Taylor Swift - Calvin Harris = Happy Loki



Isa ako sa mga na-sad ng malaman kong hiwalay na si Taylor Swift at Calvin Harris. Pero bakit nga ba? Wala lang. Ideal lang kasi mga photos nila. Parang super inlove sila sa isa't isa. Pero siyempre, alam niyo yun? Wala namang perfect relationship. Walang perfect partner. Mejo nakakainis lang na ang bilis maka-move on ni Taylor. Siguro ganun talaga pag may bago ka. May bago kang kalandian, may bago kang gusto, may bagong nagpaparamdam sayo na special ka, ang bilis mong maka-move on. Kasi may kilala akong ganyan. Ex ko. Nakipagbreak. No reason. As in ayaw na lang daw niya. At makakahanap naman daw ako ng mas higit sakanya. Walang explanation na naganap kung bakit. Sabi ko, pwede naman naming ayusin. Pero ayaw na daw. After ilang days, nagpost siya ng photo sa IG niya nang picture nila nung bago niya. Nakalimutan ko caption. Pero may nag-comment. Pero hindi eto mismo yung sinabi. Parang ganito lang. "Uy, out na kayo" parang ganyan na pwede na nila ilabas. So yun. And hindi naman ako nagtaka na may bago na siya. Di naman ata nabakante yung taong yun. At alam ko na may lumalandi na sakanya kahit kami pa. Di lang niya sinasabi. Kasi nga siguro, gusto niya dalawa kami. Sana lang talaga, masaya siya. At di siya karmahin. Lol. Pero masaya ako for her. Wag lang sana siya lokohin. And I hope, ganun din si Taylor. Pero parang mejo nakakabastos lang sa iniwan mo na ang bilis mo siyang pinalitan. Oo, before sa fb ko may blog ako regarding sa 3mos rule. Sabi ko, di naman siguro kailangan umabot ng 3mos kung may bago ka ng mahal. Na meron na akong iba agad kahit kakabreak lang din namin. Pero iba kasi yung sakin. Panakip butas ko lang yung babaeng niligawan ko. Hindi ko kasi kaya na nagbreak kami nung ex ko. Di ko kinaya yung part na yun ng break up namin na tipong nakahanap ako sakanya ng dahilan para makalimutan yung isa. (Yun yung unang reason ko. Panakip butas/Rebound lang. Pero minahal ko naman) Nagbreak kami nung ex ko hindi dahil sa may iba na ako. Or may iba na siya. Nagbreak kami kasi may misunderstanding. May di kami pagkakaintindihan. May mga bagay na di niya expect na maintindihan sa part ko. Unlike dito sa issue kay Taylor. Wala naman ata. Bigla na lang may iba na. Kaya nga siguro kahit kami na nung isa, di ko makalimutan yung ex kong yun. Kasi I know na hindi naman ako naka-move on sakanya. Hindi ako dumaan sa healing process. Sa totally healed process. Ngayon lang. Hahaha!

