TIME- ambilis maubos




No one ever notices time until its gone.
--Spy Kids

Bakit ganun nu? Kapag wala na tayong chance, humihingi tayo ng chance. Pero nung may chance, wala naman tayong ginagawa kundi sayangin yung chance na yun. Nanuod ako ng Spy kids 4. And na-realized ko.. Bakit ang tao nare-realized lang ang lahat pag tapos na? Or kapag naman na-realized nila, konti na lang yung time.

Ang hirap.

Minsan kasi, iniisip natin tatagal ang isang bagay o tao. Kaya tine-take for granted natin sila.. At kapag na-realized natin gano sila kahalaga, wala na. Wala na sila.. Iniwan na nila tayo. Pero siguro, ganun talaga ang buhay.. Minsan kailangan mo munang mawalan bago ka magkaron...

Bago ka magkaron ng oras. Bago mo ma-realized na dapat nuon pa sana.. Na sana hindi na lang ngayon.. Na sana dati pa. Nung hawak pa natin. Nung nasa atin pa..

Bakit kailangang pagsisihan pag wala na? Bakit kailangan ma-realized mo yun pag wala na? Sana noon pa. Para wala na lang nasasaktan. Walang nate-take for granted. Walang iniiwan.. Walang nang-iiwan. Walang iiyak. Walang magmamakaawa..

Pero sabi siguro ni God.. "lahat yan, hiram lang. Minsan hindi lahat ng nasayo, nagtatagal"

Kaya nga siguro nabuo ang salitang "halaga" kasi kailangan, bigyan natin ng halaga ang mga bagay na nasa atin pa.. Kaya kayo, habang nasa inyo pa.. Bigyan niyo ng halaga.. Yakapin niyo yung mga taong mahal niyo.. Bigyan niyo sila ng oras.

Hindi naman kailangan buong oras eh.. Kahit konti lang. Pero make the most out of it. Yung tipong 1hr lang pero sulit. Kasi masaya kayo..


At ngayon.. Alam ko na bakit nabuo ang salitang "memories" para sa paglipas ng panahon, maiisip natin na minsan sa buhay natin.. Binigyan natin ng halaga ang mga taong mahal natin..


Kaya minsan, wag kayong magtaka bakit may mga taong mada-drama.. Dahil sa totoo lang, masasayang memories lang ang magpapaalala satin na minsan..

Naging masaya ka..
Sobrang saya.



Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?