GGV: laughtrip

Finished watching GGV.

One of my idol tong si JM de Guzman. Lalo na sa Angelito! Hahaha! Lol. Di alam yan ng mga friends ko. Kasi nga, I'm not really into showbiz kahit some of my friends are showbiz. Pero pag gusto ko yung palabas, papanuorin ko. 😂 crush ko kasi si Rosalie. Ano ngang name niya? I forgot. Ay hindi. Charee Pineda pala. Hahaha!

Well, kinilig ako.
Tapos bigla akong tinanong nung kasama ko sa work. Sabi niya, di ba ang name ni JM is Juan Miguel? Tapos Jessy? Jessica?

Tapos bigla siyang tumawa at sinabing Miguel and Jess.

Tumawa ako. Sabi ko, wala na yun. Past na yun. Di na ako mahal nun. May iba na siyang mahal. 😔 tapos sabi niya, mahal ka pa nun maniwala ka. Galit pa nga sayo eh. Hahaha!

Ungkatin daw ba yun?
Ako na nagsasabi. Wala na yun para sakanya. Nakakahiya naman sa bagong boyfriend niya. So ako na magsasabi, wala na talaga yun.

Natatawa na lang ako. Pero alam kong hindi na. Balik ulit tayo sa Jessy and JM. Hahaha! Wala lang. Ang cute nila together! Sobra. Andami kong natutunan sa GGV ngayon. Tapos ang galing pa ni KZ! Totoo rin yung sinabi niya eh. Mas pipiliin ko rin yung mahal ko. Kesa sa mahal ako. Kasi ayokong makasakit. Ayokong magkaron ng panakip butas. Naalala ko. Nagawa ko yang ganyan. And nasaktan ko siya talaga. =(

Pero minsan, nagawa ko rin naman na piliin yung mahal ako. Pero anong nangyari? Parang tinu-two time ko siya nung kami kasi kausap ko pa rin ex ko. Nanghihingi ako ng chance. Pero ang totoo, kung babalikan ako ng ex ko nun.. Iiwanan ko talaga siya. Panakip butas nga eh. Aun. Pero alam niyo, totoo rin ung matututunang mahalin. Kasi minahal ko rin yung panakip butas ko. Naging malaking part din siya ng buhay ko. At nasaktan din ako ng iwanan niya ako para sa ibang lalaki. Pero umpisa palang naman, alam kong manlalalaki din siya. Kasi ginawa niya rin yun sa ex niya. Kaya di na ako nagtaka na habang kami, may iba siya. Yun nga lang, mejo masakit. Nasaktan yung pride at ego ko. Haay. Tapos di nga ako binalikan ng ex ko kahit na may gf ako. Hahaha! Nagkaron na siya ng iba. Kaya wala. Nganga. Hahaha! Teka. Ang kulit ng kasama ko sa work. Nagpatugtog bigla.

"Huwag mong limutin.. Pag-ibig sakin na iyong pinadama.. Blah blah blah.. Bat hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal?"

Hahahaha! Grabe lang pang-aasar niya sakin. Alam niya kasi yung kwento ng past ko. Gano ko kamahal ang past ko. At nakita niya rin gano ako katanga na wala akong ginawa para maging okay ang future ko. Hahaha! Pero sakin? Wala na yun. Happy siya, happy ako.

Hi Jess! =)

Hahaha! Kayo kasi eh. Lol. Nagdrop tuloy akong name. Hihi.

Naalala ko na naman kinanta ni KZ ung someday! Galing niya grabe. Idol na idol ko na siya sa pagkanta. Haayy. The best tong episode na to! Sobrang naging masaya, kinilig, at natuwa ako. More HUGOT please

Hahahaha!

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?