Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?





I can count the lovers that I've had
And all of those relationships gone bad
I wanna thank you for guiding me
And showing me the love


I was just a boy and not a man
Falling deep in love was not the plan
Baby, because of you and what you do
You made me a good man, oh, baby





HAHAHAHA!
Alam ko maraming magbabasa nito.. Pero sa totoo lang, di ko rin alam.. Nakakaloko di ba? Naisip ko lang gawin tong blog na to kasi feeling ko, never naman akong naging isang mabuting boyfriend..

Ewan ko! Maglabasan nga lahat ng ex ko! HAHAHAHA!

Wala. Feeling ko, ang sama ko.. Di ko nabigay ang lahat.. Kaya nga siguro isa ako sa mga masasabi kong poging "BACHELOR" ng Manila.. LOL.

Pero masasabi ko namang may itsura ako, pero bakit di pa rin ako married? For the record, 30 na 'ko! WAHAHAHA! And eto pa rin ako! Natutulog mag-isa.. Kumakain ng breakfast kasama ang kapatid at magulang.. Tambay sa mga bar.. Walang patutunguhan ang buhay.. Ewan ko! HAHAHA!

Pero siguro, kahit papano.. Makakapagbigay ako ng konting tips para maging isang mabuting boyfriend..

1. Be HONEST. - andami kong ex na matatawa dito.. kasi alam ko, may times talaga na lagi akong nagla-lie at madalas, nahuhuli ako! Pero boys, para maging isang mabuting boyfriend, yan ang laging hinahanap nila.. Pero alam niyo, mejo mahirap db? Lalo na kung strict ang girlfriend.. And minsan, nagla-lie lang naman tayo kapag naiinis tayo sakanila.. Kapag binabalewala nila tayo! Ako, aaminin ko.. Ngayon lang to. Kapag naiinis ako, or kapag binabalewala ako ng taong mahal ko.. Gumagawa ako ng bagay na hindi maganda.. I mean, NO SEX ha? Siguro, yung mingle mingle sa iba.. Pano kasi sa iba, nararamdaman ko na importante ako.. Minsan sa girlfriend ko, hindi. Gaya ng minsan, monthsary namin.. Hindi niya ako binati.. To think na monthsary namin ha??? Pero wala akong nagawa! Anong ginawa ko? Siyempre. Nakipagusap ako sa mga friends kong girls.. Chat, Whatsapp and etc.. Minsan kasi, mas nahahanap ko sakanila yung hinahanap ko sa girlfriend ko.. Kaya ang tendency, nagla-lie ako.. Pero na-realized ko, hindi rin maganda.. Kailangan, maging honest tayo sakanila.. Kahit minsan, feeling natin hindi sila HONEST satin..

2. Malawak na pang-unawa. - masasabi ko na eto ang isa sa mga mahirap maunawaan sa mga babae.. Minsan, nagiging sensitive sila kahit sa simpleng way lang.. Lalo na kapag may period. Tsaka minsan, para silang mga BIPOLAR. Paiba-iba ng mood! Mamaya, masaya! Mamaya, galit na sayo dahil lang sa sinabi mo.. Pero wala kang karapatang magreklamo.. Kasi dapat, siya ang BOSS! Kapag galit siya, kailangan.. Suyuin mo siya.. Kailangan, lambingin mo siya.. Pag ikaw ang galit, MAKIKIPAG-ARGUE lang siya sayo.. Hindi ka niya lalambingin.. Hindi ka niya susuyuin! Ano pang sasabihin sayo? "Para kang babae! Ang arte mo! Eh ang liit ng kasalanan mo kumpara sa mga naging kasalanan mo" Wow! Edi siyempre, ikaw na naman ang magso-sorry! Kasi nga, kasalanan mo na naman! =) so kailangan mo ng malawak na pang-unawa sa ugali nila para matawag kang MABUTING BOYFRIEND.