Sobrang sakit ng ganun. Pero di ko naman masisisi si Taylor Swift. Kasi baka talagang na-fall siya sa iba. Minsan naman ganun din tayo eh. Wag nating isipin na siya lang ang gumawa non. Dahil minsan pag may ibang nagpapakilig satin, kikiligin naman tayo at iisipin nating nafo-fall ka na. Pero ako never kong iniwan ang taong mahal ko dahil may ibang nagpapakilig sakin. Dahil ang kilig? Panandalian lang. Ang saya na binigay niya pang-habangbuhay.  Saka lahat naman tayo may crush. At may mga bagay na kumikiliti sa puso natin. Aminin man natin o hindi. Kaya minsan, nababaling sa iba ang atensyon. Pero hindi pa rin sapat yun. Meron ngang nagsabi sakin, "nababawasan daw ang pagmamahal" baka dumating sa point na nabawasan na yung pagmamahal ni Taylor kay Calvin. Kaya iniwan niya. Tapos ayun! Lumandi agad sa iba. Or habang sila pa ni Calvin may something na sakanila ni Tom. Baka habang may ginagawa si Calvin, nilalandi na ni Tom si Taylor or vice versa. Pero sabi nga nila, walang lalandi kung walang magpapalandi. At walang magpapalandi, kung loyal ka at isa lang ang gusto mong malandi. Gaya nga ng isang blog ko dito, hindi naman totoo yun na nababawasan ang pagmamahal. Kasi alam niyo yun? Nasa sayo naman kasi kung pano mo aalagaan ang pagmamahal at ang relationship eh. Kahit na nagkakalabuan. Kahit nagkakaron ng pagkukulang yung isa. Ganun kasi yun eh. Hindi pwede yung bigla na lang iiwanan mo siya kasi nababawasan na. Kasi may pagkukulang siya. Kasi di niya mabigay mga ka-prichohan mo. Kasi di ka pa niya kayang panindigan. Kaya nga naging kayo eh. Kaya nga nagkaron ng KAYO. Dalawa kayo. Haharap sa problema. Iintindihin ang pagkukulang ng isa't isa. Pupuno ng pagkukulang ng isa. Palalakasin ang loob. Magbibigay ng advice. Magiging kaibigan. Kaya nga tinawag na BOY-FRIEND. Hindi lang siya yung lalaking magbibigay ng pagmamahal sayo, at magpapakita ng sweetness sayo. Siya rin ang magiging kaibigan mo sa oras na magkaron ka ng problema. At ganun ka din. Kaya ka tinawag na girlfriend. Tapos iiwan niyo dahil lang nabawasan ang pagmamahal? Tsk. Pano yun? Kapag mag-asawa na pala kayo? Pag nabawasan pagmamahal mo kasi wala siyang time sayo dahil sa work? Kasi may kasama ka sa work na mas nag-eeffort at nililigawan ka di gaya ng asawa mo? Mukha na siyang losyang, iiwanan mo? Divorce na? Tapos sasama ka sa iba. Kapag nabawasan ulit yung pagmamahal mo dun sa isa, hahanap ka na naman ng iba? Ano ka? Teller sa BDO? Next please? Ganun ba yun? Hindi naman eh. Ang sabi nila, kaya daw nababawasan ang pagmamahal ng isang tao sa isang tao eh dahil may iba ka ng minamahal. Kaya sinasabi nila yun. Wala daw yun sa mga ginagawa mo or pambabalewala mo. Kasi kung totoo na dahil hindi mo siya naaappreciate kaya nabawasan yung love para sayo, edi sana wala ng tatanga tanga ngayon. Wala ng mga nanay na nagtya-tyagang makisama sa tatay ng anak niya kasi babaero at minsan pumapayag pa na kabit siya. Or second option lang siya kung talagang nababawasan ang love dahil lang dun. At naniniwala ako dun. Andami ngang nagpopost at repost sa facebook, twitter and IG recently nung hashtag na #RelationshipGoals pero di nila alam yung salitang REALATIONSHIP. Oo, REALationship. Hindi lang laging RELA. Dapat may REAL din. At kasama dun ang pag-intindi, pagpapatawad, pagsasakripisyo. Minsan kasi iniisip nila dapat lahat lang ng ginagawa ng mag-jowa masaya. Lagi lang masaya! Ano? Tingin niyo ba yung relasyon ni James Reid at Nadine Lustre walang problema? Eh yung relationship ni David Beckham at Victoria Beckham? Yung kay Cheska Kramer at Doug Kramer? Lahat yan may mga pinagdadaanan. Di lang natin alam kasi di naman tayo kasama sa relasyon nila eh. Yes, nakikita niyo sa mga posts, snapchat, ig nila na super ganda ng family nila. Ang cute ng kids, laging on vacay. Pero may problema rin sila. At yun ang hindi niyo alam. Kasi di naman nila ipopost sa social media na nagkakaron sila ng problem. Unlike ng iba jan. Tae. Di naman kayo artista! So shut up na lang! Hahaha! Tapos yung iba nakikita na maganda ang buhay ng iba. Maganda ang lovelife. At naiinggit. Dapat ganun din. Dapat ganun din kasaya. Masaya lang dapat. Yun lang ang tatanggapin sa relasyon. Pag nagkaron na ng problema, pag nagkaron na ng mali yung isa, pag marami ng pinagdadaanan, nang-iiwan na. Putangina! Puro pasarap lang gusto! Eh hindi naman dapat ganun ang totoong #RelationshipGoals. Ako talaga ang gusto kong maging goal, yung parang kay Patty and Marco ng starting over again. Na tipong kahit magkamali si Marco, okay lang daw. Kasi may space naman sila sa pagpapatawad. Yung ganun. Pati sa parents ko. Gusto ko rin ganun. Kasi si mama, binigyan talaga ng time si papa magwork. I mean kahit umaalis yung dad ko papunta sa ibang lugar, hindi siya nagkaron ng doubt kay papa na merong babae. May trust siya. Tapos si papa, hinayaan lang din si mama mag-work pero inaalagaan pa rin kami. Tapos ngayong retired na si papa, nag-uubos sila ng oras dalawa na magkasama. Nag-travel. At nung nagkasakit si mama, nakita ko pano inalagaan ni mama si papa. Pano siya nag-pray kay God na sana maging okay si mama. Pano niya iniispoiled si mama. At kung pano nila hinahandle ng sabay yung problema ng buong family. Tulad ng bumaha samin. Syempre. Nagkaron talaga ng struggle sa family. Oo. May ipon parents ko. Pero siyempre yung feeling na yung ipangpapagawa ng mga nasirang gamit sa bahay eh pangbili na lang ng food naging "problema to" Meron nga kami groups sa whatsapp, viber and even messenger tapos nag-I love you sila dun. Hahaha. Ganun kami ka-open. Kasi pinakita talaga nila samin na mahal nila isa't isa. Ganun ang relationship goals. Hindi yung nakikita mo lang sa facebook na binuhat yung babae, binigyan ng malaking teddy bear, pinagluto lang, madaming flowers every monthsary, hinaharana ka, may binigay siyang box ng chocolates pag mainit ulo mo, naglambing sayo, nag-travel together. Hindi lang yun. Okay? Hindi niyo magagawa ang maging masaya sa piling ng isa't isa kung di niyo kayang maging happiness ng isa't isa sa oras ng problema.

