Hindi naman pala

Naranasan niyo na ba yung feeling na, tinanong ka pero di naman nagmamatter yung isasagot mo or sagot mo? Yung tipong pinag-isip ka niya sa tanong niya pero in the end, kung ano yung sinagot mo hindi rin niya susundin. Hahaha.


Syempre may example. Tinanong ka ng friend mo kung okay lang bang kumain kayo sa KFC? Sabi mo, oo. Pero ang ending, sa MCDO kayo. Kasi mas gusto niya dun. Hahaha. Yung mga ganun. Pero mas masakit yun kung sa relationship. Yung hindi lang friendship. Kasi nga, nasa isang relasyon kayo. May paki dapat siya sayo. At ikaw din. Dapat sensitive ka sa feelings niya, and dapat siya din. Ganun. Hindi yung basta basta ka na lang nagdedecide.


Panget kaya ng ganun.


Namimiss ko tuloy yung bestfriend ko. =) ex + bestfriend. Kasi yun talagang lahat ng sagot ko nagma-matter. Pag tinanong niya ako, tinitignan muna niya kung tama ba yung sakin. Pero at the end of the day, alam niya namang hindi ko siya ipapahamak.


Hi Jess. Grabe. Dami mong memories sakin. Hahaha! Wala lang.


Eh balik na tayo sa topic. Ayun. Sa mga boys nga, pag nagtanong kung pwedeng maglaro ng dota or uminom kasama barkada tapos sinabi ng girls na no, hindi naman ginagawa. Eh bakit kayo hindi pwede? Hahaha. Kahit minsan pasaway ako. Di ko rin sinusunod at tumatakas pa ako. Pero come to think of it. Kung gusto mo namang sumunod sayo, dapat sumunod ka rin. =) magbibigay ka ng instructions di mo naman kayang sundin.


Tapos yung mga kaibigan natin? Yun isa pa. Tatanong: nakikipagbalikan siya sakin. Babalikan ko ba? Pag sinabi ng kaibigan na hindi, bukas sila na ulit. Punyeta! Bakit ganun? Sana hindi na kayo humingi ng opinyon. Basta ako? Kung mahalaga ka sakin, mahalaga kung ano ang opinyon mo at gusto mo sa mga decision ko. Pero kung hindi, break na lang tayo. =) hahaha!


Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?