ANG LABO NG MGA BABAE.
Ang labo ng mga babae.
Hahaha. Grabe yung topic. Kasi tong mga kasama ko sa work, nag-uusap about sa lovelife nung kasama din namin. Edi nakikisabat ako. So ano nga?
Ang topic: bakit daw malabo ang babae?
Totoo. Sobrang labo nila. Ngayon, gusto ka nila. Mamaya, ayaw na. Ngayon, sweet sila. Mamaya, nagsusungit na. Ewan ko. Kaya minsan, nagkakaron ng false hope mga lalaki. Akala nila, trip sila. Akala nila may feelings. Pero ang totoo? Hindi. HAHAHAHA! Oo. Naranasan ko na yan. Sweet sa umaga, pagdating ng hapon galit na? Parang may something kang nagawa pero pag inisip mo, wala naman. Ano ba? Girls, wag naman kayo magbigay ng mixed signals sa mga lalaki. Kaya minsan nagiging babaero din dahil sa ginagawa niyo eh. Nawawalan kami ng assurance. Yung assurance na mahal niyo pa kami or nagpapakita kayo na mahal niyo kami tapos in the end, hindi pala. Tapos sasabihin niyo, di niyo naman kami pinaasa. Di niyo kami sinaktan. Eh bakit pasweet kayo? Epal. Tapos ang ending non kami nakakagawa kami ng bagay na alam niyo yun? Natatakot kami sa next na mamahalin namin. So kami naman yung magloloko. Baka kasi maunahan kami. Ako yun ang reason ko bakit minsan di ako nagseseryoso. Baka maunahan na naman ako. Tapos ako pa yung masiraan. Naranasan ko yan. Seryoso ako. Seryoso din DAW siya. Tapos nakahanap siya ng iba. Lahat naman ginawa ko. Pero ang ending? Ako daw ang mali. Di ko daw siya inalagaan ng tama. Kasi daw madami daw akong pagkukulang. Bakit ikaw? Tingin mo perfect girlfriend ka? Tang*na! Ang taba taba mo kaya nung girlfriend kita. Hahaha! Busog na busog ka sa pagmamahal ko. Binuhos ko sayo lahat ng atensyon ko. Kasi sabi mo FOREVER. Hahaha! Ewan. Haayy. Grabe minsan talaga iba pagiging malabo niyo. Biglang magagalit ng walang dahilan. Biglang magsusungit ng di mo maintindihan. Tapos pag tinanong mo, wala naman daw. Tapos pag nahanap namin sa iba yung assurance at ibang pagpapahalaga, magagalit kayo. Kesyo babaero kami. Fuckboy. Di kami makuntento. Blah blah blah! Hahaha! May mga bagay na minsan di namin maintindihan. Sabi nung isang ka-work ko, "meron lang yun!" Lagi na lang ba idadahilan yun? Na meron kayo? Na masakit magkaron? Winish ba namin na ganyan kayo? Hindi naman. Pero kami yung nagsusuffer. Bakit? Nung tinuli ba kami, sinisi namin kayo? Di naman ah! Tsk.
Ang labo labo. Minsan nga di ko na maintindihan. Meron nga akong gusto. Akala ko, gusto din ako. Gusto daw niya ako na lang mapangasawa niya in the future kasi blah blah blah cute ko daw hahaha. Dami sinabi. Pero at the end of the day? Ano bang nangyari? Hahaha. Di naman pala niya ako gusto! Umasa lang ako. Eh kasi mixed signal pinakita. Kaya talagang akala ko dati, gusto niya rin ako. Hinanap ko pa siya before para malaman sakanya. Pero hindi rin pala sagot! Hahaha! Labo eh. Sana nung magka-BBM pa kami di niya sinabi na di siya nakikipagkumpetensya sa mga babaeng kasama ko sa pic! Para di ako kinilig. Kasi nung kinilig ako, umasa ako. Hahaha! Labo talaga.
Tapos meron pang ibang babae, pag niyaya mo kumain. Kahit saan daw. Kami daw mga lalaki pumili. Pero pag pumili ka na, ayaw niya. Tapos magagalit. Eh sabi mo ako pumili? Pag pumili ako, ayaw mo? Yung gusto mo pa rin pala masusunod. Hahaha.
Meron pa. Sabi niya sakin nung umaga, wag daw muna siya tawagan or itext. Mainit daw ulo niya. Meron siya. Edi ginawa ko di ko siya tinext or tinawagan kasi ayoko ng away. Binigyan ko ng space. Tapos nung gabi na, nagalit. Bakit daw di ako nagtetext? Baka daw may ibang babae na ako. Hahahaha! Labo niyo girls. Pero bakit nga kayo ganun? Di ko na minsan maintindihan trip niyo. Minsan nga naiisip ko, baka yung bipolar di naman talaga siya sakit. Baka normal lang sa babae. Hahaha!
Tapos nagkaron na din ako ng EXperience na malabo na talaga siya. Sweet siya minsan, minsan wala. Minsan nagsusungit. Yun pala, kaya siya sweet kasi wala yung bagong lalaki niya. Hahaha! Kaya pala siya naglalambing kasi may ginagawa na siyang kasalanan. Lumalandi na pala siya kapag nagsusungit siya. Kesyo masakit lang daw puson niya. Yun pala, masakit puson sa sobrang L! Hahaha! Okay. Enough.
Tapos yung ibang babae, maiinlove sa fuckboy. Pag naghiwalay, sasabihin lahat ng lalaki pare-parehas. Tapos makaka-move on. Tapos may darating na lalaki na hindi fuckboy. Pero babastedin niya. Friendzone na yung matino. Kasi hindi daw sila bagay at marami pang blah blah. Tapos maiinlove ulit sa fuckboy. Tapos isisisi ulit sa lalaki. Ang labo?
Tapos may iba pa. Sunduin daw sila sa bahay ng maaga. For example: 7pm yung movie. Sabi ni girl sunduin ko daw siya ng 5pm sa bahay. Pagdating ko ng 5pm kagigising lang. Maliligo palang. Tapos nakarating sa movie house, 9pm. Sakin pa nagalit. Late daw ako dumating kaya di na namin inabutan yung movie! Hahahaha!
Pero yung totoo, bakit ang labo labo niyo?? Ano ba talaga? Sadjang paasa lang kayo? Gusto niyo lang makita na madaming nagkakagusto sa inyo? Or bipolar talaga kayo. Aynako. Sobrang malabo na. Ang labo labo na ng sinasabi ko. Ayoko na. Hahaha.
Pero ang gusto ko lang iparating girls.
Nakakasakit na kayo. Not all the time, nakakayanan namin ang pagiging malabo niyo. Hahahaha! Rawr.
hahaha, ang kulit mo pero tama ka on may points, sana makatagpo kang ng tama para sayo ung sasakyan mo din trip niya, ganon din siya para sayo =)
ReplyDelete