Posts

Showing posts from December, 2018

My only wish this year

I wish I could go back. Minsan ba na-feel niyo yung parang gusto mong bumalik sa nakaraan? Yung gusto mong maramdaman at maranasan ulit yung ganun? Wala lang. sobrang naging ma-senti ako ngayong December. Laging December yung break up ko. Hahaha! Laging December yung may masakit. Di yata nila alam yung rule. Bawal manakit pag December. Haayy. Ano ba yung gusto kong balikan? December 19, 2008 - Break up ko with Nica. From 2005-2008 siya yung girlfriend ko. Sana makabalik ako sa December 18, 2008. Babaguhin ko lahat. Hindi ko siya paiiyakin. Yayakapin ko siya ng mahigpit. Di ko siya sasaktan. Di ko siya iiwanan. Di ako gagawa ng bagay na makakapaghiwalay kami. =( dito ko naramdaman yung sobrang mahal ako at mahal ko. Sobrang pagmamahal na lahat kayang tiisin para sayo. Naalala ko, hindi naman talaga siya yung trip ko before. Ang trip ko, yung friend niya. Hahaha! Tas sabi nung friend niya, may papakilala siya. Ayun. Pinakilala. Usap sa phone. Telebabad. (Di kami naka-sun) smart and...