AKALA: TOWGA
Na-realized ko, hindi naman pala siya yung the one who got away ko. Ako pala ang the one who got away sakanya. Lol. Kidding aside, hindi talaga the one who got away. Kasi alam nga pala niya na may feelings ako. At noon pa man, binasted na niya ako. So walang naging relasyon at walang chance na nasa akin na, pinakawalan ko pa. Ni minsan hindi naging akin. Kaya hindi siya ang the one who got away ko. Binabawi ko na. Hahaha! Ako talaga yun para sakanya. Kasi inoffer ko na sakanya na maging sakanya ako. Pero ayun nga. Pinakawalan niya ako. Pero baka kasi may reason. Baka hindi niya talaga ako gusto. Kaya yun. Hehehe. Wala lang. Bigla ko lang naisip yun habang nakasakay ako sa kotse. Tapos biglang pumapatak yung ulan. Sabay may tugtog pa..... "kung ano-ano na ang ginawa at sinubukan para alaala mo'y mawala at malimutan" lol. Hahaha.
Buti na lang sanay na sanay na akong iniiwan at sinasaktan. Kaya kahit pabalik balik sila sa buhay ko tapos bigla na namang aalis, hindi na ganun kasakit. Hindi na ganun kalalim yung sugat na dinudulot nila sakin. Buti na lang talaga hindi ako tinulungan ng friend ko na makausap ko siya before. Siguro mas masakit yun before. Hahaha. Atleast ngayon, okay lang ako. Sabihin man niya na hindi niya ako mahal, wala na akong paki. Kasi matagal ko naman ng alam na hindi talaga. Umasa lang ako. Hahaha. Wala lang. lakas makapagpa-senti pala ng ulan na to! =)
Pero there's something about rain na parang gustung gusto ko. Lalo na pag naulanan ako. Feeling ko inaambunan ako ng swerte. Hahaha. Kung hindi naman swerte, parang feeling ko sumasabay yung langit sa pagpatak ng mga luha ko. Andrama! Pero seryoso. May something sa ulan na gusto ko. Ang ayoko lang napuputikan ako. Yun lang! Hahahaha!
So yun. Kaya feeling ko yung the one who got away ko, yung ex kong Chinese. Hahaha! Nanghihinayang ako talaga na pinakawalan kita. Lahat sila paulit-ulit lang na sinaktan ako. Pero ikaw, ikaw yung nasaktan sakin. Ikaw yung nag-suffer. Pero sakanila, ako. Hindi ibig sabihin non, hindi kita minahal ah. Sobra. Minahal kita. Di ko naman sinadja na masaktan kita. Kung binigyan mo lang sana ako ng chance na makapagusap tayo. Masabi ko lahat sayo. Handa na akong maging super mature nung oras na yun. At gusto ko na maging okay tayo. Pero its like you and me against the world. Ay hindi pala. Me against the world. Di ko kasi alam kung hahawakan mo pa ako non. Baka hindi na. Kaya ako na mismo, bumigay. Pero kung may nakita lang akong hope na gusto mo din, di ako magdadalawang isip na mag-effort para sayo. Haayy. Kaya lang okay naman na. Masaya ka na. Kaya di na kita ginugulo.
At dun sa feeling ko na the one who got away ko na wala naman palang feelings. Sorry naman. Kung masyado akong nag-assume. Hahaha! At sorry din kung nabanggit ko pa name mo dun sa blog na yun. At sorry din kung pati sa FEU Files pinost ko yun at hinahanap kita na namention ko pa name mo. Lol. Mali lang talaga ako ng akala. Kala ko the one who got away kita. Hindi nga pala. Tama na siguro yung regrets pero the one who got away, hindi. Sorry naman. Hahahaha!
Kaya kayo, kung may mga girlfriend/boyfriend kayo na nagtitiis sa inyo kahit alam niyong di kayo dapat pagtiisan, yung loyal at never pinaramdam na may mga karibal ka sakanya, yung kahit saglit lang yung pinagsamahan niyo punung puno ng pagmamahal lahat, yung parang naging bestfriend mo na pwede mong i-open lahat, yung taong pag may kulangot ka di nandidiri, siya pa kukuha non for you, yung totoong nagseselos kasi nasasaktan siya pag may kasama kang iba, yung handa kang ipaglaban sa magulang niya, yung taong binibigyan ka ng assurance na hindi ka niya pagpapalit, yun. Yun ang the one who got away. The one who got away kung papakawalan mo. Pero kung di mo naman papakawalan, swerte mo! Ang swerte swerte mo. Huwag kang gagaya sakin na pinakawalan ko yung nag-iisang yun na nasakanya na pala lahat ng signs na siya yung the one. Masyado lang akong naging bulag. Di ko nakita lahat ng effort niya. Lahat ng magagandang nagawa niya. At kung bakit siya yung the one.
