SANA DI NA LANG
"Di na sana kita.. Nakilala.. Di na sana ako.. Lumapit.. Di na sana kita nakilala.. Di na sana ako nagdurusa ng dahil lang sayo"
Nadinig ko yan minsan habang nasa kotse ako.. Eh sakto nakababa yung window. Ayun. Yan ang nadinig ko sa jeep. Hahaha. Oo. Sasabihin niyo, jologs. Kasi nalaman ko, rap pala yan ng mga nagfi-fliptop. Pero wala lang. Gusto ko lang yung chorus..
Bat ganun? Minsan pinagsisisihan natin yung mga time na nakilala natin yung mga taong minahal natin.. Lagi lang natin naaalala yung masasakit na part.. Eh di ba napasaya rin naman nila tayo? Lagi bang natatabunan ng sakit ang pagmamahal? Lagi bang napapalitan ng galit ang taong nagpasaya naman sayo minsan?
Minsan, kung ano pa naging dahilan ng happiness natin before, yun yung dahilan bakit tayo nagagalit. Bakit tayo nagiging bitter. Bakit ba hindi muna natin isipin na minsan, napasaya rin naman nila tayo. Na sobrang naging masaya ka..
Ang sakit lang na parang pinagsisisihan ng isang tao na nakilala ka niya.. Na para bang lahat na lang ba ng binigay mo sakanya eh sakit ng ulo? Ni minsan ba hindi siya naging masaya sayo na kung magsalita siya ng masakit eh kala mo nakapatay ka ng tao?
Minsan kailangan natin ilagay sa mga utak natin na baka sila nakagawa ng mali eh dahil na rin sa sobrang pagmamahal sayo.. Or baka naman talagang wala siyang choice kundi saktan ka.
May mga tao na pinapangibabaw yung galit. Pero minsan, dapat rin nating isipin yung good side ng nangyari.. Na mas magiging Strong tayo or yung relationship. Wala naman kasing perfect relationship. Walang hindi dumadaan sa hardships. At walang relasyon na hindi nadadaan sa magandang usapan. Minsan kasi inuunahan natin eh..
Na kailangan gamitin mo naman utak mo.. Na maniniwala ka sa mga friends mo na gamitin mo utak mo.. Pero kung alam mo lang.. Kung sila din ang nasa lagay mo, puso pa rin ang paiiralin nila..
Minsan kasi ang utak mali yan. Utak yan eh.. May tama at mali. Pero sa puso? Walang tama. Walang mali. Lahat pantay pantay.. Dahil ang puso, pinapakiramdaman.. Hindi kalaban. Ang utak kasi, kalaban yan eh.. Minsan yung akala mong tamang gawin, yun yung nakakasakit sayo.. Pero kapag puso ang pinakinggan mo? Magiging masaya ka..
Hindi man maintindihan ng iba, who cares? Di naman sila ang magiging masaya eh.. Ikaw. At kung talagang mahal ka nila..
Maiintindihan nila at magiging masaya sila para sayo.. Dahil alam nila.. Jan ka magiging masaya..
Comments
Post a Comment