#PBBTuloyPaRin



I was able to watch PBB episode last night. Honestly, I'm not a fan. Hahaha. I was browsing last week I think sa FB. Nakita ko yung link sa newsfeed ko ni Elisse na nagconfess kay kuya regarding sa dalawang J ng buhay niya. Kasi isa daw dun yung reason bakit nagawa niya yung mcdo commrrcial. And nakita ko na masakit para sakanya. Di ko nga pinansin masyado yung mga J daw eh. Parang sabi ko nalang sa sarili ko, sayang naman. Tapos dumaan ang araw.. Nakalimutan ko na yung PBB. Hanggang mapanuod ko ulit siya sa news feed ko. Si Jerome Ponce pala yun. Hahaha! So pabalik na sila ng PBB house from other country. Hanggang sa pinapanuod ko lang. Yung kay Jerome and Elisse. Papasok pala si Jerome sa PBB house. Parang na-engganyo akong manuod. Kasi baka magkaron na sila ng chance para makapagusap. Hahaha!

Until eto na ngang episode na to.
Naisip ko, kailangan talaga ng closure sa isang relasyon. Kailangan talaga magkaron ng last na paguusap para magkaron ng peace of mind at para mapatawad ang isa't isa sa mga naging kasalanan niyo. Naiyak nga ako. Di ko alam bakit. Nakarelate ba ako? Hahaha! Ewan. Basta alam ko na lang biglang tumulo ang luha ko. Pero alam ko sa sarili ko, may gusto rin akong ganung closure. Yung mapatawad ako. Makahingi ako ng sorry.

Sa part ni Jerome:
Mejo masakit kasi nagkaganyan na rin ako. Mahal ko pa pero wala ng chance. Kasi siguro may iba na siya. Gusto kong ayusin pero parang ayaw na rin naman niyang ayusin ko. Gusto ko na maging okay ulit kami pero siya mismo, okay na siya ng wala ako. Pero kasi di rin naman natin alam yung pinagdaanan niya. Artista siya. Kailangan niya itago yung ibang bagay lalo na lovelife kung may loveteam ka. Swerte mo na lang kung yung lovelife mo, yun din ka-loveteam mo. Pero hindi eh. Di naman artista that time si Elisse. Kaya wala ring magagawa si Jerome. Sabi nga niya, di naman niya kinahiya. Pero wala eh. Tapos na. Kung baga sa basketball, nagshoot ka pero biglang tumunog na yung buzzer. Game over na. Ganun talaga. Minsan kasi gusto nating i-grab yung opportunity ng career bago lovelife. Akala kasi natin, maiintindihan nila tayo at susuportahan nila tayo. Yung tipong priority mo muna career bago sila. Pero wala eh. May mga taong hindi makakaintindi nun lalo na kung ang priority nila that time eh ikaw. Tapos kapag sila na yung naging priority mo, ikaw naman ang hindi na nila priority. Ouch.

Sa part ni Elisse:
Di rin naman natin siya masisisi kung ayaw na niya. Dumarating talaga sa point na ayaw mo na. Kasi okay ka na. Kasi masaya ka na. Kahit na may part sa puso mo na nasasaktan ka pa. Kasi alam mo na mas masasaktan ka, kahit ipagpatuloy mo. Baka kasi mangyari na naman eh. Saka ang thinking ni Elisse, bakit ngayon lang? Bakit hindi noon? Bakit kung kailan nasa PBB house ako saka mo gustong gawin yung mga bagay na gusto kong gawin mo? Bakit hindi pa noon? Syempre mejo magiisip ka din. Pero minsan kasi Elisse, kahit gustung gusto mong gawin ang isang bagay noon, wala talagang paraan. Kaya nga ako di naniniwala sa pag gusto may paraan. Pag ayaw maraming dahilan. Kasi minsan kahit gusto mo, wala talagang makitang paraan. Ay kahit ayaw mo, minsan madaming dahilan ang tadhana para mangyari sayo. Dati, gusto mo rin naman na magkabalikan kayo. Eh bakit di mo ginawa? Kasi wala kang makitang paraan pano mo gagawin yun. Ayaw mong magkahiwalay kayo, pero tadhana ang gumawa ng dahilan para maghiwalay kayo. Haayy. Labo db?

Well, parehas naman silang may point. Gusto ni Jerome na ayusin ang lahat, at gusto ni Elisse, matapos na ang lahat. Sabi nga, time heals. Masakit oo. Kasi ako, naramdaman ko yung sakit. I swear. Na tinitignan mo siya habang nakatalikod siya sayo na lumalayo na. Pero ganun talaga. Sabi nga ni Big Bro, magpasalamat na lang tayo sa memories.

Thanks for the memories.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?