Where do broken hearts go nga ba talaga?
Co-worker: sir, where do broken hearts go nga ba? Para sayo?
Ako: TULALA.
Hahahaha!
Eto naman kasing mga kasama ko eh ang hilig magsenti. Hahaha! 😅 eh yun ang tugtog. Kaya natanong nila. Sa totoo lang, di ko rin alam saan napupunta yung basag na puso. Lol. Pero sa daming beses ko ng na-broken, isang tao lang ang nagpahirap talaga sakin. Hahaha! Basta. Siya. Hirap na hirap akong mag-move on kaya! Pero alam niyo yun? Happy ka. Pero alam mong di ka pa talaga nakaka-get over sa isang tao. 😠mahirap din un. Lalo na pag mag-isa ka. Minsan may mga magpapaalala sayo sakanya. Minsan kahit nga hindi ka mag-isa eh. Sa jeep, sa mall, sa bus, sa eroplano, sa DFA at minsan kahit sa mga palabas sa TV maaalala mo siya. Kasi idol niya yun. Kasi dati mong pinagselosan yung artistang yun. Hahahaha! Minsan kapangalan niya. Minsan kaugali niya. Alam mo yun? Di mo maiiwasan. Kaya di ko rin talaga alam saan napupunta yung basag na puso. Ahh! Alam ko na. Siguro napupunta siya sa isang lugar kung saan marami kang alaala. Kung saan marami kang naaalala about sakanya. Kasi di ba? Pag nagmu-move on ka kailangan tanggapin mo. So babalik ka sa mga nangyari sa inyo before. Babalikan mo lahat at iisipin yun bago mo matanggap na hindi na talaga pwede.
Sabi pa nila, time heals. Hindi totoo un! May kilala ako. Di siya maka-get over sa ex niya. Kasi siguro dun siya unang nag-promise ng FOREVER. Dun niya nakita ang lahat ng gusto niya. Eh nakita ko mga naging gf niya after nun, magaganda. Sexy. Maputi. Grr! Pang model! Hahaha! Pero wala talaga eh. Yung ex niya? Di naman kagandahan kumpara sa mga naging ex niya. Mejo mataba. Malabo ang mata. Yun nga lang, matalino. Graduate sa isang EXCLUSIVE SCHOOL. At mahal na mahal niya. Hahaha! Nakakatawa. 😂 until now, mahal niya pa rin. Kung siguro nga magkakaron sila ng chance ulit, baka pakasalan na niya yun. Kaya lang sabi ko sakanya, malabo na yun. Kasi may iba na. Kapag may mga taong involved na, wala na. Wala ng chance. Mahirap kalabanin ang taong nanjan para sakanya nung nawala kayo! Yung pinagsamahan nila di niya itatapon ng ganun ganun na lang para sayo. Kaya ayun. Hanggang ngayon, single pa rin siya. Wala eh. Gusto niya yung girl na yun.
Kaya minsan napapaisip din ako. Where do broken hearts go nga ba? Kasi ang hirap isipin. Pero siguro wag na natin isipin kung saan napupunta yun. Isipin na lang natin, papunta siya sa isang taong magmamahal sayo ng tama. ❤️❤️❤️
Comments
Post a Comment