Vice ADVICE!!!
One of the saddest moment to ng buhay ko. Hayaan niyo muna akong magdrama dito sa blog ko na to. Haayy. Di ko alam dapat kong sabihin or what. Pero hindi ko expect na ganito pala kasakit yun. Nagbbrowse kasi ako ng old phone ko. And madami akong nakitang picture memories. Parang mejo napagtagpi-tagpi ko na ang sitwasyon. At tama nga ako. Hindi ako minahal ng taong matagal kong minahal. Matagal kong naging inspirasyon. Okay sakin kung hindi na ko mahal. Pero yung nalaman ko, hindi pala ako minahal. Ni minsan. Wala lang. Ngayon alam ko na. Mejo masakit lang sa part ko. Kasi alam ko naman naging totoo ako sa feelings ko for her. Siguro nga may times na nasaktan ko siya, (not sure kung talagang nasaktan ko siya) kasi nga sabi ko di niya ako minahal. I really want to cry. Pero parang walang lumalabas na luha sa mata ko. Di ko alam kung bakit. Pero alam kong hindi ako galit sakanya. Ayokong sayangin yung buhay ko para magalit lang sakanya. Napanuod ko nga yung showtime nung isang araw. Or kahapon yata. Habang nasa lobby ako.. Nadinig ko. Sabi niya, ang realidad.. Hindi laging masaya. Minsan kailangan may 1 beses kang iiyak ka. Para mawala yung sakit. Kasi baka yung sakit mapunta sa galit. At yung galit mapunta sa kasalanan. Basta something like that. Di ako sure kung ganyan talaga ang exact words na sinabi niya. Pero basta ganyan. Tama siya don. Naiyak ako sa sinabi niya. Pero di ko na lang pinahalata sa mga kasama ko. Ayokong malaman nila na nasaktan ako sa sinabing yun ni Vice or naka-relate ako. Hahaha!
Pero Vice Ganda, gusto kong malaman mo.. Na hanga ako sayo. Kasi kahit nagagawa mo kaming patawanin sa mga jokes mong nakakaloko, napapahagalpak sa tawa sa lakas ng mga trip mo, nagagawa mo ring palambutin mga puso namin. =( alam ko nung nagsasalita ka sa showtime umiiyak ka na. Pero napakatapang mo. Hindi ka nagpatalo sa sakit na nararamdaman mo. Sana kaya ko din yan! Sana matapang din ako! Ngayon ko napatunayan.. Hindi nasusukat ang isang tao sa kung anong gender niya. Hindi rin sa kulay pink na buhok mo. At hindi sa kung anong uri siya ng nilalang. Kahit palagi mong sinasabi na kabayo ka.. Shit! Yung puso mo napakalaki. Well, salamat Vice sa sinabi mo sa showtime. Gumaan pakiramdam ko. Sana magtuloy tuloy! Ayan. Naiiyak ako. Hahaha! Pero seryoso. Salamat! Di man tayo magkakilala ng personal, sobrang anlaki ng impact na nabigay mo sakin dahil sa sinabi mo. =) THANK YOU!
Parehas kasi kami ng pinagdadaanan. Mejo masama lang din loob ko sa taong minahal ko, pero alam natin.. Mas makakabuti na siguro talagang matapos na. Kasi walang madudulot na maganda. Masaya naman ako sa present ko. Masaya ako sa nangyayari. Pero di ko lang talaga lubos akalain na ganun pala yun. Ganun pala kasakit. Akala ko nung una, yung brokenhearted parang pang-emotion lang! Kasi laging puso ang ginagamit pagdating sa pag-ibig. Pero meron pala talagang tinatawag na BROKENHEARTED. Yung ramdam mong broken ka. Yung wasak na wasak ka. Pero okay na rin ako. Makakalimutan ko rin yung nagawa niya sakin.
At para sa babaeng yun:
Salamat. Kasi tinuruan mo kong magmahal ng todo. Alam ko namang hindi mo ko minahal. Dun sa panahon na may tayo pa, alam ko talaga sa sarili ko. Di mo ko minahal. Pinaramdam mo rin naman. At pinakita mo. Siguro nung time na yun, naghanap ka lang ng mapaglilibangan. At ayun! Ako yung dumating. Kaya napaglibangan mo. Naalala ko nga yung tweet mo before sa isang friend mo. =) "we haven't talk any about what we are" may screenshot pa ko sa phone ko. Eh nung time na yan, tayo eh! Kaya napapaisip ako, bakit may ganyan? Eh boyfriend mo ko nun? Haayy. Wag na nga nating ibalik pa. Alam ko namang idedeny mo na ibang lalaki yan eh. Tulad na ng pagdeny mo before pa. Akala ko eto yung relationship na worth fighting for! Hindi pala. Pero gusto kong malaman mo na nagsisisi ako na minsan kitang nasaktan. Madalas nga pala. Pero alam ko hindi ganun kasakit sayo. Kasi gaya nga ng sabi ko, napaglibangan mo lang ako. Baka wala ka namang naramdamang sakit nung "nasaktan" kita pero gusto ko paren na mag-SORRY. Sorry kasi nasaktan kita. At di ko napakita sayo kung gano kita sobrang mahal. Hindi ko nabigay yung 100% ko nung tayo. Alam ko yun. Dahil takot din naman ako. Alam mo yun. Pero wala na eh. Tapos na tayo. Hindi naman na tayo pwedeng bumalik eh. Pero thank you! Kasi wala kang nagawa sakin kundi pasayahin ako =) sana masaya ka sa bago mo. At alam ko namang siya naman talaga kahit nung tayo pa. Ay hindi nga pala siya bago. Luma ata. Ewan ko. Di naman na ko nangingialam kung ano or sinong mahal mo. Basta kung si bago man yan o luma, sana maging masaya ka. Salamat. =)
I believe love is the answer..
I believe love will find a way =)
Comments
Post a Comment