My only wish this year

I wish I could go back.


Minsan ba na-feel niyo yung parang gusto mong bumalik sa nakaraan? Yung gusto mong maramdaman at maranasan ulit yung ganun? Wala lang. sobrang naging ma-senti ako ngayong December. Laging December yung break up ko. Hahaha! Laging December yung may masakit. Di yata nila alam yung rule. Bawal manakit pag December.


Haayy. Ano ba yung gusto kong balikan?


December 19, 2008 - Break up ko with Nica. From 2005-2008 siya yung girlfriend ko. Sana makabalik ako sa December 18, 2008. Babaguhin ko lahat. Hindi ko siya paiiyakin. Yayakapin ko siya ng mahigpit. Di ko siya sasaktan. Di ko siya iiwanan. Di ako gagawa ng bagay na makakapaghiwalay kami. =( dito ko naramdaman yung sobrang mahal ako at mahal ko. Sobrang pagmamahal na lahat kayang tiisin para sayo. Naalala ko, hindi naman talaga siya yung trip ko before. Ang trip ko, yung friend niya. Hahaha! Tas sabi nung friend niya, may papakilala siya. Ayun. Pinakilala. Usap sa phone. Telebabad. (Di kami naka-sun) smart and landline gamit namin. Hahaha! Unli call yung landline nila sa smart. Lol. Wish I could go back. Siguro, ngayon kinasal na kami. Alam ko until now wala pa din siyang bagong boyfriend. (Kahit sinabi niyang married na siya) Di ako sure kung meron na ba after ko. Pero alam ko wala. Hahaha. Ang yabang ko naman. Lol. Pero kung totoo man na wala, sana magkaron na. Gusto ko naman siya maging masaya. Yun lang naman ang wish ko for her. Pero sana ako na lang ulit. Balik na lang sa year 2005. Yung nakilala ko siya. Yung naging girlfriend ko siya. =( kung mangyayari yun, I swear. Di ko na siya pakakawalan. Papakasalan ko na siya gaya ng gusto namin dati pa. Siguro may baby na kami.


Si Niguel =( 


Wala lang. namiss ko. Grabe pinaramdaman na pagmamahal sakin ng taong to. Hindi niya ako sinukuan. Never. Nagkamali lang talaga ako kaya naghiwalay kami. Tapos siya din nagpatunay sakin na hindi nawawala yung love. Kasi nung may naging girlfriend na ako after niya, hindi nawala feelings. Sabi nga niya sakin nung may girlfriend ako, mahal na mahal niya pa rin ako. Haayy. =(





December 17, 2010 - nakipaghiwalay sakin si Jess. Paskuhan sa UST. Sana nakabalik ako sa part ng December 16. Or kahit February 8, 2009. Kahit one day lang. Gagawin ko lahat wag lang kami maghiwalay. Gagawin ko lahat wag lang siyang mawala sakin. Si Jess? Mahal na mahal ko yun. Sobrang mahal. Di ko nga alam bakit ko siya nasaktan. Bakit gago ako. Ngayon, may iba na siya. Ang hirap. Pero masaya ako para sakanya kasi masaya na siya. Yun lang naman laging wish ko. Haayy. Grabe. Miss na miss ko yung taong yun.



Ah basta. Kung may wish ako ngayon, yun lang. yung makabalik ako sa panahon na nararamdaman kong sobrang mahal ako ng mga taong mahal ko. Hindi yung sinasabi na mahal ka pero di naman maparamdam. Silang dalawa lang ang babalikan ko kung may pagkakataon.


Lord,


Bibigay ko lahat. Kahit kinabukasan ko para sa isang araw na makabalik at makasama ko tong dalawang to. Kahit sino. =( ikaw bahala mamili kahit sino sakanila. gusto ko lang talaga maramdaman ulit yung magmahal at mahalin. Gusto ko maramdaman na ako lang. na priority ako. Na mahal ako. Na gusto ako. Na ayaw akong mawala. Na gaya ng pinaramdam nila. Haayy.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?