Waiting Shed

Kasabay ng pagpatak ng ulan ngayong umaga ay ang pagpatak ng mga luha ko na kahit kailan hinding hindi ko ipapakita.

Tinanong ko yung sarili ko habang bumabyahe. Ano bang meron ngayong araw na to? Dahil parang may something. Sa paghinto namin sa isang waiting shed, may nakita ako. Dalawa, isang nagmamahalan, yung isa mag-isa lang. Napaisip ako. Bakit yung iba ang bilis mahanap yung taong para sakanila? Yung iba, first girlfriend nila yun na napangasawa nila. Yung iba, naka-bente ng girlfriend, hindi pa rin mahanap yung the one niya.

Dahil mejo traffic, nakita ko sila pano sila maghintay ng sasakyan nila. Yung mag-boyfriend, naglakad na kahit mejo maulan.   Dahil naka-jacket yung guy, binigay niya sa girlfriend niya yung jacket. Dahil siguro sa sobrang traffic, ayaw na nila maghintay. Dahil kaya naman nila lakarin basta magkasama sila. Kahit gano kalayo. Walang dumadaan na jeep. Tapos wala silang dalang payong pero enjoy na enjoy pa din sila. Yung naiwan sa waiting shed, may payong siya. Pero basa pa rin siya e. Nagpupunas kasi siya. Tapos may dumating na babae, ganun din. Umupo sila dun. Waiting shed. Waiting game.

Na-realized ko lang. Masarap talaga magpakabasa sa ulan kasama yung taong mahal mo. Yung taong kahit madaming ulan ang dumating, sasamahan ka. Hindi ka iiwan. Hindi yung taong hanggang pangako na hindi ka iiwan at nagsasabing hindi ka kayang mawala pero sa totoo lang, mabubuhay siya kahit wala ka lalo na may darating namang iba. May bagong darating na hindi gaya natin.

Pero minsan nagtatanong din ako kay God. Bakit ang unfair niya? Bakit? Ano bang ginawa ko sa past life ko? Bakit wala pa din? Sila na-eenjoy na nila yun. Ako parang binigay lang sandali tapos kukunin. Pinahiram mo lang pero hindi pang-forever.

Gusto ko yung babaeng magiging kasama ko sa pagtanda ko. Yung babaeng magiging nanay ng mga anak ko. Yung babaeng tutupad sa salitang til death do us part. Hindi yung babaeng hindi mo lang nabigay yung gusto, iiwan ka na. Babalik na sa ex niya. Or kung ano man. Gusto ko yung babaeng iintindi sakin kasi gusto niya akong intindihin. Yung babaeng kayang panindigan yung salitang di kita kayang mawala.

Hindi naman sa kinu-question ko decision ni God para sakin. Pero bakit ganun? Sila masaya na. Bakit ako? Kailangan ko pang pagdaanan yung ganito? Yung iba nga di na dumaan sa ganitong heartbreak. Happiness na lang dahil elementary palang, kasama na nila yung mahal nila. Ano po bang nagawa ko?

Ganun po ba sila ka-perfect?
Minsan nakakatampo.
Pero di na ako magtatanong Lord.
Ikaw na bahala sakin.

Ako feeling ko nahanap ko na yung the one ko. Feeling ko natagpuan ko na siya. Siguro pinakawalan ko lang. baka nasaktan ko na. Or baka anjan lang siya. Naghihintay sa WAITING SHED. =)

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?