REGRETS sa CRUSH
Lately, parang mejo wala ako sa sarili ko. Ang dami kong naiisip. Pero siguro, isa sa iniisip ko eh yung crush ko. Hahaha! Ang korni kasi. Bigla akong nagbasa ng mga messages ko sa phone ko. Tapos nabasa ko yung text ng friend niya sakin.
Wala lang. Naalala ko siya. Siya yung babaeng parang di natitigil sa bahay kasi laging nasa galaan. Siya yung babaeng nagyoyosi. Puro inom ang alam. Tapos siya yung babaeng laging tumatambay sa kahit saan. Taga-FEU siya. Pero gusto ko talaga siya kahit ganun siya. Di man kami matagal nakakapagusap before alam kong may connection kami. Alam kong kahit papano may feelings din siya. Di ko alam bakit hindi natuloy. Bakit naudlot? Anong nangyari? Di ko rin maintindihan eh. Okay naman kami eh. Masaya ako sakanya. Masaya naman siguro siya sakin. Masyado kasi siyang strong. Parang ayaw niya ipakita na weak siya. Kaya siguro di rin niya ako hinanap after kong mag-lielow at mawala.
Namimiss ko na siya. Totoo lang.
Ilang araw ko ng nadidinig yung voice note niya sakin sa BBM ko before. Kahit yung sinabi lang niya na "ok goodnight hahaha". Paulit ulit yun. Tapos dati nag-status siya. Sabi niya, di raw siya nakikipag-kompetensya sa mga model friends ko. Di naman niya kailangang makipagkompetensya that time kasi siya ang gusto ko. Sinabi ko naman sakanya yun. Inamin ko naman sakanya. Pero lagi niya sinasabi sakin, wala siyang ma-react dun. Gustung-gusto ko siya. Pero bakit walang nangyari? Kasalanan ko ba? Dahil di ko siya niligawan? Di ko pinaramdam sakanya ng todo na gusto ko siya? Feeling ko kasi basted na ako agad sakanya. Parang di niya ako type. Pero feeling ko, kahit papano may naramdaman kami para sa isa't isa. Hahaha! Assuming. Pero di naman ako sigurado na babastedin niya ako. Kasi natatakot din ako sakanya. Baka di ko maabot standard niya bilang boyfriend niya. O baka naman.. Kasalanan niya? Dahil di niya pinaramdam na gusto niya rin ako kaya wala akong ginawa? Kasalanan niya kasi hindi niya ako pinansin?
O baka naman nag-assume lang ako na may feelings kami kahit papano?
Parehas na kaming may ibang buhay. Pero wala lang. Naiisip ko lang siya. What if naging girlfriend ko siya? What if naging boyfriend niya ako? Hahaha! Nakakakilig. Pero nakakabaliw.
Namimiss na kita.
Gusto kong malaman, minsan ba nagkaron ka rin ng feelings sakin? Minsan ba minahal mo rin ako? Or wala talaga? Sana masagot ang mga tanong ko sa future. Sana makausap kita. Sinubukan kitang tawagan sa number mo. Pero di ka sumasagot. Sinubukan kong itext ka pero wala kang reply. Nagriring yung phone mo pero parang wala kang nadidinig. Sinabi ko sayo yung salitang mahal kita dati pero parang wala kang pakialam.
Pano kung niligawan kita? Pano kung nagtake ako ng risk before? Sasagutin mo kaya ako? Nanghihinayang ka rin ba na hindi naging tayo? O masaya ka na ngayon at di na nagiisip ng kung ano-ano? Kung sino man makakabasa nito, please tell her na miss ko na siya. And gusto ko siya makausap. Hehe!
I really do miss you, Robin.
PS: Girl siya na merong guy name. 💪🏻 hahaha! Lol.
ROBIN.
DEA 🐷
Comments
Post a Comment