Confessions to the one that got away


Gusto ko rin mag-confess. Nakita ko kasi to sa facebook status ng friend ko. Actually dalawa silang pinagsisisihan kong nawala sakin. Lol. So confessions to the two that got away. Pero siguro yung isa, di naman talaga. Crush ko lang naman siya eh. Di naman niya ako gusto. Sabi lang nung friend niya sakin, nagseselos yun sa mga naging crush ko at model friends ko. Pero di naman ako mahilig mag-assume na porket nagselos eh gusto na ako. Baka nagselos kasi nawala attention. May ganun naman eh. So yun. Siguro magstart ako dun sa crush ko lang.

1. I wish nagawa kong sabihin sayo gano kita kagusto. I really do like you. Sobrang really like you. Kahit mataba ka, nagyoyosi ka, malakas ka uminom, late ka umuuwi ng bahay, lagi kang tumatambay sa school at parang black sheep sa family. Sobrang gusto kita. At alam yan ng kaibigan mo. Hoy Kenneth! Sabihin mo sakanya lahat ng pinagusapan natin nung tinext kita. Na I'm looking for her. Oo. Siguro. Ako ang unang nawala. Ako ang unang lumayo sayo. Pero di ba binasted mo ko? Hindi literal na sinabi mong you don't like me, pero alam mo yun? Haayy.

2. Sinubukan kitang hanapin sa FEU. Yes. Sa tambayan. Sa Pacita. Even ask yung isang buong street. Kahit nga sa Immaculate Heart of Mary School tinanong kita. Ask mo pa si Mrs. Lacdan. Hahahaha. Pati yung guard. Lol.

3. Tinext ko yung old number mo na nasa akin baka sakaling mahanap pa kita. Baka sakaling pwedeng manligaw ako. Pero laging ring lang ng ring yung number na yun. Yun yung tinatawagan ko before nung naguusap pa tayo. Ganun ako ka-desperado. Kahit nga si Kenneth, kinulit ko. Pero di niya binigay. And even look for Reb's number.

4. I stop looking for you ng malaman kong may boyfriend ka na. Pero lagi ko pa rin viniview lahat ng pics niyo ng boyfriend mo kahit ansakit sakit na. Lol. Pero feeling ko naka-move on naman na ako. Happy ako for you. Kasi ang tagal niyo na ng oink oink mo. =)

5. Lahat ng tweet mo sakin, iniscreenshot ko. Wala lang. Gusto ko lang mabasa. At minsan eh malamang namimiss mo ko. Hinahanap hanap mo ko. Ngayon kaya? Syempre hindi na. May ibang buhay ka na kasama boyfriend mo.

Wala lang. Masaya ako para sayo ngayon. Pero sayang. Walang chance na maging tayo. Pero okay na rin yun. Baka di rin maging maganda break up natin kung maging tayo. Saka alam kong di ako ang tipo mo. Kaya un.


Sana super happy ka talaga.
Di man tayo nagkausap ng maayos, pero alam mo? Gustung gusto kong malaman kung nagustuhan mo rin ba ako. Hahahaha. Arte eh. Pero gusto kong malaman mo na masaya ako kung anong meron ka ngayon.
Whatever D. =)

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?