OPEN LETTER TO MS. RIGHT

Dear Ms. Right,

Alam ko para sa iba sinasabi nila, walang Ms. Right or Mr. Right. Pero para sakin, meron. Ikaw. Matagal na kitang hinihintay. Kailan ka ba darating? Baka naman dumating ka na? Pinakawalan lang kita? Ano ba talaga? Darating ka pa ba? Sobrang tagal na eh. Ang dami na nilang naghihintay sayo. Yung parents ko. Yung mga friends ko. Gustung gusto na kita ipakilala sakanila. Gusto ko na makilala ka. Or kung kilala na kita, sana naman iparamdam mo sakin na ikaw na ang Ms. Right ko. =) Please. Kasi sa totoo lang, naiinip na ako. Naiinggit ako sa ibang tao na sila, nahanap na nila yung forever nila. Ako, nganga. Baka naman kasi nahanap na kita, pero pinakawalan kita? Or baka naman andiyan ka lang, pero di pa tamang panahon? Kailan ba ang tamang panahon para malaman kong ikaw yan? Bigyan mo naman ako ng sign. Kasi gusto na ng puso kong mamahinga sa sakit na nararamdaman ko. Sa mga nakaraan, at sa kasalukuyan. Kapag nakilala na kita or kapag bumalik ka na sakin, sisiguraduhin kong di na kita papakawalan. Umiiyak nga ako habang ginagawa ko to. Kasi gusto ko na talagang makasama ka. Siguro may konting kailangan pang ayusin sakin, pero ready na ako. Ready na akong makasama ka forever. =) gusto kong patunayan sa lahat na totoo ang forever. Forever kasama ka. Yung mga friends ko, 2 na anak nila. Pero ako, wala pa rin. Gustung gusto ko na magkaron ng Junior ko. Hinihintay kasi kita eh. Ayokong maging disgrasyado kasi gusto ko, sure na sure ako.. At ikaw lang ang magbibigay nun sakin.

Pag nakilala kita, pakakasalan kita. Sisiguraduhin kong magiging masaya ka sakin.
Sisiguraduhin kong di kita sasaktan.

Hindi pa kita kilala kung sino ka. O baka kilala kita. Pero alam kong mamahalin kita.
Sana dumating ka na soon.

Hindi ako si Mr. Perfect. Ako si Mr. Wrong. Kasi alam ko madami akong pagkukulang. Marami pang kulang sakin na dapat ayusin. Pero sisiguraduhin ko na ako ang tamang lalaki para sayo. Ako lang.

Miguel

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?