Usapang BABAERO

Ayan! Usapang babaero na naman!
Marami na namang magsasabi sakin..

"BUTI ALAM MONG BABAERO KA!!"

hahaha! Sa totoo lang, wala namang lalaking hindi nambabae!
ay meron! nanlalaki pala yung iba.. hahaha!
pero seriously girls, wala pang lalaki na hindi nambabae..
meron kasing level ng pagiging babaero eh..

LEVEL 1:
"KUYA"

yung mga tipong "KUYA" relationship lang.. na tipong bata pa yung girl
tapos kuya kuya ang tawag! hahahaha!
Been there! kunwari kuya niya lang ako.. Pero ang totoo?
hahahaha!!! naiinlove na sakin yung girl.. yun talaga ang plano.. para
mahulog sa bitag.. alam niyo naman.. pag kuya parang
protective style eh.. mga tipong, "late na bunso!! di ka pa ba umuuwi?"
syempre si girl mejo kikiligin.. worried ang "KUYA" ko.. hahaha!
 alam niyo bakit kuya kuya lang?
para pag nabasa ng girlfriend ang text..
hindi masyado maghihinala.. kasi ang tawag, KUYA and BUNSO. hahaha!
pero pag nahulog ang bunso sa bitag, patay ka kay KUYA!!
hahaha!


LEVEL 2:
"Tingin tingin"

yan yung mga lalaking takot na mahuli ng girlfriend nila..
kasi alam nila, wala ng second chance pag nagkataon.. pero minsan
yang tingin tingin na yan, nauuwi yan sa text text. lalo na sa bar.
minsan, makikita mo may magandang girl..
eh hindi mo kasama si girlfriend eh.. syempre lalapit ka.. hingin mo name, number..
exchange ng text messages.. pero mga quotes quotes lang..
para di maghinala si girlfriend..
eh bakit naman magsesend ang isang girl ng quotes sa boyfriend mo
kung wala siyang gustong ipahiwatig? haha! isip isip girls.. =)


LEVEL 3:
"WORK PLAY"

yan yung mga nambababae pag nasa work,
lalo na kung ang work nila eh nasa field or may sexy silang workmate.
shit!!!! mga kindat kindat. sama sama sa dinner ng workmates..
yung tipong hindi ka isasama ng boyfriend mo kasi lalabas
sila ng workmates niya.. tapos di ka na makakareceive ng text hanggang
sa makauwi siya ng bahay.. hahaha! yan yung mga pag nasa
bahay, parang ang bait bait.. pag nasa labas at trabaho, single na.. =)


LEVEL 4:
"TAGONG TAGO"

yan yung tipo ng babaero na hindi nagpapahuli ng buhay!
hahaha! ayaw nila yung mga babaero, pero ang totoo, ganun sila..
sabi nga nila, ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw!
hahaha!


LEVEL 5:
"PINANGANAK NA BABAERO"

lagyan mo ng palda ang poste, titignan niya pa rin yan!
basta may palda.. hahaha! wala na siyang pakialam kahit mahuli siya
ng girlfriend niya.. kasi alam niyang "lalaki" lang siya..
at may pangangailangan.. yan yung mga taong, wala sa bokabularyo ang makuntento.
lahat ng babaeng mahuhulog sa bitag niya, patay ka!




ayan! pero alam niyo girls,
kayo din naman ang dahilan bat nagiging babaero ang isang
lalaki eh! minsan kasi, masyado na rin kayong
mahigpit samin.. walang tiwala.
nagpa-picture lang sa isang babae, nagagalit kayo agad.
hindi muna kayo magtanong kung sino ba un..
ano ba namin un. tapos minsan, kahit walang ginagawa..
nagdududa kayo.. yun nga minsan ang nakakatawa..
pag walang ginagawa, dun kayo nagdududa..
pag may ginagawa, hindi kayo nagdududa or hindi niyo napapansin..

pero girls, gusto ko rin ipaalam sa inyo na hindi totoo ang salitang

"ONCE BABAERO, ALWAYS BABAERO"

dahil minsan, nagiging babaero lang ang lalaki dahil hindi pa nila
nahahanap si "THE ONE" pero pag nalaman namin na ikaw pala yun..
asahan mo..

yung BABAERO, nagiging MATINO.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?