HANGGANG KAILAN AASA?

Naranasan niyo na ba yung feeling na na-broken-hearted ka sa isang bagay pero ikaw lang may kasalanan bakit ka na-broken? Ikaw may kasalanan bakit nangyari yun kasi ikaw umasa ka kahit di ka pinaasa? Ikaw may kasalanan bakit umiiyak ka sa isang bagay na yun pero di ka naman niya pinaiyak?

Well, hahahaha. Wala akong masabi. Natanong ko lang. Sa totoo lang wala naman silang kasalanan. Walang kasalanan yung taong sinasabi natin na nanakit satin. Nagpaiyak satin. At nagpaasa. Minsan naman talaga, tayo lang din may kasalanan bakit tayo nasasaktan, umiiyak at umaasa. Kasi tayo mismo sinasaktan at pinapaasa natin sarili natin. Kaya umiiyak tayo. Tapos isisisi natin sa iba. Wag ganun! Di nila kasalanan yun. Kung alam mong di ka naman gusto, bakit ba pinagsisiksikan mo sarili mo? Bakit kasi pinipilit mong maging parte ng buhay niya kahit alam mong wala naman? Haayy. Kaya wag natin isisi sa iba pagiging broken  natin pag ganyan. Dapat isipin din natin, sinaktan niya ba ako? Nang sadja? Pinaasa niya ba ako? Pinaiyak niya ba ako? Hindi naman eh. Kaya kayo. Pag wala naman kayong mapapala or wala naman kayong nakikitang hope sa taong mahal niyo, please lang. Kayo na mismo magpaalala sa sarili niyo na wala. Di naman kailangang dumistansya. Di naman kailangang lumayo sakanya. Pwede pa rin naman kayo maging magkaibigan. Pero dapat alam mo ang difference ng magkaibigan sa mag-ka-ibigan.

Naalala ko nga. May officemate ako. Nililigawan niya rin ka-officemate namin. Tinanong ko siya. Ano na ba status nila? Kasi sweet naman sila. And mukha na talaga silang mag-boyfriend. Tapos sabi niya sakin, wala naman daw siyang pag-asa kay girl. Alam naman daw niya yun. Pero tinanong ko siya bakit ganun? Lahat binibigay niya? Naalala ko pa nga. Sumigaw yung isang ka-officemate namin na may 13th month na daw. Tapos siya, nawala siya. Yun pala, pinambili niya ng gift yung 13th month niya. Binili lang naman niya ng make-up set, kylie lipstick original, director's chair and yung nahihila na make up kit na may salamin na maraming ilaw na pang-artista. Estimated price: PHP 30,000 ubos ang 13th month. Haayy. Sabi ko, iba talaga nagagawa ng pag-ibig. Umiyak pa nga siya. Kasi alam niya wala naman daw siyang pag-asa kay girl pero ginagawa niya pa rin yun. Pero girls, tanong lang! Bakit tanggap kayo ng tanggap ng regalo sa mga lalaki kung di niyo naman siya gusto? Minsan nakakaloko din kayo eh. Ano yun? Ginagamit niyo yung kahinaan ng lalaki na hindi kayo makuha para makuha yung gusto niyo? Ang unfair kasi. Laging sa lalaki ang sisi na kami yung mga paasa. Pafall. Pero tangina naman! Haayy. Di ko magets. Tapos pag napaguusapan na, laging lalaki yung may mali. Laging lalaki yung may kasalanan. Pero db kayo din? Minsan hindi naman aasa kung hindi pinaasa. Girls, kung di niyo naman gusto pwede paki-derecho na lang? Kesa naman tanggap kayo ng tanggap ng regalo pero wala naman pala siyang pag-asa. Oo. Alam namin. Kailangang paghirapan kayo. Kailangang mag-tiyaga. Pero kung ikaw sa sarili mo alam mong wala naman talagang mapapala, bakit nagpapaasa pa? Nakakabwisit.

Haayy. Feeling ko tuloy, mukhang pera yung babae! Sorry ha. Kasi bakit tinatanggap mo yung mga bagay na yun kung di mo naman matanggap yung pagmamahal niya?

At para sa officemate ko, brother! Tigilan mo na yan. Pineperahan ka na lang niyan. Okay? Sinabi ko na to sayo. Minsan ang babae, gusto lang niyan dumikit sayo kasi nakukuha niya gusto niya. Pero pag wala na, wala. Kaya tigilan mo na.

At para sa lahat,
Wag aasa.
Wag mag-aassume.
Wag ipilit kung tingin mo ayaw.
Minsan kailangan mo din na gawin ang lahat ng yan para iligtas ang sarili mo. 

Move on na.

M - Make your heart accept defeat.
O - Overhaul your future.
V - Verify your existence.
E - Erase his existence in your life.
O - Open your heart to somebody else.
N - New life.
- 6 letters. 2 words.

Comments

  1. Well said, pero wag lahatin.. sana ako nalang yung girl.. Bakit kaya ganun? kung sino ying gustong gusto natin, ayaw satin at kung sino naman ung gustong gusto tayo, tayo naman ang may ayaw.. Haaayst! ang gulo talagaxng love..Napaka unfair.. 💔

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?