Himig Handog PPoP Love Song

I wasn't able to watch all the performance last night. But thank God there's a music video in Youtube. So I was able to watch and listen..
All I can say is..

ANG GALING!!!!

And masasabi ko talaga na lahat ng bagay, may pinanggagalingan.. Hindi lahat ng kanta, isinulat kasi wala lang. Lalo na sa lovesongs..

Haayy. I really do appreciate Filipino songs today especially Aiza's song..

"Anong nangyari sa ating dalawa"

I know everyone right now feel what I felt when I heard the song.. Ang sakit. Kasi its all about You and Me. Hindi yung ikaw lang.. Hindi yung ako lang.. You and me.. Sino ba may kasalanan? Ako na maraming pagkukulang o ikaw na bumitaw agad?

Whatta lyrics! Infairness, totoo yun eh. There's always a question. Sino ba kasi ang dapat sisihin? Actually, wala dapat. Dahil tapos na. Pero the song really explains everything about the relationship na NASAYANG. 

Pero yun talaga eh..

May mga bagay na nakakapangsisi pero di na pwede ulitin..
Balik tayo sa PPoP. Parang andaming na-disappoint dahil sa pagkatalo ni Daniel Padilla. Hehehe. Okay lang naman yun. Gaya nga ng title ng song..

Nasa iyo na ang lahat.

So kaya binigay naman sa iba. =)
May isa pa akong ishe-share.. About dun sa isa sa mga composer.. Yung Agatha Morallos. Sobrang naiyak ako sa sinabi niya.. Kung bakit one day..

"Walang minuto, segundo o araw na hindi kita minahal"

And sobrang gusto kong umiyak ng sabihin niya yun. Kasi kahit nagkakaron sila ng prob ng asawa niya, na-realized niya pa rin yun. Minsan ang sarap ding makinig ng mga love story ng iba.. Kaya lang di maiwasang di makarelate o kaya namab eh di maiwasang maiyak ka na lang bigla.. Haayy..

May isa pa akong nagustuhan. Yung scared to death. Simula 1995 hanggang 2013. Malapit ng mag-20yrs yung nararamdaman niya para dun sa mahal niya. Pero di niya masabi. Kasi natatakot siya.. Haayy.
Kaya until now, single siya. Nakakaiyak. Parang sa loob ng ilang yrs.. Hindi siya nagkaron ng lakas ng loob para harapin ang takot niya. Pero siguro, ganun talaga.. Natatakot tayo sa mga bagay na alam nating masasaktan tayo at di natin kakayanin kung ano ang kalalabasan.. Siguro ganun talaga sa love.. Hindi mo naman pwedeng sabihin o pilitin siyang maging matapang eh.. Takot kasi siyang magmahal..


Ang dami kong gustong sabihin sa lahat ng kantang nadinig ko.. Pero wala na kong lakas.. =)
Congrats sa mga nanalo. At sa mga hindi, wag kayong mag-alala.. Dahil kahit di kayo nanalo, be proud. Umabot kayo sa finals. And nagkaron ng chance para ipadinig sa lahat yung nararamdaman niyo!! :)


And kay Toni Gonzaga..

Hahahaha. Hindi mo lang ako pinapaiyak sa movies mo.. Pinapangiti mo rin ako! Idol na talaga kita. Hahaha! =)


Kahit na di ka nag-champion, champion ka sa puso ko. Wee!!

Mabuhay ang OPM!!!!!
Published with Blogger-droid v2.0.10

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?