ask.fm/superwaweng
Kailangan ba ipaglaban mo yung pagmamahal mo kung may iba na siya?
Isa sa mga natanggap kong tanong sa ask.fm =)
ask.fm/superwaweng
Di ako makasagot. Hahaha! Kasi ako, mabilis akong sumuko eh. Mabilis akong umayaw. Lalo na kung may kapalit ka na. Ako kasi pag iniwan ako, iniwan ako. Magmamakaawa akong balikan ako sa umpisa.. Pero eventually, mapapagod din ako maghabol. Lalo na kung wala ka namang nakikitang sign na gusto niya pa. Meron akong ganyan before. Mahal na mahal ko siya. Nagmakaawa ako sakanya. Sabi ko, balikan niya ako.. Kaya lang, di naman na niya ako nirereplyan eh. Tinatawagan ko, di naman ako kinakausap. =( kaya ewan ko. Di ko alam isasagot. Pero sa totoo lang, maging masaya ka na lang para sakanya/sakanila kung may iba na siya. Baka tapos na yung chapter mo sa buhay niya. Nalipat na sa ibang page. Baka di ka na kasali dun. Kaya wag mo na isiksik sarili mo. Kasi ikaw lang din ang masasaktan, aasa at iiyak.
Tapos magpakasaya ka. Uminom kang beer. Pumarty ka. Lunurin mo sarili mo sa alak, at sa kung ano-ano pa. Hanggang sa dumating sa point na sa kakainom mo ng alak, wala ka ng pera. Tapos pag wala ka ng pera, magtatawag ka ng kaibigan.. Tapos yung kaibigan mo na yun magpapakita sayo ng malakasakit. Araw araw kayong magkasama. Halos di na kayo maghiwalay. Iku-kwento mo sakanya lahat ng masasakit na nangyayari sayo. Paulit ulit. Di siya magsasawa kasi kaibigan mo siya. Tapos makikita niya lahat lahat ng ugali mo na hinahanap niya sa isang mamahalin niya.. Mafofall siya.. Ikaw? Di mo alam kung mahal mo na siya. Pero alam mo sa sarili mong napapasaya ka niya.. Tapos magiging okay kayo sa umpisa.. Titigil ka na sa pag-inom. Magiging sweet kayo. Hanggang sa para na kayong MMk. Umiiyak ka, kinikilig ka.. Pero di mo pa rin alam ang "title" niyo. Hanggang ma-realized mo na mahal mo pa rin yung past mo pero wala ng pag-asa.. =) tapos babalik ka na naman sa pagiging tanga. Yung isa, pinaiyak mo na, pinaasa mo pa. Tapos ikaw? Malungkot ka. Wala kang gagawin. Kasi iisipin mo pa rin siya. Aynako!
Minsan ang pagsuko ay hindi senyales na mahina ka at hindi mo na siya mahal. Minsan, ang pagsuko ay paraan ni God para makita niya kung gano ka katatag para maghintay sa kanya. At kung kayo talaga ang para sa isa't isa, mabuhay ka! =)
Comments
Post a Comment