My Husband's LOVER





madami siguro ang magbabasa nito. Wahaha! Hmm.. Napanood ko yun. (oh teka, di ako bakla ha) gusto ko lang talagang bigyan ng magandang review yung palabas.. :)

infairness, ang ganda nga niya. And isa tong pagpapakita ng LOVE. Na hindi lang nag-eexist ang love para sa babae't lalaki.. Na pwede rin mag-exist sa babae sa babae and lalaki sa lalaki..

Di ako PRO-LGBT. Di rin ako ANTI-LGBT. Nasa middle lang. May mga friends akong gay and lesbian, at nirerespeto ko sila.. Kung saan sila masaya. Sana kayo din. Kasi sa totoo lang, dapat di natin pinapababa ang moralidad ng mga gaya nila.. Dahil kung tutuusin, minsan kung sino pa yung mga gay and lesbian, sila pa yung karapatdapat irespeto..

Marami kasi jan.. Company! Pag alam nilang bakla or tomboy ka or transgender ang isang tao, ida-down ka nila.. Bakit? Ano bang criteria ng isang pagiging magaling na employee?? Tunay na babae? Tunay na lalaki? Hindi dun nasusukat yun.

Kaya minsan yung iba, ayaw na lang umamin eh! Kasi nga naman, ano na lang sasabihin ng tao? Na tomboy at bakla sila? At dahil ba sa pagiging ganun, nabawasan na ang pagkatao nila? Ang skills nila at ang pagiging mabait nila? Di ko alam kung bakit ganun. Kung sino pa yung mga may pinag-aralan, yun pa yung mga makikitid ang utak..

Pero saludo ako sa GMA 7! Sa pagpapalabas ng ganito. Sa pagiging matapang na ipakita sa publiko kung ano ang tunay na pagmamahal. Isipin niyo, nagagalit na ung CBCP sakanila pero ginagawa pa rin nila to.. Tuloy tuloy lang.. Pero sa totoo lang, wala din naman akong nakitang masama..

Pinapakita lang nila yung realidad.. Yung nangyayari sa totoong buhay. Sorry sa CBCP or sa mga kapwa ko katoliko.. Kasi may mga pagkakataon talaga, kung sino pa yung nasa simbahan at alagad ng Diyos, sila pa yung mga ganyan.. Naalala ko nga yung babae dun sa spa ng friend ko. May isang pari daw na laging nagpapa-spa sa tauhan niya.. At.. Alam niyo na yun!

Hindi lang kasi nahuhuli kaya hindi masama? Pag nahuli at pinakita sa lahat masama na??

kahit labag sa mata ng Diyos at sa mga mata ng taong mapanghusga ang pagmamahalan nila, yun na yun eh. Pag-ibig yung nararamdaman nila eh.. Kasalanan ba nilang umibig sa kapwa lalaki or babae nila??

Meron ngang sinabi dun sa My husband's Lover si Lally (played by Carla Abellana) "hindi naman siguro nila ginusto na maging ganun.. Nahihirapan din sila.." I mean, OO. Choice mo ang pagiging ganun. Pero minsan kasi, di natin maiwasan.. Na kahit pilitin mong magpakalalaki.. Gaya ni Vincent, di mo magawa.. Kasi iba talaga ang sinasabi ng puso mo sa utak mo.. Na kahit mali ang sinasabi nito..

Dun ka liligaya ng husto. :)

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?