3. Makuntento ka. - sa kaya niyang ibigay sayo! Hindi mo siya pwedeng ikumpara sa ex mo! At wag na wag mong gagawin yun! Makuntento ka kung hindi niya kayang maging sweet sayo, kung hindi niya kayang maging malambing sayo! Makuntento ka na eto lang ang kaya niyang ibigay! Minsan kasi, may mga times na nagkaron ka ng ex na sweet at caring tapos yung next girlfriend mo, hindi ganun! Para maging mabuting boyfriend ka, wag mong hahanapin sa iba ang wala sakanya! Kailangan makuntento ka!

4. Wag kang magpapahuli ng buhay. - Lagi nilang sinasabi yan! Pero isa lang naman ang gusto nilang iparating sayo! Wag na wag mo silang lolokohin! Dahil once na nalaman nila na niloloko mo siya, patay kang bata ka! Kaya kung ako sa inyo, wag na lang kayong manloko ng babae.. Kasi sa totoo lang, kahit matagal na panahon mo ng nagawa yun, nalalaman pa rin nila.. HAHAHA! Meron nga akong naging girlfriend before.. Alam niya yung facebook password ko! Ako naman kasi eh walang tinatago. At totoo naman na hindi ako lumalandi.. Pero shit! Nabasa niya pa rin yung old conversation namin ng ex ko! HAHAHA! Akala ko, katapusan ko na! Nakipag-break siya sakin.. Pero after, naging okay din naman kami.. Kahit sobrang tagal na niyan, wag kang mag-iiwan ng ebidensya! At higit sa lahat, WAG KANG MAGPAPAHULI NG BUHAY!!! =D

5. Makinig ka sa mga istorya niya. - Kailangan, lagi kang nakikinig sa mga drama at kwento niya sa buhay! Kahit ano pa yan! Kahit chismis pa yan.. HAHAHA! Ang mga babae kasi, gustung gusto nila yung magkwento ng nangyayari.. (Pero may girlfriend ako na kapag gusto kong mag-kwento siya, wala siyang ma-kwento! Minsan napapaisip ako kung wala ba talaga? O may tinatago ka? +RGR) at kung mabasa mo man to, OO. Ikaw nga yun! Wala namang iba eh! =) ikaw lang ang hindi nagkwento sakin ng mga nangyayari sayo! At sa mga kaibigan mo.. Kaya minsan, napapaisip ako! Gusto mo ba talaga akong maging parte ng buhay mo? O hindi? Wala lang! =) Pero boys, seryoso! Kung magkaron kayo ng girlfriend na pala-kwento, lagi niyo siyang papakinggan! Lagi niyong iintindihin lahat! Dahil darating ang panahon, magkakaron kayo ng exam ni girlfriend! HAHAHA! Hindi literal na exam. Pero yung tipong magke-kwento siya pero bago yun meron munang.. "Naalala mo ba yung kwinento ko sayo dati? Si ano.." HAHAHA! Siyempre! Kailangan alam mo yan! Pag di mo alam yan, patay! Di mo na masusundan yung kwento! At di mo na maiintindihan lahat! =)

6. FLOWERS. - sa totoo lang, napaka-gago ko! Di ako nagbibigay ng flowers! Isang tao pa lang ang binibigyan ko ng bulaklak.. At eto yun ohh! Naalala ko lang yan! =) At naging masaya naman ako! Kasi sa totoo lang, sabi niya sakin dati.. Kinilig siya! Naging masaya siya ng bigyan ko siya niyan.. Kahit alam mo yung feeling na hindi ka naman nagbibigay.. Bago sa pakiramdam! Mama ko lang pinapadalhan ko ng flowers! Kaya nung nakapagbigay ako, parang natuwa na rin ako! =) isa yan sa mga hinahanap hanap ng babae! Flowers! Minsan, kailangan mong magpaka-corny at cheesy para lang masabing mabuting boyfriend ka! =) at eto.. Siguro, etong araw na to.. February 24.. Yan yung araw na masasabi kong naging isang mabuting boyfriend ako sa girlfriend ko..


7. Respect. - sakanya at sa ibang taong nakapaligid sakanya! Gustung-gusto ng isang babae na nirerespeto siya ng taong mahal niya.. At masasabi kong lahat sila, nirespeto ko! Walang hindi. Kahit na gago ako at naging tarantadong boyfriend, at kahit nasaktan nila ako.. Mataas pa rin ang respeto ko sakanila.. Kahit anong mangyari. Meron kasi akong mga kilala na wala na silang respeto sa mga girlfriends nila kasi ganito.. Kasi ganyan.. Kasi sa totoo lang, yan na lang ang kaya nating ibigay sakanila after ng lahat! ang Respeto! Lalo na yung mga Kiss and Tell!! Ayaw ng girls na ganun! Kaya please, RESPECT!!

