When you love something, hahanap-hanapin mo. ❤️
Yun ang sabi ni John Lloyd sa commercial niya ng great taste. Hahaha! Lol. Natawa lang ako. Sabi ko, oo nga. Kaya pag di ka na hinahanap, alam mo na. Meron nga akong friend. Di na daw siya hinahanap nung girlfriend niya. Di na daw tulad ng dati na lagi siyang tinatawag-tawagan at tinetext kung nasan siya. Minsan nga daw nakatulog siya. Meron na siyang 350missed calls. Hahaha! Parang bahala ka na lang kung nasan ka. Kung magsasabi ka. Sabi ko, may iba na yan. May ibang lalaki na nagpapatibok ng puso niyan. Lol. Tapos natawa lang siya dahil mahal daw siya ng girlfriend niya. Until one day, magkasama kami sa isang lunch meeting with friends. Tawa pa kami ng tawa. Eh hindi siya tinanong ng girlfriend niya kung saan kami maglunch so wala siyang idea. Nung malapit na kami matapos maglunch, nag-CR kami. Nakita namin malapit sa CR yung girlfriend niya and other guy na naglalandian. Dumaan kami sa harap nila. Wala naman kaming ginawa. Dumaan lang. As in dumaan lang. Di naman kasi eskandaloso yung friend ko. So yun. Nakipagbreak na siya. And ngayon, kinarma na yung girl. Iniwan siya nung guy na may laman yung tiyan niya. Hahaha! Kinakamusta niya friend ko, pero deadma. Ayun. Madami talagang ganyan eh. Yung kapag di ka na nila hinahanap, may iba ng kinalolokohan yan. Ayaw na lang umamin kapag tinanong mo. Or kapag nagduda ka. Minsan ikaw pa mali. Kasi wala kang tiwala. Ulol. Wag kami! Hahaha! May kilala akong ganyan. Wala daw siyang iba, wala! Kakahiwalay lang namin. Humihingi pa ako ng chance para maging okay kami. Malalaman ko may nanliligaw na pala sakanya. Tangina! Hahaha! Ayaw pa umamin. Tapos ineentertain niya pa ako. Ano? Sabik sa atensyon? Pero di na para pag-aksayahan ng oras mga ganyang tao. Nakakatamad. Lol.
Buti pa yung isang kilala ko. Walang bahid ng pagiging two timer. Nung nag-break kami, nag-uusap pa kami. Pero nang manligaw sakanya yung boyfriend niya ngayon, di na niya ako inentertain. Ever! Kaya sayang talaga! Pinakawalan ko pa siya.
Sayang talaga! Kaya kayo, pag nahanap niyo na yung taong di kayang wala ka, hinahanap hanap ka, yung pinatunayan na mahal ka talaga niya.. Wag niyo na pakawalan. Ako kasi sobrang nagsisisi na pinakawalan ko siya. Pero okay na rin kasi napunta siya sa good guy! At okay na ako dun.
Comments
Post a Comment