Kita Kita


Umiyak na naman ako.

Humagulgol. =(

At habang ginagawa ko tong blog na to, tugtog yung themesong sa movie.

Until now, umiiyak ako. Hahaha!

Ang funny pero tagos na tagos sa puso.


Yes, oo. Nanuod po ako ng Kita Kita.

Bakit? Sabi nung mga kasama ko, anjologs ko. Kasi yun daw gusto ko panuorin. Nanuod sila ng iba. Pero ako, pinilit ko na manuod ako mag-isa.


At hinding hindi ko pagsisisihan na nanuod ako mag-isa. At pinanuod ko. Oo. Hindi leading man material si Empoy sa movie. Pero para sakin, siya ang totoong Leading man. Talo niya lahat. Even my idol, John Lloyd. At ang dami ko na namang na-realized sa movie. Parang ayaw nga tumigil ng luha ko ngayon. Until now habang ginagawa ko to nag-bu-blur na yung paningin ko kasi sobrang iyak ko na. Sobrang ganda ng movie. Daming aral. Gusto ko lang din i-share yung natutunan ko. Sa mga walang balak manuod. 


  1. Isa lang ang buhay natin. Wag nating sayangin sa kung anu-anong kalokohan. Wag nating hayaan na magsisi na lang tayo kasi di natin nagawa or nasabi yung mga bagay na dapat ginawa or sinabi natin. Habang nagigising ka, ipaalala mo sa taong mahal mo kung gano mo siya kamahal. Iparamdam mo. Para pag dumating sa point na hindi ka na magising, wala kang pagsisisihan. Gawin mo na lahat ng mga gusto mong gawin. Masarap magmahal at mahalin. Kaya dun sa isang buhay natin, wag natin kalimutan na gawin yun. Nakakatawa nga, namatay si Chester Bennington sa araw na to. Sayang! Di niya napanuod yung movie. Kasi kung napanuod niya lang, hindi sana niya ginawa yun.
  2. Dalawa lang naman yan. Its now, its never. Walang “OR” kasi nga dalawa lang. Ngayon, at wala na. Kasi kung gusto mo, gawin mo ngayon. Kung ayaw mo, wag mo. Ang simple lang db? Wala akong pake kung tumawa tayo ng tumawa sa its now, its never ni Empoy. Oo, mali siya dun. Pero na-realized ko, tama yun. Kasi nga, walang “siguro” sa lahat ng decision mo sa buhay. Kung hindi ngayon, wala. Nagpapakita to na kailangan mag-take ka ng risk. Kasi kung hindi, hindi ka naman magiging masaya. 
  3. Tatlong salita: “Kumalma ka muna” bago daw tayo gumawa ng mga decision sa buhay, kailangang kumalma daw muna. Kalma lang! Wag agad agad mag-dedesisyon. Wag agad agad mag-sasalita ng mga masasakit sa iba. Na baka sa huli, pagsisihan mo. Napakahirap nun. Kasi tayong mga tao, madalas padalos dalos tayo. Pero dapat kahit na nasaktan ka, wag kang gagawa ng makakapanakit din ng iba. Kaya kalma lang. Kasi may Karma!
  4. Apat na pagkain: Adobo, Pancit, Kaldereta, Sinigang. Kahit na gano katigas ang puso ng babae, lahat sila pwedeng daanin sa pagkain ay hindi pala. Daanin sa tiyaga. Hehe. Minsan tatanggihan nila yung pang-una, pangalawa, pangatlo, pero yung pang-apat, hindi na nila kayang tanggihan yun. Meaning? Hindi porket binigay mo na sa una yung pinakamasarap (adobo), makukuha mo na agad. Hindi. Minsan kailangan mo pang hanapin yung kiliti at kilig (na nasa sinigang) ng isang babae bago mo siya makuha. So wag kang gigive up agad! Di porket ni-reject ka niya sa una, ayaw na niya. Baka kailangan lang palambutin mo puso niya. Madali lang naman eh. Try mo ipagluto. ipakita mong sincere ka at gusto mo talaga siya.
  5. Limang letra. B-U-L-A-G! Lahat tayo bulag. Hindi literal na bulag. Sabi ni Tonyo, malabo daw si Lea. Kasi nung hindi pa siya (Lea) bulag, hindi niya nakikita si Tonyo (Empoy) pero nung nabulag siya, dun niya lang nakikita. Ibig sabihin? Lahat tayo guilty dito. Lahat tayo nangte-take for granted. Kasi alam natin, anjan lang yung mga taong mahal natin. Pero pag wala na, saka tayo matatauhan at magsisisi na sana binigay mo lahat na sana di mo sinaktan na sana pinahalagahan mo. Dapat hindi ganun. Dapat bulag lang tayo sa sinasabi ng iba sa relasyon niyo. Yung mga haters niyo. Yung katulad ng barkada mong galit sa boyfriend mo kasi ang panget. Yung mga ganun. Pero dapat malinaw ang mata niyo at nakikita niyo ang kahalagahan nila habang anjan pa. Yun kasi ang problema natin. Pag anjan, hindi iniingatan. Pag wala na, iiyak iyak. Iinom! Magpapakalasing. Tapos makakagawa na naman ng isa pang mali.
  6. “Pano ibibigay kung hindi mo hinihiling?” Anim na salita. Pero ang lalim ng kahulugan. Ibig sabihin, wag tayo titigil sa paghiling kay God ng mga gusto natin. Dahil darating ang araw, matutupad din yun. Pinapakita dito na dapat di nawawala ang faith natin. Minsan kahit sa wishing well, pwede ka mag-wish. Wish lang naman eh. Wag ka lang aasa na ibibigay agad. Pwede namang ibigay ni God, pero kailangan wag ka mawawalan ng pag-asa. Dahil miracles can happen. Anytime, anywhere. Trust lang tayo kay God.
