812 - Best I ever had
This is not a #Throwback Entry! HAHAHA!
But this is one of my favorite throwback ever! I'm doing this for a friend..
Ewan ko kung para sakanya, kaibigan pa niya ako..
Pero para sakin, siya pa rin ang isa sa mga bestfriend ko! =)
Masyadong mahaba ang istorya kung iku-kwento ko pa! Pero para
saan ba tong blog na to?
HAPPY BIRTHDAY, FBF!!
(Favorite Best Friend)
Alam ko, hindi na tayo babalik sa dati.. Hindi na magiging okay
yung naumpisahan natin.. Pero gusto kong malaman mo na sobrang
proud ako sayo! Kasi CPA ka na! =) andaming beses ko ng sinabi yun sayo!
Pero wala eh! Proud talaga ako! Antagal na kasi nating
napagusapan yang pag-graduate mo at pagiging CPA mo! At ayun nga!
Naabot mo na! Sobrang masaya lang ako para sayo! =)
at siyempre! Masaya ako kasi sa lovelife mo!
Gagamitin ko na rin tong opportunity na to na pasalamatan ka..
Salamat sa lahat ng nagawa mo sakin as my bestfriend.. alam mo na yun..
Di ko naman na kailangang isa-isahin pa eh! Baka di ako matapos
dito kapag sinabi ko lahat sa sobrang dami.. At siyempre! sa ilang
years na nagtiyaga ka bilang bestfriend ko! Bilang someone na laging anjan para sakin..
Kung ano man yung nangyari satin before,
gusto kong mag-SORRY! Kaya ko rin ginawa to para malaman ng lahat gano ako
ka-sincere na nagso-sorry sayo.. Alam ko nasaktan kita..
And SORRY! Last year nung birthday mo, natangaap mo yung letter at
rose! alam ko yun.. Hindi ko alam kung tinapon
or binasa mo.. Pero sana, tinabi mo yun.. Gustung gusto kong pumunta nung
araw na yun.. Kaya lang, naisip ko baka wala kayo sa bahay..
Kaya binigay na lang yung rose at letter sa guard..
Alam ko, umiyak ka.. i-deny mo man o hindi.. Pero yung sinabi ko
dun sa letter, totoo yun.. Gusto ko kasi maging masaya ka..
And maganda naman ang nangyari eh.. Ngayon, masaya ka.. Super saya!
Wala na kong mahihiling pa.. Last Birthday ko,
ang wish ko, maging okay tayo.. Pero hindi naman nangyari..
Baka matagalan pa bago magkatotoo yun. Pero sabi ko naman sayo..
Willing to wait ako na patawarin mo 'ko.. at
Maayos natin kung anong dapat nating ayusin.. Pero kung di man
natin maayos ang lahat, sana mapatawad mo na lang ako..
Masyado ng malaki kasalanan ko sayo eh!
Alam ko yun. Na mahirap ng patawarin.. Pero pinagdadasal ko
kay God na sana.. Dumating yung time na maayos pa..
Kasi gusto ko talagang maging okay tayo..
Kasi sa totoo lang, kahit hindi ka maniwala.. Hindi ko
kailangang mag-pretend ng kahit ano pagdating sayo.. Kasi tanggap mo ko eh!
Tinanong kita dati, kung meron akong kulangot sa ilong..
Willing ka bang kunin yun?
Sabi mo, OO! hahaha! Dun pa lang, alam ko na! =)
Sabi nga sa kanta,
From the start to the end we don't need to pretend
That we're perfect all the time
'Cause we know what we have through the good and the bad
It's the strength that you can't deny
kaya yun. Kaya gustung gusto ko na bumalik tayo sa dati..
Nakakamiss lang lahat! Pero alam ko, may plans si God.. Namimiss ko
na yung bestfriend kong nagku-kwento ng chismis pag uwi niya
sa school. HAHAHA! =)
May kantang kasama to sa baba!
Yun yung kanta kasi alam ko, ikaw talaga ang BEST I EVER HAD..
Pero hindi totoo yung nasa dulo na I don't want you back!
Yung CHORUS lang! =)
Thank you ha? Sobra..
Pinaramdam mo sakin gano kasarap magkaron ng BEST!
Sana maging masaya ka sa BIRTHDAY mo!
I-popost ko na to ngayong August 9. Baka di ko mapost sa 12.
Hehe! Happy Birthday.
I love you! =) I miss you, FBF!!
HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!!!
Comments
Post a Comment