She's the one: GIRL in the rain.
She's the one.
Nanuod kami ng movie ng friend ko. Yung kay Bea and Dingdong. Bestfriends sila. Tapos si Bea, mahal na si Dingdong at pinapakita niya yun sa actions niya. Inaalagaan, lahat binibigay. Eto namang si Dingdong, inlove na kay Bea pero dahil alam niyang di siya papatulan ni Bea dahil babaero siya di niya sinabi. Until one day, may guy na dumating sa buhay ni Bea. At dun nagbago ang lahat!
Si Dingdong, dun lang niya nakita yung efforts ni Bea. Lahat ng sakripisyo. Lahat ng ginagawa maging masaya lang siya. Pero binalewala niya lahat yun. Dahil nga siguro dahil na rin sa pag-aakalang di naman siya talaga gusto ni Bea at baka may iba siyang gusto. At dumating nga si Enrique Gil. Lahat ginawa niya para mapasagot si Bea. At naging sila nga. Si Dingdong, masyadong nasaktan. Di niya expect na ganun pala ang feeling na nawala sakanya yung "BESTFRIEND" niya.
Lol. Ganun naman talaga. Tayong mga tao. Malalaman lang natin ang kahalagahan ng isang tao pag wala na. Pag may iba na! Tangina kasi. Nakakaloko di ba! Pwede namang sa umpisa palang, makita na natin lahat. Maappreciate natin sila! Pero dahil nga sa sobrang selfish natin, ayun! Napunta na sila sa iba. Oo. Ang ending sila pa rin. Pero sayang yung years. Sayang yung oras. Mas madami pa sanang memories. Pero siyempre, di niyo rin pwedeng sisihin si Dingdong. Dahil narinig niya mismo kay Bea na ayaw niya. Kasi ganito and ganyan. Kaya siguro di na rin nagtake ng risk si Dingdong na iinform si Bea sa nararamdaman! Kaya hinayaan na lang niya. Until one day, maaksidente si Bea. Siya naman yung nagpakain ng breakfast, siya naman tumulong. Atleast si Bea, kahit na ganun ginawa sakanya ni Dingdong na binalewala siya at laging nasasaktan sa mga sinasabi, hindi niya yun iniwan. Di niya iniwasan. Di niya binalewala. Kaya si Dingdong, gumawa ng paraan para makabawi. Pero kung nagbago si Bea, baka di na rin bumawi si Dingdong. Baka di na rin siya nagparamdam. Baka i-let go na niya ng fully si Bea. Pero hindi. Ganun naman eh. Pwede naman tayong bumawi. Minsan naman kasi, kaya nating patunayan sa action yung words. Minsan lang talaga, kailangan nila maniwala. Pero may kilala ako, nagbago siya. Iniwan niya yung guy. Kaya si guy, di na nagtake risk. Kasi alam niya, happy na yung girl na hindi sila. Yun talaga. Hehe!
Ako kasi, di na ako naniniwala sa kung kayo, kayo! Kung gusto mo ang isang tao, paglaban mo. Wag mo isusuko. Pero once na ang babae, sumuko na, hindi ka na pinapansin, wala ng paki sayo, promise! Hindi ka na mahal nun. Sa dami ba naman ng experience ko sa love, alam ko na pag di na ako mahal. Kaya yun. Pero madami din ako natutunan dito.
Kay Enrique Gil
--Na hindi porket mas matanda ka or mas bata ka, di na kayo pwede. Pwedeng pwede kayong dalawa. Walang problema dun. Age doesn't matter.
--Wag mo ipipilit na tutulungan mo siyang makalimot sa ex love niya lalo na kung fresh pa. Kaya kailangan, maghintay ka. Kasi baka ang ending, oo. Mahalin ka niya. Pero pag bumalik yung isa, wala ka na. Para kang REBOUND.
Kay Liza Soberano
--minsan kailangan mong maghintay ng matagal. Yung tipong masaktan muna yung mahal mo, para malaman niyang ikaw talaga ang para sakanya. Kaya wag kang gigive up! Everything will fall into place.
Kay Bea
--minsan kailangan mo din isipin ang sarili mo. Hindi pwedeng ikaw yung tipo ng bestfriend na laging bigay ng bigay. Minsan dapat maramdaman mo ikaw din ang binibigyan.
--wag kang magbabago. Hindi porket iisipin mo sarili mo, magbabago ka na. Ang kailangan mo lang gawin iparamdam sakanila na kawalan ka rin naman. At kailangan mo rin ng atensyon nila. Pero di mo kailangang magbago. Ipakita na walang pakialam, ipakita na wala na siya sayo. Dahil lagi siyang nasa puso mo.
Kay Dingdong
--wag tanggap ng tanggap. Minsan kailangan mo rin magbigay. Hindi yung alam mong mahal ka niya, wala ka ng ibibigay. Magbigay ka din. Di naman kailangan parehas ng kanya. Pero ipakita mo din na nagke-care ka.
--nasa huli ang pagsisisi. Pero sayo pa rin ang huling halakhak. Hahaha!
Well, maganda yung movie. Panuorin niyo.
Comments
Post a Comment