HINDI OKAY

Someone asked me:
Okay lang bang maging friends kayo ng babaeng bumasted sayo?

Sorry, ngayon lang ako makakasagot. Busy kasi ako sa work ko dito sa Jap. Sa loob ng 2 weeks, ngayon lang ako naging available para sumagot. Hehe.

Nung una sabi ko sa sarili ko, okay lang maging friends sa ex. Pero mali ako. Hindi okay e. Lalo na kung may feelings ka pa tapos siya wala na. Parang ganun din yun. May feelings ka tapos siya wala. Kasi nga binasted ka niya. Mahirap kasi maging kaibigan yung ganun. Hindi madali. =( Kaya hindi okay. Pero depende sayo. Kung tanggap mo namang hindi ka niya mamahalin at kaya mo namang makita na masaya siya sa iba, why not? Kung ayaw niya sayo,
sanayin mo na rin na ayawan siya. Kasi kawalan naman niya kung di ka niya nagustuhan. Siguro naman binigay at pinakita mo naman na seryoso ka sakanya. Nagkataon lang talaga, di niya kayang mahalin ka. Kaya sanayin mo na rin sarili mo. Pero may tanong ako, Sino ba ang nag-insist na maging friends kayo? Siya?
Nakakaloko din naman kasi tong mga babaeng to.
Madami din sa inyo ang manggagamit e. Yung iba kaya gustong friends kasi nagagamit niya yung guy. May kilala nga ako. Sinasabi niya sa lahat ng kakilala namin, hindi sila. Pero iba yung kinikilos. Binasted mo yung lalaki pero dahil may kotse yun, friends kayo. Nagpapahatid pa. Nagpapalibre pa. Minsan makapal din mukha e. Tapos kapag tinanong mo kung ano ba kayo, sasabihin friends. lol. Sorry. Sobrang nainis lang ako sa part na yun dahil naawa ako dun sa kaibigan kong nagpapakatanga sakanya. Hindi ko naman siya mapakialaman dahil sa totoo lang, may nangyayari din naman sakanila. Haayy.

Pero seriously, tigilan mo na yan. Kung ayaw sayo, ayaw sayo. Wag mong ipilit. Kasi kung gusto ka namang mahalin, matagal na.
at sa mga babae, pwede ba? Wag na kayong magparamdam. Wag na kayong magtext, tumawag, mangamusta. Dahil putangina, hindi talaga nakakatulong. Kung gusto niyong mag-move on yung mga binasted niyo, please lang. Tigilan niyo na.




Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?