Unsaid



LOST.

I dunno what to do. I dunno what to feel. Akala ko kasi, okay na ko.. Akala ko, yung wala na kong nararamdamang kahit ano.. Pero mali ako. Di ko alam kung anong dapat gawin. at hanggang ngayon.. Masama pa rin yung loob ko at masama yung pakiramdam na ang daming nangayayaring di maganda.. =(

Akala ko, magiging masaya ako. Pero hindi pala.. Akala ko, hindi na ko masasaktan.. Pero masakit pa rin pala.. Masakit pa rin yung nangyayari.

Siguro tama nga yung kanta ni Mariah.. 
"LOVE takes time.. To heal when you're hurting so much.."

Pero sabi nga rin dun, "I can't escape the pain inside" yung feeling na parang gusto mo ng bumigay sa sobrang sakit? Na parang sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos, hindi mo alam kung kailan darating yung araw na gigising ka.. Wala ka ng nararamdamang sakit. Hindi ka na nasasaktan. Hindi ka na nahihirapan.. Hindi mo na pinipilit ngumiti sa harap ng tao.. Sa harap ng mga kaibigan at pamilya mo.. Yung talagang ngiti na masaya ka na.. Wala ka ng iniisip. At wala ng masakit sayo..

Pero ang hirap eh! Ang hirap pala pag yung talagang nasaktan ka ng sobra.. Ang hirap pano mo aayusin ulit yung puso mo.. Nadinig ko nga sa commercial nung My Husband's Lover, "Pano mo ibabalik ang puso ko?" Mahirap yun lalo na kung nabigay mo na dun sa taong nanakit sayo ng buong buo yung puso at buhay mo..

Kaya minsan, natatawa na lang ako sa mga kaibigan kong sinasabi na "MAG-MOVE on ka na" akala niyo naman kasi sobrang dali. Na parang isang pitik, okay na.. Di naman ganun eh. Andaming dapat pagdaanan bago mo masabi sa sarili mo na totally MOVED ON ka na..

Kahit ako. Nag-aadvice ako sa iba na ganito, ganyan. Pero di ko naman kayang gawin. Di ko kayang panindigan. Eh nasasaktan ako eh? Hindi ba pwedeng maging kaibigan muna kayo? Wag niyo muna akong payuhan na mag-move on agad agad? Pwede bang makinig muna kayo sa mga nakakairita kong istorya.. At nakakawalang gana kong lovelife? Bago niyo ko advice-an? HAHAHA.

Nakakatawa eh. Pero isa lang masasabi ko.. As of now, masakit talaga..

SORRY sa lahat ng readers ko.. Kung di ko man masabi sa inyo kung sino siya.. Kung ano ba talaga ang nangyari. Mahirap na.. Alam ko sasabihin niyong hindi niyo ko huhusgahan.. Pero baka pag nasabi ko na, mag-iba na.. Basta ngayon, MASAKIT. =( Akala ko, okay na ko. Gustung-gusto kong umiyak. Pero baka sumobra naman ang iyak ko.. Kasi alam ko, masakit talaga to.. Na kahit betadine hindi kayang gamutin..

Pero sana, in the near future.. Maging okay na ko. As in OKAY. Para pag nagkwento ako, wala ng sakit. Hindi na papatak yung luha ko..

Lord, 
Ikaw na bahala sakin. Masyado ng masakit. Pero kakayanin ko. Kasi alam ko anjan ka.. :)

Love,
Migz

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?