila. At take note: girl yun.

Feeling ko, di naman sa pagiging babae or lalaki ang basehan niyan. Siguro kung sino lang talaga ang mas nagmamahal. Ang mas nakaka-appreciate ng mga bagay bagay. Gaya ni Maya.. Na-appreciate niya kasi na sila ni sir Chief. And si sir chief, di niya na-appreciate na one week na sila ni Maya.. Kasi sa totoo lang, alam naman niya na one week na sila eh. Yun lang, di niya alam na kailangang i-celebrate..

Pero sabi nga ni Raffi: di naman kailangan ng magarbo or sobrang handa.. All you have to do is to appreciate!!!

Sabi rin ni Maya: kung pwede lang i-celebrate araw araw eh.. Gagawin ko.

Haayy. Ang hirap talaga pag di ka naaappreciate ng taong lagi mong naaappreciate.. Wala kang expectations na kahit ano.. Pero ang sakit maramdaman na hindi ka man lang na-appreciate ng taong yun.. Hindi na-appreciate yung mga bagay na ginagawa mo. Kahit simple lang..

Yun ngang kilala kong girl.. Kahit nga batiin yung boyfriend niya ng Happy Monthsary, di niya ginagawa! Hahaha! And ramdam na ramdam nung guy yung sakit! Kasi parang di na special sakanya yung ganun..

Pero siguro, ganun talaga.. Naalala ko nga yung movie na IF ONLY! Sabi dun.. Sa isang relasyon, laging may isang MAS nagmamahal.. At siguro nga, ganun din si Maya and yung guy na kilala ko..

Well, ganun talaga.. Mas maganda na siguro yung ikaw yung MAS na nagmamahal kesa ikaw yung LESS na nagmamahal.. :)

kasi MAS maganda na maramdaman mo na hindi ka nagkulang sa pagpaparamdam sa taong yun kung gano mo siya kamahal.. And if ever na dumating sa point na mawala siya sayo.. Alam mo na nasabi at naparamdam mo ang dapat..

Gaya ng sa IF ONLY, one day na lang yung naibigay sakanya para i-appreciate at iparamdam na mahal niya yung taong mahal niya..

Kung marami pa sanang oras..

Kung marami pa sanang pagkakataon..

Kaso wala eh.
Kaya tayo, kayo.
I-appreciate niyo yung mga taong nagmamahal sa inyo.. Di niyo alam. Mamaya, bukas or sa makalawa..

Wala na kayong maaappreciate kundi yung memories niya sayo.. :(

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?