Pero sa totoo lang, maganda rin tong naging issue na to ni Taylor Swift and Calvin Harris. Atleast minsan, napapatunayan natin na hindi lang laging lalaki ang may problema pagdating sa mabilisang pag-move on. Madalas kasi nababasa ko sa mga links, UST Files, Feu Files and etc, na laging babae ang nasasaktan. Na laging babae yung agrabyado. Laging babae yung nagtitiis sa mga lalaking di makuntento. Na kesyo yung boyfriend daw niya, babaero! Wala lang kasing lalaking nagpopost sa mga ganyan na yung girlfriend niya lalakero kaya laging boys napagdidiskitahan. O ayan girls. Hindi naman kasi lahat kami lang. Minsan kayo din. Ang di makuntento. Ang nananakit. Ang nang-aagrabyado. Kaya sana, maintindihan niyo rin kami. Give and take. Kasi sa totoo lang, durog na durog na mga lalaki sa inyo. Hindi lang kasi halata kasi di naman lahat umiiyak eh. Kung umiyak man, tinatago lang. Kasi ayaw namin dumating sa point na masaktan kayo sa pag-iyak namin. Iisipin niyo pa, puta! Best actor! Pero minsan, sobra na rin eh. Minsan di na rin namin kaya. Kaya minsan, gumagawa na lang kami ng kalokohan. Minsan naman, matuto kayong makiramdam. Hindi yung laging hinala niyo lang pinapakiramdaman niyo. Yung tipong kapag nanlalamig, dun lang malakas pakiramdam na may ibang babae. Dapat sa ibang bagay din. Haayy.

Pero wala eh. Bulag ang mga babae. Dapat sila lang may karapatang masaktan sa lahat. Sila yung laging tama. Sila lang yung dapat iniintindi. Hahaha! Pero thank you na lang. Lalo na dun sa mga babaeng mahilig mang-iwan dahil lang sa simpleng problema. Okay lang naman yan. Unti-unti natuto na rin kaming mga lalaking nagpapakatanga! Lalo na ako. Dun sa babaeng iniwanan ako. Dahil lang hindi niya maintindihan yung mga bagay-bagay. Hahaha! Basta sana maging happy ka. Sobrang masaya ako for her kahit na bawas na ang pagmamahal niya para sakin. Sabi ng friend ko, gawa ka ulit ng way para mahalin ka. Sabi ko, huh? Di naman nawawala or nababawasan dapat ang love eh. Kaya kung ako lang.. Di na ako gagawa ng way para mahalin ulit ako. Dahil kung talaga namang mahal ako or minahal ako, maiintindihan ako. Hindi mababawasan pagmamahal niya. Sabi nga nila, kahit anong mangyari sayo, kung may mga kulang sayo, dapat mas lalo kang mamahalin. Para kung may mga hindi ka man maibigay sa ngayon, magiging stepping stone mo yung love na pinakita sayo para maging okay ang lahat at magawa mo yung mga kulang sayo. Pero kung sasabihin sayo, bawas na, ay! Mejo parang di na maganda. Sapat na siguro sakin ang naging honest siya at malaman na wala na yang love niya for me para maging masaya para sakanya. Hehe. Basta. Teka nga, di naman ako ang issue dito. Ako na naman ang nagkukwento! Hahaha! Well, sana maging masaya si Taylor and Tom. Andami na ngang nagpupustahan. Lol. Ilang months daw tatagal to? Hahaha! Ako 3months. Starting today. Until September. Hahaha! Lol.

#TeamCalvin
Oo, mahirap makita na yung taong minahal mo may mahal ng iba agad kahit kaka-break niyo lang. Isipin na lang muna natin ang sarili natin. Minsan kasi kailangan din nating mapag-isa. Para malaman natin na hindi naman talaga tayo mag-isa. Madami tayong kaibigan, pamilya, at siyempre si God. At isipin na lang natin na hindi siya ang nakalaan para satin dahil may bagong darating para magpa-inlove ulit satin. Wag din nating isipin na gumanti or maghanap agad ng iba. Dahil wala dun ang sagot. Respetuhin natin ang decision nila. At respetuhin din natin ang sarili natin kaya wag gagawa ng bagay na ikasisira mo.

#TeamTom
Magpakasaya ka na ngayon. Dahil kung may iniwanan siya para mahalin ka, tandaan mo. Iiwanan ka din niya para sa iba. Minsan sa una, super saya. Sa gitna, masaya. At sa huli, magsisisi ka na lang sana hindi na lang siya.

#TeamTaylor
Well, lets all be happy. And gayahin natin si Taylor. Madaling nakaka-move on. Mas okay na sakin na magalit sakin ang mga tao dahil naka-move on na ako. Kesa naman sa magalit ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon, baliw na baliw pa rin ako sayo.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?