Taylor Swift - Calvin Harris = Happy Loki
Isa ako sa mga na-sad ng malaman kong hiwalay na si Taylor Swift at Calvin Harris. Pero bakit nga ba? Wala lang. Ideal lang kasi mga photos nila. Parang super inlove sila sa isa't isa. Pero siyempre, alam niyo yun? Wala namang perfect relationship. Walang perfect partner. Mejo nakakainis lang na ang bilis maka-move on ni Taylor. Siguro ganun talaga pag may bago ka. May bago kang kalandian, may bago kang gusto, may bagong nagpaparamdam sayo na special ka, ang bilis mong maka-move on. Kasi may kilala akong ganyan. Ex ko. Nakipagbreak. No reason. As in ayaw na lang daw niya. At makakahanap naman daw ako ng mas higit sakanya. Walang explanation na naganap kung bakit. Sabi ko, pwede naman naming ayusin. Pero ayaw na daw. After ilang days, nagpost siya ng photo sa IG niya nang picture nila nung bago niya. Nakalimutan ko caption. Pero may nag-comment. Pero hindi eto mismo yung sinabi. Parang ganito lang. "Uy, out na kayo" parang ganyan na pwede na nila ilabas. So yun. And hind...