THAT THING CALLED "TADHANA"
"Bakit mo ipapaubaya sa hangin? Sa tadhana? Sa isang bagay na hindi mo naman nakikita? Na kung mahal mo habulin mo.. Wag mong hintaying may magtulak sakanya pabalik sayo.. Hatakin mo hanggang kaya mo, wag kang bibitaw. Eh sorry mahal kita eh!"
Isa sa mga favorite line ko sa movie. Hahaha! Sino bang di pa nakakapanuod niyan? Maganda. Sobra. Congratulations kay Antonette Jadaone!
Well, ano bang masasabi ko sa movie? Ofcourse di ako nakarelate. Di ako umiyak. Hahaha! Joke!
siyempre. Umiyak at nakarelate din ako. Naging brokenhearted din naman ako. Pero ano ba ang talagang gustong iparating ng movie na to? Na kapag mahal mo, dapat ipaglaban mo? Ganun ba? Eh pano kung ayaw niyang ipaglaban mo siya? Wala ka ng ipaglalaban? Ang mahalaga lang ba, yung pinakita mo na pinaglaban mo siya? Ganun ba? Wala lang. Ako kasi, mabilis akong umayaw. Gaya ako ni Anthony Lagdameo! Mabilis akong bumigay. Kaya di ko napaglaban. Kapag hiningi niya na palayain mo na siya, dapat ba ipaglaban mo pa? Di ba nga sabi ng ex ni Mace na kamukha ni John Lloyd kuno, "di na kita mahal. Makakaalis ka na." Dapat mo pa ba ipaglaban yan????? Kung siya mismo pinagtatabuyan ka na? Wala lang. Naisip ko lang. Di naman dapat lahat pinaglalaban db? Minsan kailangan din natin bumitaw baka kasi kapag bumitaw tayo, masalo tayo ng iba. Maging okay tayo. Kesa naman hawakan mo ng matagal ung isang bagay pero ang totoo, unti-unti na niyang binibitawan yung kamay mo. Or unti-unti kang dumudulas.
Meron akong kilala. Sinabihan siya ng ex niyang palayain na siya. Edi pinalaya niya. Hinabol niya. Pero ilang days lang kasi ayaw na daw talaga After ata, gumive up na siya. Iyak siya ng iyak. Pero hinabol naman niya. Nagmakaawa. Humingi ng ONE MORE CHANCE para patunayan ang lahat? Pero anong ginawa? Wala. Kasi may iba na.
Eh pano kapag ganun? Ipaglalaban mo pa rin? Kaya hindi ko rin alam kung mapapayo ko yan sa iba. Hahaha!
or kahit sa sarili ko kung mangyari ulit sakin yang ganyan.
Pero ang dami kong natutunan sa movie. Isa sa mga magandang katangian ng isang mabuting kaibigan ay ang makinig.
sobrang hands down ako kay Anthony sa pagiging mabuti niyang kaibigan. Actually, di nga kaibigan. Kilala lang! Hahahaha!
pero seryoso, ang galing! Sana makatagpo din ako ng isang taong sasamahan ako sa ganyan. Yung di ko kilala. Pero sana wag naman magnanakaw. Hahaha! Nadala na ko sa ganyan. 
Minsan tuloy, naiisip ko ng pumunta ng Baguio. Sa Sagada. Makasigaw lang ng nararamdaman. Para magkaron na rin ako ng peace of mind. Wow! Hahaha!
pero seryoso, may kulang pa sakin eh. Peace of mind. Yun lang. Wala kasi akong closure dun sa isang ex ko. Gusto ko, magkaron lang kami ng isang matindihang closure. Usap kami ng personal, heart to heart, kaming dalawa lang or with a friend (kasi baka sabihin, may gawing masama) hahaha! Yun. Para maayos na lahat. Siguro pag nagawa ko yun, magiging okay na talaga yung utak ko. Kasi yung puso, okay na eh. Nabalik ko naman na sa dati na buo ako. Ang kulang na lang yung peace of mind talaga.
Pero sabi nga sa kanta, IT TAKES SOME TIME, GOD KNOWS HOW LONG.. 
Okay naman na ko eh. Okay na rin siya. And all we need is a closure. Closure na magusap lang! Kaya lang naalala ko yung sabi sa isang movie. Minsan, kaya walang closure kasi yun na yung closure. Hahaha!
I love you Sarah G! Lol.
Thanks Mace and Anthony. Pinaramdam niyo samin na pwede palang hindi maligo ng 1 week. Hahahaha! 

John Lloyd yun, TAGOS!!
Comments
Post a Comment