Valentines Single

2016 SINGLE.

YUP! Hahaha. Single pa rin ako ngayong 2016. Don't ask why. Kasi alam niyo na. Hahaha. Lol. =)

February na naman. Madami na namang lovers ang maglalabasan at magpapaka-sweet sa partner nila. Tinanong ako ng isang friend, sabi niya: 
"Pansin ko lagi kang single. Kahit minsan sinasabi mo inlove ka. Kahit minsan, may katext or ka-chat ka na nagpapasmile sayo. Pero seriously, nagmahal ka na ba? Yung totoo? Walang halong joke"

Natawa ako. Tangina neto. Ako na naman natanong mo. Hayop! Hahaha. Napa-smile ako. Syempre mayabang ako. Di ako pwede magpatalo. Sabi ko, yes. Tapos tinanong niya ako, diba never ka nag-bigay ng flowers?

Pati yun napansin mo? Lahat na lang. Stalker ba kita?
Lol. Pero seriously, napaisip ako. Napainom ako ng beer after ng usapan naming yun. Di kasi ako nag-react. Pag lovelife kasi topic, bumabalik ako sa lahat ng naramdaman kong sakit. Sabi nga ni Alex Gonzaga, LAHAT NG SAKIT, bumabalik. At kapag pinaguusapan na, sumasakit ulit yung puso ko. Hindi dahil sa di pa ako nakaka-move on or get over sa mga ex ko. Pero yung part na SAYANG. SAYANG TALAGA. Pero ganun talaga. Lahat naman ng nagmamahal, nasasaktan. Lahat naman dumaraan sa mga bagay na nakakasakit satin. Sayang yung binuhos na oras at panahon. Pero ako, wala akong pinagsisisihan sa lahat. Minahal ko sila.

Hmm.. Mali yung sinabi na di ako nagbibigay ng flowers. Nagbigay ako ng flowers. 5x. Bilang na bilang sa daliri. Yung first time, February 24 to be exact. Tangina. Naghanap talaga ako ng mauutusan. Kaya may nauto ako. Ayun. Di ko kasi alam pano. Di ko alam anong color. Di ko alam anong klase. Kaya salamat sakanya. Binigyan daw niya ng red flowers. Yes! Tangina. Inlove na inlove. Mahal na mahal ko tong babaeng to kasi sakanya ko talaga na-feel yung forever. Kahit ayaw sakin ng ate niya, feeling ko may spark talaga kami. Hahahaha. Pangalawa, sakanya ulit na ex ko. Pero white flower. Flower kasi isa lang yun. Nung birthday niya August 12. Nung nilet go ko siya. Ayaw ko talaga sumuko sakanya kung pwede. Pero wala eh. Hindi na niya ako napatawad. Hindi na niya ako kinausap. Hanggang ngayon. Pero sana napatawad na niya ako. =( yung pangatlo, sa ex ko ulit. Ibang ex na to. Birthday niya. May kasama pang cake yun. Kung alam ko lang, di ko na binigyan. Niloko lang naman niya ako eh. Boyfriend niya ako tapos may iba na pala. Lol. Sabagay. Bestfriend sila ng isang ex ko na manloloko rin. Friends of the same feather, are the same birds. Tangina mo po! Hahaha. Tapos pang-4th, sakanya when I finally let her go. Kasi tangina. Pamura ulit. Di ko ma-imagine na minahal ko siya. Yun lang. Di ako bitter sakanya. Pero to think na napagtugma ko na lahat ng nangyari sa umpisa pa lang, parang ang gago ko lang na naniwala ako sakanya. Hahaha. Parang someone send me screenshots ng pic nila nung guy sa IG (wag kang mag-alala. Di ako ang nakakita. Or nag-stalk sayo! Eew kaya kahit i-private mo IG mo, wala akong paki) tapos may comment dun na parang lantaran na sila. Dati kasi hindi daw sabi ng kanyang friend sa work. Kasi nga malalaman na play girl siya. Hahaha. Lol. Pang-5 dun sa isang ex ko. Wala lang! Binigyan ko lang. Dapat nga hindi na lang din. Nakipagbreak sakin dahil nakipagbalikan sa ex. Tapos kami ulit. Tapos break ulit. Baka sila ulit? Hahaha. Lol! Napakabitter ko namang magkwento. Pero seriously, happy na ako for them. Yung ex kong binigyan kong flowers (kauna-unahan) ikakasal na yun. Di ko rin alam sino nagsabi sakin pero may nag-email na sakin regarding dun. I'm happy for you. Tinatapos lang ata nila yung one year para di sukob sa kasal ng sister niya. Yung isa, masaya na rin ako para sakanila ng boyfriend niya. Sana naman siya na si Mr. Right na maglalagay ng icing sa cupcake mo. Hahaha. Lol. At sa pangatlo, alam ko soon mahahanap mo rin right guy mo. At yung makakapagpasaya sayo. Remember what you told me when I tell you na thanks for making me happy? Sabi mo, wag ako mag-thank you kasi di mo naman ako napapasaya. Minsan kaya natin nasasabi yung ganun is maybe ganun yung nafi-feel natin. Ni minsan wala akong pina-feel na hindi ako masaya sayo. Kaya baka kaya mo naisip yung part na yun is because, ikaw yung ganun. Ako ang hindi nakakapagpasaya sayo. That's why I wish and pray to God na sana mahanap mo yung guy na for you. Yung mapapasaya ka. Hindi yung nagawa ko. =)

At ako? Basta ako. Wait for the right moment.
Be happy. Let go and Let God. I know ibibigay din ni
God yung para sakin soon. Hintay lang ako. Soon. 

Happy Love Month everyone!

And to my future wifey:
Okay pa ako. Kaya pa kitang hintayin. I love you.
Hug and kiss you soon.


And they lived happily ever after, SEPARATELY.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?