2nd Chance for CLOSURE
"So easy to say the words goodbye,
so hard to let the feelings die"
Isa yan sa favorite line ko sa kantang starting over again and FINALLY! Napanood ko din ang Starting Over Again. Hindi ko napigilan. Iyak ako ng iyak. Para akong tanga. Si Toni G. Kasi eh. At si Piolo. Parang meron na kong ipapalit sa One More Chance at It takes a man and a woman. Hahaha. Naka-relate ba ako? Yes. In many ways. May natutunan ba ako? Marami. May narealized ba ako? Natural. Isa isahin ko yung naka-relate ako, natutunan ko, at narealized ko..
1. November 25 and December 25. The date is so special for me. Yung December, iba pa dun yung kasi pasko. Basta. Hahaha. Ayun. Anlakas talaga eh! Pati dates, kabisado!
Yung sa It takes a man and a woman, may date din dun
na talaga naman ohh!! hahaha!
2. Naiintindihan ko na lahat ng ex ko bakit nahihirapan silang magbigay ng closure before. Kasi sa totoo lang, mahirap pala. Wala ako sa sitwasyon. Pero ang hirap sa pakiramdam na tatapusin mo na ang isang bagay na gustung gusto mo. Hindi agad agad mabibigay yun kahit gano mo kagusto.
3. Hindi lahat ng lalaki nadadaan sa flirt. Para sa inyo to girls. Kahit pelikula lang yun, meron pa rin talagang matitinong lalaki na gaya ko ang tatanggi sa mga babaeng nanlalandi samin.
4. Lahat ng nangyayari.. May dahilan. Hindi mo man maintindihan ngayon, balang araw.. Ikaw na mismo sa sarili mo ang makakaalam bakit nangyari at bakit ganon.
5. Pride!!! Wala pang nagiging masaya sa salitang pride. Tanggalin sa sistema ang pride. Oo. Masarap sa feeling yung ramdam mong may paninindigan ka. Pero kung hindi talaga yun ang gusto mo? Lunukin mo.
6. Kung mahal mo ang isang tao, sabihin mo. =) baka mawalan ka na ng chance. May gusto man siya sayo o wala, sabihin mo. Di naman kasi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makapagsalita at Makapagsabi na mahal kita..
7. Hope -parang drugs. Nakakaadik. Tama yun. Minsan, hindi naman masamang umasa sa isang bagay. Minsan talaga, nangyayari kahit malabo. Kahit feeling mo walang chance. Minsan, hindi nangyayari. Depende sa dasal. =) kung kamukha ka ni Mama Mary. Hahaha!!
8. Wag kang matakot sa isang bagay na hindi mo pa alam. May natutunan din ako sa mama ni Ginny. Natakot kasi siya na baka di siya tanggapin ulit ng daddy ni Ginny kaya hindi niya binalikan. Kaya hindi siya nagbaka-sakali. Pero ano bang sinabi ng tatay niya? Tinanong niya.. Pano kung bumalik.. Mapapatawad mo ba? Ang simple lang ng sagot. Oo. =)
9. Magkaiba ang lahat ng tao. Hindi porket naisip mo na baka hindi niya maintindihan, hindi na talaga niya kayang intindihin. Hindi tayo pare-pareho. Kung ikaw mismo sa sarili mo eh hindi mo maintindihan ang sitwasyon, wag mong iparehas sa iba. Dahil may kanya kanya tayong level ng pagiisip. Pwedeng hindi mo tanggap pero tanggap ko.. Pero para sa ibang tao, ang hirap tanggapin. Ganun lang.
10. Lahat ng sakit, bumabalik. Kahit na sandamakmak na realidad ang laklakin mo.. Lahat ng sakit sa nakaraan mo.. Babalik at babalik. =( kahit gano ka kahappy sa anong meron ka ngayon, at once nakita or naalala mo ang isang tao sa nakaraan mo, babalik ang sakit. =(
11. Trust (Big Word) wow!! Super wow. Sana kasi, pinagkatiwalaan mo muna bago ka magduda na hindi. Bakit nga ba kasi hindi na lang muna pagkatiwalaan? Db? Minsan kahit mahirap ipagkatiwala ang isang bagay, kailangan pa rin na pagkatiwalaan mo siya. Lalo na sa relasyon. Baka kasi masyado mong iniisip na hindi niya kaya. Tas in the end, kaya pala niya. Tapos iniwan mo na.
12. History Repeat Itself. Yan ang sabi nila ahh.. Pero pinatunayan ng movie na to na minsan hindi na nauulit ang isang bagay na tapos na sa HISTORY. Hindi mo na mababalik ang lahat ng nangyari. World War 2, Ang pagpunit ng cedula, ang pagbaril kay Rizal sa luneta. Akala kasi ni Ginny, parehas ang mangyayari kay Piolo at sa tatay niya. Na walang pangarap. Na mabilis gumive up. Eh pucha!! Sino bang naunang gumive up? Eh db si Ginny?