  7. Pitong salita. Two Less Lonely People In The World: title nung theme song nila. Naalala ko, habang pinapatugtog yun, umiiyak ako. Ibig sabihin? Kahit feeling mo malungkot ka ngayon, mag-isa at walang kasama, may isang tao din sa kabilang mundo na malungkot, mag-isa at walang kasama. Dahil kayo ang tinadhana para sa isa’t isa. Kaya nga sabi, “Two less lonely people in the world and its gonna be fine” kung single ka ngayon, wag ka malungkot. Darating din ang tamang tao para sayo. Hindi palang talaga ngayon. Time will tell sabi nga ni Lea. Minsan kasi kapag brokenhearted tayo, iniisip natin pasan na natin ang buong mundo. Na parang napakalaki na ng problema natin. Pero di lang naman ikaw eh. Di lang ikaw yung malungkot. Di lang ikaw yung mag-isa. Marami tayo. Kailangan lang natin maghintay. Na isang araw, darating siya sa hindi inaasahang pagkakataon.
  8. Walong ikot ng music box. Sabi ni Tonyo habang iniikot niya yun, dapat daw nag-eeffort ka muna bago mo makuha yung gusto mo. At tama naman siya. Nakawalong ikot siya dun sa music box. Bago nakadinig ng magandang tugtog. Meaning? Tayong mga boys, mag-effort naman tayo sa mga babae. Hindi porket feeling mo hindi ka na kayang mawala nung babae, hahayaan mo na lang siya. Kahit kailan, hindi magsasawa ang babae sa ibibigay mong effort. Lalo na kung makakapagpasarap yun sa pandinig niya. Yung tipong effort lang paminsan minsan na sabihin mong maganda siya. Mahal mo siya. Ganun. At hindi lang din naman to nag-aapply sa lalaki. Pati sa babae. Mag-effort din naman kayo. It takes two to tango. Kaya dapat kayo din. At hindi lang din to naaapply sa lovelife. Lahat ng bagay, mas masarap pag pinaghihirapan bago mo makuha. Hindi yung isang snap lang, nakuha mo na. Try and try lang. 
  9. D-R-A-G-O-N-F-L-Y: Nine letters. Sabi sa google, “A Dragonfly has two large compound eyes which take up most of its head.” Ganun din tayo. We have 2 large eyes. May malaki tayong mata. Pero hindi lahat nakikita ng mata. Minsan, ang hindi nakikita ng mata, yun ang pinakamasarap sa lahat. Yung nararamdaman mo lang. Kahit gano pa kapogi yan or kaganda yan, kung wala siyang puso gaya ng puso ng saging, wala. Walang wala. Kaya wag kayo maniniwala sa kasabihang to see is to believe. Minsan, to feel is to love. minsan pa nga, yung nakikita ng mata yun yung kasinungalingan. Kasi parang yung ibang tao. Pinapakita lang nila na strong sila. Kasi yun ang gusto nilang makita ng mata mo. Pero kung papakiramdaman mo lang, alam mong may mas malalim pa dun eh. May mas makikita ka pa.
  10. Sampung beses mong ulit-ulitin sa sarili mo na kahit tingin mo wala ka ng kwenta sa mundong to, meron ka pa ring kwenta sa ibang tao. Kahit na bulag ka, pipi ka, di ka makalakad. Naalala ko dun sa part ng movie. Gusto kasi ni Tonyo na maging tour guide niya si Lea. Pero sabi ni Lea, “bulag ka ba? Di mo ba nakikita na bulag ako?” Tapos sabi ni Tonyo, wala naman daw problema dun. Kasi siya ang magsisilbing mata niya. Pero dapat siya ang tour guide niya. Db? Kahit na feeling ni Lea napakawalang kwenta na niya, dumating sa point na may tao pa ring para sakanya may kwenta siya. 


I don’t know kung makakaget-over agad ako sa movie. Parang hindi. Di ko inexpect yung ending. Sobrang galing.


To Empoy and Alex,

Grabe. Pinaiyak niyo ko ng sobra. Yung iyak na parang wala ng katapusan. At kapag naaalala ko lahat ng detalye dun sa movie, naiiyak ako. Dapat nga kagabi pa tong blog ko. Nakatulugan ko dahil sa sobrang iyak. At ngayong umaga, umiiyak na naman ako. Parang buong gabi kong inisip yun. Kasi nga ang dami kong natutunan. Grabe galing. Kakain na ako ng repolyo. =)


Kudos to all the people behind this movie. Sobrang ganda. And I think, dapat talaga mga movies na ganito ang pinapalabas. Yung may matutunan tayo. 😊


KZ,

Hahahaha! Shet. Ganda ng version mo. Iyak na iyak na ako. Lol.


Rating? 1 out of 5? 10



Comments

  1. May gusto ko itanong..

    ReplyDelete
  2. Hirap kasi ng sitwasyon ko :(

    ReplyDelete
  3. papanoorin ko sana yung movie kaso wag na nakakaiyak pala huhuhu Sakit.info

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?