No means NO

NO is NO.


Usapang "NO" at "giving up" after work. Hahaha! Well, nagtanong kasi sila. Sabi nila, kapag sinabi ba ng babae sayo na ayaw na niya or ayaw niya sayo, gumigive up ka na?

Ako: YES.

Why? Naalala niyo ba yung blog ko na kapag sinabi ng babae na hindi ka na niya mahal, maniwala ka? Kasi ako, I believe na kapag sinabi ng babae na ayaw na niya, totoo. Na ayaw na niya. Or ayaw niya sayo. Kasi kung gusto naman niya, dapat di niya sinasabi yung ganun. I mean ang dami ko kasing na-EXperience na ganun. Di naman nila sinasabi na ayaw na nila. Gusto nila. Yun lang kailangan ng matinding pagsuyo. Kaya naniniwala ako na kapag sinabing NO, NO talaga. Tapos tinanong nila ako, gumigive up ka kaagad kahit gusto mo yung babae? Kung di naman niya ako gusto e. Bakit uubusin ko oras ko? I mean come to think of it. Nag-confess ka na ng love. Sinabi mo. Ibig sabihin, nag-ask ka ng chance. Na baka sakali. So kung sumagot na siya ng NO bakit mo pa ipipilit? Madami namang iba na gusto ka. So bakit nagpapakatanga ka sa di ka gusto? Para lang masabi na mahal mo siya talaga? Ganun ba patunayan ang love? Kahit ilang beses ka ng tinaboy at sinabihan ng ayaw sayo, kakainin mo ego mo para lang patunayan? Tingin ko naman hindi. Meron nga akong naging EX. Gusto niya ako, gusto ko siya. Pero kaka-break ko lang that time. Kating kati akong palitan ex ko nun. Hindi ko na pinalampas or pinatapos yung 3 months. Kahit sinabi ni Popoy na dapat sundin ang 3 months rule! Mahal naman namin ang isa't isa e. Natutunan ko na lang na mahalin. Kaya lang hinahanap hanap ko yung ex ko bago siya. Pero atleast di ko inubos oras ko. Hahaha! So nagtagal naman. Napakita ko naman sakanya na mahal ko siya. And ganun din naman sakin. Okay naman ang relationship at naging takbo. Ayun. Happy naman kami. Pero nag-end din. Kasi nga, hindi na niya ako mahal. Nawalan ako ng time sakanya. Puro work work work ako. Siya din. E hindi rin naman nagtatagpo sked namin kasi may shift din naman siya. Tapos nakahanap na siya ng ibang magpapakilig sakanya.

Honestly, sa una masakit. Sobrang sakit. Dumating ako sa point na talagang di ko na kinakaya yung sakit. Nagmamakaawa ako na balikan niya ako. And blah blah blah. Until one day, na-realized ko na dapat maging proud pa ako sa ex ko na yun. Kasi sobrang naging honest siya sa reason niya bakit niya ako hinihiwalayan. Na hindi na niya ako mahal. Yun lang naman e. What's the point of staying pa sa relasyon kung wala ng love? Kaya ang bilis kong gumive up na. Siguro nga kung hindi ko ginive up yung isang ex ko na sobrang minahal ko, baka kami pa rin hanggang ngayon. Kasi ako naman may reason bakit kami nagbreak before. Ako naman yung naging bad. So I think deserving siya na ipaglaban ko. Pero gumive up nga ako kasi di na niya ako kinakausap. Di ko alam pano ko siya kakausapin. Pano ako hihingi ng tawad. Pano ko magsusuyo sa babaeng hindi naman ako kinakausap? Or hindi ko alam panong gagawin? Mali pala yun. =( mali kung wala siyang sinasabi na i-give up mo siya. Dahil the truth is, gusto ng mga babae na pinaglalaban. Gusto nila yung nag-eeffort ka. Sa totoo, nagsisisi ako na pinakawalan kita. Pero okay na ako kasi okay na okay ka na. At happy ka.

Pero bakit yung iba nag-eeffort kahit wala naman talaga? Ewan ko sakanila. Hahaha! Di ko rin alam. Baka naniniwala sila sa kasabihan. Kapag may tiyaga, may nilaga. Pero di rin yan inaapply sa love. May mga bagay na kahit pinagtitiyagaan mong hintayin, bumalik or kahit ano, wala. Hindi na mangyayari. Kasi tapos na. Meron nga akong hinintay. Matagal din. Akala ko babalik. Hindi pala. Minsan yung sakit na lang ang bumabalik. Hindi yung tao. Inaapply na lang yun sa work. Kung magtiya-tiyaga ka, magkakaron ka ng magandang kinabukasan. Pero sa love, hindi na. Yung officemate ko nga. Tyina-tiyaga niya yung girl na gusto niya. Hanggat may nakikita daw siyang hope. Pucha! Nung naka-usap ko yung girl, may boyfriend na pala siyang foreigner. Hindi lang nakakauwi sa Pinas kasi nga may business yung family sa LA. Kaya yun. So inaapply talaga yun sa ibang bagay hindi sa love.

Kaya kayo girls. Please. Kung di niyo gusto, tapatin niyo. Hindi yung pinapakiramdam niyo rin yung kilig. Tapos pag wala naman, sasabihin niyo di naman kayo mga paasa. Sana umpisa pa lang, tapatin niyo na. Hindi yung tumatanggap pa kayo ng regalo, nagpapahatid sa bahay kasi may kotse yung lalaki. Ako as a guy mas maaappreciate ko na maging honest kayo sa feelings niyo samin =) kung wala, edi wala. =)

At sa mga lalaki, hindi lahat ng nakikita niyong pag-asa meron talaga. May mga babae lang talagang pa-fall at nanggagamit ng kahinaan natin. =) hanggat napapakinabangan ka niyan, gagawin niya lahat para di ka mawala sa buhay niya kahit sa totoo lang, di ka niya gusto.

Sorry girls. Based on experience to. Hindi ko kayo nilalahat. Kaya nga sabi ko, MAY MGA.

Ktnxbye. 

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?