13. Minsan, hindi rin tama na makinig tayo sa iba.. Db laging sinasabi nila na Mothers knows best. Pero in that case, pag alam mong puso na ang kalaban mo.. Ilaban mo sa magulang mo! Hindi naman kailangan na pasamain mo ang loob nila or sagutin mo sila ng pabalang. Pero malaki ka na eh. May tamang decision ka na.. Minsan pag sinunod mo ang sinasabi ng iba, dun ka hindi nagiging masaya.. Oo. May nangyari naman kay Ginny. May natutunan siya. Pero come to think of it. Naging masaya ba siya after ng decision niya? Db hindi? Sabi niya, pinagsisisihan niya na iniwan niya si Marco. Anong nangyari? Nasaktan siya, nagwala.. Minsan hindi lahat ng advice ng iba, tama. Minsan kailangan lang natin yun para makapagisip kung ano ang tama sa mali. Eh ano ba talaga ang tama? Ano ba ang mali? Hindi mo malalaman hanggat hindi mo papakiramdaman.
14. Wag assuming. Ansakit sakit pag nag-assume ka sa isang bagay. Kaya dapat talaga, magtanong ka. =)
15. Sabi ng tatay ni Ginny, pinakamasarap sa feeling yung may ending kayo. Yung wala ka ng iniisip bakit. Yung walang bumabagabag sa puso mo. Oo. Tama yun. Kaya maging thankful tayo pag yung mga taong mahal natin eh nasabi satin na hindi na tayo mahal. Na yun na yung end ng relationship.
16. Time to grow. Minsan kasi, kahit anong gawin natin, hindi naman natin naaapply sa sarili natin na umasta sa kung anong edad natin. Minsan kahit 30 ka na, darating sa point na magiging immature ka pa rin. hindi dahil sa
immature ka talaga.. Minsan talaga, di mo lang kayang
tanggapin pa kung anong kailangan para
mag-grow ka as a person.
17. LetterLater.com - hahaha. Meron pala nito. Di ko nga alam eh. Di ko pa rin nachecheck sa net kung talagang meron. Minsan talaga, kailangan natin ng isang bagay na makakapaglabas tayo ng nararamdaman. Yung talagang walang magko-comment na kaibigan. Yung solo mo. Ganun. kasi minsan pag may mga kaibigan kang nagko-comment agad, nakakainis. hahaha! hindi masamang magkaron ng ganung kaibigan.. Pero masarap sa feeling na kahit isa, may nilalabasan ka ng nararamdaman mo para sa taong mahal mo..
18. Forgive - napakahirap nito. Pero pinatunayan talaga ni Patty na dapat merong allowance for mistake ang love. Sabi nga niya
"Our love may be quiet and boring but it is sure. With the right amount of trust and love and even an allowance for mistake. I love him. and in love, there is no fear"
Hindi naman tayo perfect eh. So darating sa point magkakaron talaga ng pagkakataon na magkakamali ka. Yun nga lang, nasasayo kung pano mo aaminin sa taong mahal mo na nagkamali ka.. at nagawa naman ni Marco na aminin na nagkamali siya. at ginawa niya ang
tama para maitama niya kung anong
pagkakamali ang meron siya..
19. You can never UNLOVE a person. Kahit pa 10years na kayong break, hindi totoo na sasabihin mong di mo na siya mahal. Mahal mo pa rin siya. Ibang level na nga lang.
may mga tao kasi na ipokrito at ipokrita eh.. Sinasabi
na hindi na nila mahal, pero deep inside..
kaya sila nagagalit dun sa tao kasi mahal pa nila..
(oh db? nasingit ko pa ang My Amnesia Girl) haha!
20. Perfect timing - God knows kung ano ang maganda para sa atin. Wag tayong mainip. May perfect at right timing si God para satin. Broken man tayo ngayon, makakahanap din tayo ng taong makakapagbuo satin. Yung taong kukumpleto sayo. =)
ang galing talaga ng STAR CINEMA
gumawa ng movies na ganito. Lagi na lang akong nakaka-relate.
lagi na lang ako ang pinapatamaan.
lagi na lang akong umiiyak pag sa palabas niyo..
idol ko talaga tong si Toni G eh.
and ngayon ko lang naappreciate si Piolo.
Maka-John Lloyd kasi ako eh. hahaha! =)
Sabi nila, Hindi raw lahat deserving sa 2nd chance.
Hindi. Mali sila dun. Lahat tayo deserving dun.
Sa totoo lang, may 2nd chance pa naman sana si Ginny at
Marco eh! Kasi mahal pa rin naman nila ang
isa't isa.. Yun nga lang, mahirap ibigay ang 2nd chance
kapag may iba na.. mahirap sumingit.
mahirap ng sirain kung anong meron sila..
GRABE!!!
Andami kong natutunan. Pero hindi ko alam kung lahat kaya
kong i-apply sa sarili ko. Mahirap pa rin kasi. Nasasabi ko to.
Pero parang di ko kayang gawin. Hahaha. Move on nga, hirap
na hirap ako.. Yun pa kayang closure? na talagang nagsabi na kayo ng
Goodbyes and I love you's. =(
Pero thank you sa mga ganitong palabas. Eye opener sakin to. =) sana kayo din. May natutunan. Sana ganun kadaling i-apply ang lahat. Sana ganun kadali. At sana ganun din kadaling sabihin na..
I'm STARTING OVER AGAIN. =(
Comments
Post a Comment