Never Ever.

Hi girls.
Just a piece of advice.
Wag niyo namang murahin mga nanay namin. Lalo na kung di naman namin minumura nanay niyo.

Medyo nasaktan lang ako dito sa message na to ng isang taong malapit sakin. Wala e. Nag-aaway kami. Tapos biglang minura na mama ko.

Di lang talaga siya maganda sa pandinig ko. Lalo na aminado naman ako na mama's boy ako. Di bale ng murahin niyo ko. Gago ako. Puta ako. Tarantado ako. Pero wag na wag ang mama ko.

At sayo, na minura ang mama ko. Hindi ako galit. Hindi din galit si mama kahit sinabi ko sakanya. Sana lang sa mga susunod na sasabihin mo, mag-isip ka na muna. Never ko namang minura nanay mo. Oo, nagmumura ako. Fuck, tarantado. As long as hindi ko dinadamay ang nanay mo. Pero ikaw, below the belt. Ni hindi ako nakadinig ng sorry sayo. Pero okay lang yun. Tinuruan naman ako ni mama na magpatawad. Hihi.

Basta. Sa inyong lahat. Isipin niyo muna lahat ng sasabihin niyo bago kayo magbitaw. Okay lang na magbitaw ng masasakit na salita lalo na kung yun nararamdaman mo. May mga tao na after nila magsalita, okay na sila. Pero sana walang murahan ng nanay. 

Yun lang.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?