Kaya siguro until now, di pa rin ako kinakasal. Hahaha. Bakit di pa rin ako committed. Baka may hinihintay ako. Hahaha. Hinihintay kong mag-break sila? Hahaha. Joke. Pero hindi na. Masaya na ako. Masaya naman siya. Nasaktan na nga siya sakin, tapos magrerequest na naman ako na masaktan siya ng iba? No. Dapat happiness na lang ang iniisip ko for her. Super happy ko na happy siya. Sabi ko nga always sa lahat ng mahal ko, mas importante na happy sila kesa sa happiness ko. Kasi for me, once yung taong mahal mo masaya eventually, every pain will be worth it. Kasi you know na masaya siya. Hindi man sa piling mo. Pero alam na alam mong masaya siya. Sayang lang talaga at nakakapanghinayang na hindi na ikaw yung nakakapagpasaya sa taong mahal mo.
Bwisit na ulan. Hahaha!
Andaming pinapaalala ng ulan na to.
Ansarap kaya kapag umuulan. Nasa kama ka lang. yakap yakap mo yung taong mahal mo. Yung alam mong kahit walang sex, magkayakap lang kayo. Tapos kinikiss mo siya. Kinikiss ka niya. Tapos sabay kayo matutulog ulit ng magkayakap. Tapos siyempre dahil nasa totoong mundo tayo, may sex. Hahaha! Aminin niyo man o hindi.
Haayy. Tama na ulan. Dami mo ng pinapaalala.
Tumila ka na. At ako?
Titigil na.
hnd k nga nya gus2
ReplyDeleteHahahaha. I know! =)
Deletec jes ba ung chinese? hahaha. hello migz
ReplyDeleteHahaha! Anonymous? Sino ka ba?
DeleteBaka naman may reason siya kaya di ka niya nagustohan.
ReplyDeleteGwapo ko daw e. Hahahaha
DeleteMaybe she's intimidated kasi nga gwapo ka.
DeleteNakaka-intimidate ba pag gwapo? Parang hindi rin. Pero hayaan na yun. Baka di niya talaga ako gusto. Kasi immature ako. And hindi ako yung tipo niya. Baka iba talaga. Hayaan na. May mga bagay namang hindi nakukuha e. At isa na siya dun. Kaya okay na lang.
DeleteSabi nila, kung mahal mo ipaglaban mo. Haha! CHAROT! Sana nga totoo yang sinasabi mo na "okay na yon" �� Have a great day. ❤
ReplyDeleteDi ako sure sa okay na yon. Kaya nga sabi ko, okay na lang! Hahaha
DeleteIf di ka sure, most probably hindi ka okay. Kaya wag mong sabihin okay na lang kung hindi naman. Parang niloloko mo lang sarili mo nyan.
DeleteSagutin ko lang sinabi mong kung mahal mo, paglaban mo. Kung mahal ako, bakit kailangan ko pang lumaban? Dapat uwian na sila. Kasi may panalo na ---- AKO. Hahahaha!
DeleteHmm, actually okay naman kasi ako. Yun nga lang kasi syempre mas okay ako kung merong mangyari. Pero if you know the story, and kung alam mo lang pano niya sinabi na tama na, haayy. Ewan.
Sabagay may point ka pero may instance kasi na nalilito/naliligaw lang yung puso niya. Effort lang naman ang gusto ng babae.
ReplyDeleteAlam ko yung story. ��
Alam mo yung story? Meaning? Kilala kita? or May nagkwento sayo tapos inutusan kang mag-comment dito? hahaha
DeleteNalilito/naliligaw puso niya? hahahaha!! ano bang effort ang dapat gawin ko? sige nga aber?
DeleteWalang nagutos sakin wag kang TH. Haha! Kilala ko nga siguro ako. I'm not sure. Char!
ReplyDeletehahahaha!!! walang nag-utos sayo. so alam mo lang kwento kasi sa blog ko. =) gets! open book nga pala ko pagdating dito. gets ko =)
DeleteMaring possibilities. Malay mo isa ko sa mga ex mo. Or isa ko sa mga tropa ng ex mo? Or isa ko sa babaeng nakwento mo sa blog mo? Hahahaha! Kidding. Basta alam ko yung kwento.
ReplyDeleteNakakalito! hahaha! Kung ex kita, yiee! hahaha! lol. tropa ng ex? Shyet. wag ka naman sana si MNB. Pero hello kung ikaw yun.
DeleteBasta kilala mo ko. Yun na lang.
ReplyDelete=)
Delete