8. LOVE. - Love them with all your heart! Kahit nagbe-burp siya sa harap mo! Kahit ambaho ng utot niya! Kahit slow siya maka-gets ng joke! Kahit malabo ang mata niya! Dapat lahat yun, kaya mong mahalin sakanya! Kahit malaman mong, adik ang tatay niya.. Babaero.. At kahit malaman mong, dating pokpok ang nanay niya.. Kahit mandurukot ang kuya niya.. Dapat mahalin mo pa rin siya.. Mahalin mo kung sino siya.. At kung sino ang nasa paligid nila.. =)

9. HANG-OUT with her friends. - paminsan-minsan, lumabas ka rin kasama ang friends niya! Kahit pa hate mo lahat ng friends niya.. Kahit pa sila yung mean girls sa school niyo before, sila yung mga bitch na kinaiinisan mo.. Kahit pa mga bakla ang mga kaibigan niya! Hindi lang sa mata ng girlfriend mo ikaw magiging mabuting boyfriend! Pati sa mata ng mga kaibigan niya.. =)

10. DAPAT SIYA LANG ANG MAGANDA. - masakit para sa isang girlfriend na may ibang mas maganda kesa sakanya sa paningin ng boyfriend niya!! Kaya wag kang bastos na harap harapan sasabihin mong maganda yung girl na katabi niyo sa bus! Yung babaeng dumaan nung kumakain kayo! Bagong gising, walang make-up, may muta, may pimples! Dapat lagi mo siyang maaappreciate! Lagi mong sasabihin sakanya na maganda siya!


Minsan, di naman nila kailangan ng matalino, pogi or mayaman na boyfriend eh! Wala silang pakialam kung saan ka pa galing. Kung mukha kang kutong lupa! At mas mahirap ka pa sa daga! Ang mahalaga sakanila, yung maging mabuting boyfriend ka.. Yung taong magpapahalga kung anong nararamdaman nila.. Yung taong magpapakita sakanila na kahit ganun sila.. Mahal na mahal natin sila..





Sa lahat ng naging ex ko.. Alam ko naman.. Di ako naging mabuting boyfriend sa inyo.. Alam ko, wala akong magandang nadulot sa inyo.. Panay sama ng loob at galit na lang ang nararamdaman niyo.. Kaya nga lahat kayo, iniwan ako! Pero gusto ko lang malaman niyo, na kahit ganito ako.. at Ganito ang nangyari satin, masaya ako.. Na naging parte kayo ng buhay ko.. At masasabi kong..

MINAHAL KO KAYO SA PARAANG ALAM KO! Yun nga lang, hindi sapat yung paraang alam ko.. Kaya iniwan niyo ko.. Pero salamat! Hindi ko naman siguro magagawa tong blog na to kung hindi dahil sa inyo! Salamat! Minahal niyo ko! At salamat.. Kasi dahil sa inyo.. Naging matatag ako.. =)




Comments

  1. In time mhhnp m dn yang love mo ung mkktpt mo ung nssbyn ka s trp mo un sbe nga e best frend and a lover dpt s relasyon pra mas komportable ung Walang secrets at hgt s lht ung my tiwala....:)

    ReplyDelete
  2. may kulang pa be matured hehe

    ReplyDelete
  3. Nice tips bro. Natumbok ako

    ReplyDelete
  4. Thumbs up WELL SAID ^_^

    ReplyDelete
  5. Promblem ko po di ko po kaseng kayang pagalitan yung gf tapos gusto nya na pagalitan ko sya paano po ba mawala yung takot sa gf ko

    ReplyDelete
  6. THANKS KAHIT ALAM KO NA LAHAT YAN TATANDAAN KO PADIN

    ReplyDelete
  7. Hayst bat kase ang hirap maging perpektong nobyo sa sakin gf

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?