REGRETS SA CRUSH PART 2
May boyfriend na pala talaga siya. Hahaha! At talagang umasa pa ako ha! At chineck ko ang FB at IG niya. 😂 mukhang mahal na mahal naman nila ang isa't isa. Kaya okay lang. Nakita ko, 2nd year anniversary na nila. Wow!
Hahahaha! Natatawa lang ako. Hinanap ko kasi talaga siya. Wala naman akong balak ituloy ang naudlot kong lovelife sakanya. Kaya lang kung may maglelet go or may mangiiwan sakin ngayon, aba! Edi aagawin ko na lang siya dun sa taong mahal niya. Lol. Pero seriously, wala naman na kasi akong feelings. (Weh?) hahahaha! Okay na ako. Nakita ko siyang happy eh. Nagawa ko ng mag-let go. Pero pwede bang masagot niya sana lahat ng tanong ko?
Nagustuhan mo rin ba ako?
Bakit ganun mga voice notes mo sakin? Parang kinikilig ako pag nadidinig ko? Hahaha! Parang kinikilig ka rin?
Minahal mo ba ako?
Ginusto mo ba ako?
Naging crush mo ba ako?
Baakiiiiit??
Haayy. Sana maging happy ka sa boyfriend mo and nakikita ko naman na sobrang happy ka.. And I'm happy for you. Always naman =) wala naman akong hinihiling lagi sa ibang tao, kundi happiness nila. At kitang kita ko yan sa facebook, twitter mo. Happy ako for you. At bago matapos ang lahat, gusto ko lang malaman mo.. Na .... Kahit itanong mo sa kaibigan mo. (Nenet)
Sana lagi ka lang masaya.
Ingat ka lagi.
PS: this is the last time na babanggitin kita sa Blog ko. Kasi ayokong sumikat ka. Haha!
Miss kita. Sana minsan, makausap kita.
Nagmamahal,
HenShuai
Comments
Post a Comment