Happiness: mahahanap din kita. Ü







Bakit ba ang hirap hanapin ng totoong happiness? Yung happiness na hindi panandalian lang.. Yung happiness na hanggang pagtulog ko, dala dala ko.. Yung happiness na hindi mo ma-explain. Basta lang alam mong masaya ka..

Wala lang.. I've been wondering and thinking lately about my happiness. Nasan na ba siya? Dumating na ba siya? At tinake for granted ko lang? Or parating pa lang? Mejo naiinip na kasi ako kung parating palang siya.. At kung dumating na siya at nawala pa, sorry na lang ako. Pero pano ko ba malalaman kung real yung happiness?

Di ko rin alam. Pero ako? Masaya ako sa mga naging girlfriend ko. Hindi nga lang nag-last yung relationship. Db? And siyempre. Pati happiness hindi nag-last. Ohh well, ganun talaga eh.. Yung feeling na akala mo, sila na yung para sayo. Tapos di naman pala. Ansakit lang eh. 

Umasa ka.. Umasa ka sa mga promises na kahit kailan daw hindi ka iiwan. Pero ano? Andiyan ka. Nagmumukmok. At binabasa tong blog ko.. Hahaha!!

Wag mo na sila pag-aksayahan ng panahon. Dahil yang mga yan eh hindi talaga para sayo. Pinahiram lang ni God. Kaya be thankful na kahit papano, naging happy ka.. =)

Sa totoo lang, maraming nagsasabi sakin.. I look very happy. Sa family, sa friends, sa girls. Yung totoo? YES! I'm happy dahil kumpleto pa ang family ko. Sa friends, oo. Masaya ako na nakakasama ko sila.. Sa girls? YUP! Marami akong nagiging girls. Pero at the end of the day.. NASAN ANG HAPPINESS?? 

Ang gusto kong happiness eh yung paguwi ko ng bahay galing work, may sasalubong sakin.. Yayakapin ako.. At tatanungin kung kumusta ang araw ko.. Yung nakahanda na yung tsinelas ko pagdating ko palang.. At kapag naupo ako sa sofa, kikiss niya ako para mawala pagod ko..

Yung happiness na aagawin niya yung kumot ko.. Pero yayakapin niya ako kasi alam niyang nilalamig din ako.

Yung happiness na kahit hindi siya mahilig sa sports, pipilitin niyang manuod at alamin kung ano yun..

Yung happiness na kahit lagi ka niyang tinatawagan at hinahanap sa text eh kinikilig ka pa rin.. Kasi alam mong hinahanap at tinetext ka niya kasi namimiss ka lang naman niya..

Yung happiness na kahit wala kayong pinaguusapan at korni ang mga jokes mo, tawa lang siya ng tawa.. Kasi hindi siya sa joke mo natawa.. Kasi kausap ka niya.. At nilalambing mo siya..

Yung happiness na paggising ko sa umaga at pagdilat ko ng mata ko sasabihin niya na mahal niya ako..

Yung happiness na nahanap na ng iba.. Pero hanggang ngayon.. Di ko pa rin nahahanap. =( 


To my future happiness:
Mejo naiinip na ko eh. Gusto kong dumating ka na sa buhay ko.. Kasi sisiguraduhin ko na kapag dumating ka na, hindi na kita papaalisin. Hindi na kita papakawalan. Hindi ako mangangako ng kung ano sayo.. Pero asahan mo.. Pag dumating ka sa buhay ko, magbabago na ang lahat sa buhay mo. =) I'll see you soon my future. I love you.




Love,
Migz

Comments

  1. Just open your eyes and you'll see her.
    take care migz.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hey! Thanks =) Hope to see her soon.

      Delete
    2. If you see her, i hope she's the one already. dont let her go. so i can see a change in your blogs. a happy one. :) haha. take care migz.

      Delete
    3. HAHAHA! How I wish. =) Thanks! Maybe you don't like to see my emo blogs! hahaha!

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?