Yung feeling mo mahal ka pa niya pero hindi na talaga.



Minsan ba naramdaman niyo yung feeling na mahal ka pa niya. Yun ang tingin mo. Pero ang totoo, hindi ka na niya mahal. Talaga.

Minsan may mga ganun eh. Yung feeling mo, di pa talaga siya nakaka-move on sayo. Ginagamit lang niya yung boyfriend/girlfriend niya ngayon para maka-move on siya sayo. Pero ang totoo? Naka-move on na talaga siya.

Oo, totoo yun. Naka-move on na siya. Masaya na siya sa bago niya. Nakita na niya lahat ng hinahanap niya sa bago niya na wala ka. Hindi ka na niya naiisip sa gabi. Wala na siyang pakialam sayo. At kahit magkasakit ka ngayon, hindi ka na niya aalalahanin pa.

Yung totoo? Ikaw na lang ang hindi pa nakaka-move. Kasi ikaw pa yung umaasa na hindi siya nakaka-move on sayo. Pinapasa mo sakanya lahat ng nararamdaman mo para maging masaya ka. Para hindi matapakan yung pagkatao mo. Dahil sa isang iglap? Nakalimutan ka ng FOREVER mo.

Mag-move on ka na.
Kalimutan mo na siya.
Hindi talaga siya ang para sayo.
I-give up mo na yung katiting na pag-asa mo na babalikan ka niya.
Wala ka ng aasahan pa.
Hindi ka na niya mahal.
Masaya na siya sa piling ng iba.
Ayaw na niya sayo.
Kinamumuhian ka niya.
Hindi na ikaw ang baby niya.
Wala na siyang pakialam sayo.
Baka nga hindi ka na niya kilala.
ANG TANGA MO!!!

Minsan kailangan mong sabihin lahat yan sa sarili mo para maka-move on ka. Pero minsan kahit anong sabi mo, makita mo lang siya na nakangiti at masaya, bumabalik ka sa pagiging tanga. Naiinlove ka ulit dun sa putanginang ngiti niya. Naiinlove ka ulit sa mga mapanlinlang niyang mata na nangungusap. Binabasa mo ulit lahat ng mga love letters/old messages niya sa phone mo. Tapos mafi-feel mo ulit na love ka pa rin niya dahil di ganun kadali kalimutan lahat ng nangyari sa inyo.

Wala na yun sakanya.
Madami na siyang memories sa bago niya.

Wala eh. May iba na siya.
Kaya ikaw, mag-move on ka na. Ilang buwan na ba? Ilang taon? Ilang buwan at taon pa ba ang dadaan para makalimutan mo siya? Dekada? Pero ganun talaga tayong mga taong nagmamahal at tinamaan ng putanginang pana ni kupido. Hindi titigil. Hindi mapapagod.

Mamahalin pa rin natin yung taong nananakit satin. At makaka-move on lang, kapag siguro talagang di na tumitibok ang puso. Yung literal.

"Alaala mo sa akin ay gumugulo bakit di na lang pawiin ang hapdi sa aking puso.. Pipilitin kong limutin ang pag-ibig mo.."

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?