Boys: pag sinabi niyang di ka na niya mahal. Hindi na.


Sabi nila, pag daw sinabi ng babae na di ka na mahal, wag kang maniwala.. hahaha. Ako? Naniniwala ako na kapag sinabi niya yon, hindi na talaga.. pano naman siya magkakaron ng lakas ng loob na sabihin yun kung mahal ka pa niya? Naniniwala kasi kayo sa sabi sabi kaya madalas nadidisappoint kayo. Pero ang totoo? Kapag sinabi ng babae yun, totoo yun. Hindi ka na niya mahal. May iba na siya. Hello!! Hindi ka perfect para hindi ka ipagpalit sa iba na mas better sayo. Hahaha. Nung isang araw, nakipagtalo ako.. sabi ko, ikaw bakit nasabi mo yung ganun na hindi mo na ko mahal? Kung hindi totoo. Sabi niya, makulit daw kasi ako. At di ko siya titigilan pag di niya sinabi yun.. Sabi ko, ibig sabihin, gusto mo rin naman na sabihin yun eh.. db tama ako? Kasi ako, sa isang ex ko.. sinabi ko naren yan. Tinext ko siya.. sabi ko, itext niya ako at sabihin sakin na hindi na niya ako mahal para di na ko magtetext sakanya forever. Ayun. Walang sagot. Ni ha ni ho. Atleast alam ko talaga na mahal niya paren ako that time.. yun lang, wala na talaga. Pero yung iba? Sinabi talaga. Kaya naniniwala akong totoo kapag sinabi ng isang babae na hindi ka na niya mahal. Wala lang. Narealized ko lang kasi lately na kapag nasabi na sayo yang katagang yan, oras na para tumigil ka. Meron kasi akong kilala. Umaasa pa siya sa ex niya. Kahit sinabi na hindi na siya mahal. Talagang pinagsisiksikan niya pa sarili niya.. tinetext pa niya, minemessage kung saan saan. Eh ayaw na nga eh! Di na nagrereply. Nakablock ka na nga sa kanya eh.. kaya dapat.. Tumigil ka na.. =) OO. Mahirap yun. Yung patigilin ka sa bagay na gustung gusto mo. Pero kung nakikita mong masaya na siya sa iba, tumigil ka na.. Hindi ka na nga nirereplyan eh.. Hindi ka na rin hinahanap. Di tulad noon nung kayo pa. Isang oras ka lang di makareply, may 20missed calls ka na.. ngayon, kahit 1week kang hindi magtext or magparamdam, wala kang makikitang missed call sa phone mo. Kasi nga, wala na. Wala na. Wala na. Wag mo ng paasahin pa ang sarili mo.

Pero di ko rin naman masisisi yan. Kung mahal mo talaga ang isang tao, mahal mo talaga.. kahit na hindi ka niya replyan. Kahit na mukha kang tanga kakahabol sakanya.. pero lagi nating tatandaan, merong hangganan ang pagmamahal. Kung dumating na talaga sa point na naramdaman mong hindi ka na niya talaga mahal, stop na. Pwede mo paren naman siyang mahalin eh.. yun nga lang, wala ng kapalit. Ako? Ilang beses ko ng ginawa yan. Tumigil. Pero bumabalik ka paren eh.. bumabalik ka sa pagiging tanga sa pagmamahal sakanya. yun lang, wala na talaga eh. Siya na mismo nagsabi na ayaw na niya.. di mo naman kasi pwede ipilit eh. Di rin maganda yun. Minsan mas nakakasakit tayo.. kung talagang para sakanya, hindi na ikaw.. hindi na ikaw.. =(

Ansakit tanggapin db? Kasi umaasa ka pa. Pero siya? Masaya na sa iba.. ganun talaga eh. Parang game lang yan na candy crush. Meron kang 5 buhay tapos kapag hindi ka naka-sugar crush, game over na. =( kailangan mo pa ulit maghintay. Pero sa love, kahit maghintay ka.. wala ka ng aasahan.. dahil kahit kailan, hindi ka niya mamahalin pa. Pag sinabi kasi niya yun na hindi ka na mahal, maniwala ka.. totoo.

Hindi ka na niya mahal.

Comments

  1. Pag ayaw na sa iyo tanggapin mo nlang kahit masakit samahan mo nlang Ng panalangian pAra maibsan ang sakit kaysa mag sama kayo habang Buhay Ng may pan looko

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?