Confessions to the one that got away PART 2

Para to sa ex ko. Siya lang naman ang ex ko na sobrang minahal ko na gusto kong makabalikan if ever. Pero di naman na mangyayari yun alam ko. May boyfriend ka na rin. At mukhang super happy. =)

1. Kung may babalikan ako sa nakaraan ko, ikaw ang gusto ko. The reason is: walang makakapantay sayo. Ewan ko. Ikaw lang nagparamdam sakin na may forever. Yung iba kasi wala. Ikaw yung tipo ng babae na hindi talaga pinapakawalan at pinapakasalan sa lahat ng simbahan. Pero wala eh. Sa sobrang tanga ko, pinakawalan kita. At nakuha ka ng iba. Napakaswerte niya sayo. Kaya sana, wag din siyang tatanga tanga na pakawalan ka.

2. Ikaw lang yung babaeng nagparamdam sakin na sobrang special ako. I know there are times na nag-aaway tayo. Pero pag ikaw may kasalanan, pinapakita mo sakin na talagang sorry ka. Di mo ko pinababayaan na magalit. I mean may iba kasing girl na porket sila may kasalanan, magso-sorry lang. Tapos pag di ko tinanggap or mejo nagtampo talaga ako, mag-stop na dun. Minsan magagalit din sila tapos nababaliktad na yung pangyayari. Di ba madalas pa nga mga girls kapag galit ang boys, mag-galit galitan din. Pero sayo? No. I remember na pinatawag mo pa sakin sister mo at si Marla para lang kausapin kita. =( sinuyo mo ko. Di ka kumakanta pero nagawa mo kong kantahan nung "salamat sa liwanag mo. Muling magkakakulay ang pasko"

3. Gustung gusto ko pag ikaw naglalambing. Sobrang sincere pag sinasabi mong ang pogi ko. Kahit kirat ako. Pag sinasabi mong ako lang, napapaniwala mo ko. Ewan ko. Bat ganun? Siguro kasi napaka-sincere mong tao. Napaka-totoo lahat ng sinasabi mo. Na hindi mo magagawang magsinungaling. Kasi totoo ang nararamdaman mo. Walang halong joke or kaplastikan.

4. Tinanggal mo lahat ng takot at selos ko. Yes. Nagseselos ako kay Chug before. Pero napatunayan mo sakin na ako lang. Ako lang. At ako lang. Naalala ko nung debut mo. Nandun siya. Hahaha. Selos na selos ako. Pero pinakita mo sakin na mahal mo ko talaga at wala na si Chug. Ako lang. At mahal mo ko. =( nalungkot ka pa daw nung debut mo. Kasi hindi ako ang naging 18roses mo. Pero di ba sabi ko sayo kahit di ako ang naging 18roses mo, ako ang forever mo? Kaya lang malabo na.

5. Nalungkot ako ng malaman kong ikakasal ka na. =( sobra. Pero alam ko namang deserve mong maging masaya. Tanggap ko naman ng hindi ka na babalik sakin. Pero may kurot ng konti. Pero masaya ako for you after nung kurot. Kasi finally. Anjan na siya. =)

6. Totoo yung sinabi ko na may nagbigay lang ng number mo at hindi ko alam sino. Pero nagkaron na agad ako ng kutob na magpapalit ka ng number ng makita ko ang picture ni Jam sa viber gamit yung old number mo.

7. Hindi ko na binayaran yung plan ko sa SUN dahil sayo. Hahaha. Totoo. Nagka-girlfriend agad ako nung maghiwalay tayo dahil na rin sa sobrang lungkot ko, pero simula ng di mo na ako kinausap, hindi ko na binayaran yung SUN ko para lang makalimutan kita. 5k ang bill ko dun na hindi ko na nabayaran. Ang alam ng ex ko, di ko lang binayaran yun. Pero di niya alam, dahil yun sayo.

8. Halos maging stalker ako ng papa mo. May nameet akong chinese na kilala yung dad mo. Kumuha sakin ng unit yun. So alam ko kung saan siya madalas magpunta and mag-fishing. Then minsan na rin akong nagpunta sa business niyo sa Manila. Bumili ako sa dad mo. =)

9. Nasa labas lang ako ng bahay niyo sa Don Mariano nung naglilipat na kayo ng bahay. Kaya alam ko na yung complete address mo and pano pumunta dun. Minsan nga napapaisip ako. Di mo ba ako namimiss? 3888 lol. =) pero alam ko, hindi. Kasi nanjan naman siya.

10. Finavorite ko sa twitter yung tweet ng sister mo before nung binagsakan niya ako ng phone nung tumawag ako sa bahay niyo. Lasing kasi ako nun. Kaya gusto kita makausap. Pero binabaan niya ako. Ang sabi niya, ANLAKAS NG LOOB MONG TUMAWAG SA BAHAY. blah BLAH blah... Tapos sa sobrang lasing ko, nafavorite ko pa yung tweet niya na yun. Lol.

11. Tinext ko si Lani, Tin. Ayoko kay Cha. Alam kong galit na galit parin siya sakin. Si Lani din. Buti pa si Tin napatawad na ako. Ikaw? Kailan? Si Marla? Si Lani? Si twin mo?

12. Ako talaga yung tumatawag sa bahay niyo before na hindi sumasagot. Pero not all the time. Gabi lang. Kasi alam ko, gabi ka lang nasa bahay. Kaya lang, wala talaga yatang time na natyempuhan kita. Laging si Shoti or si Jam.

13. Nung Paskuhan, nandun ako. Natakot ako eh. Basta natakot akong lapitan ka. Di ko alam bakit pero natakot talaga ako. =( gusto ko kasi nakita kitang umiiyak. Magkatext tayo. Pero natakot ako.

14. Nung nakipaghiwalay ka sakin ng Paskuhan, simula 2011, lagi na akong naglalakad papuntang st. Jude. Nageexpect ako na baka sakaling may biglang humawak ng kamay ko at ikaw yun. Naalala ko kasi yung sabi mo sakin. Na pag naglakad tayo sa St. Jude, sisiguraduhin mong hahawakan mo ang kamay ko para walang mang-agaw sakin. Hahaha.

15. Hindi talaga ako nag-hack ng facebook mo. Grabe sya oh. Ganun ba tingin mo sakin? Pinapahiram mo naman ako nun. Oo siguro. Isa ako sa mga may reason bakit ko gusto ihack yun pero di ibig sabihin nun, ako na. Nakuha ko na nga ulit eh. Pero wala. Nakalimutan ko na password. Aun.

16. Lately ko lang nalaman yung meaning ng HEN SHUAI na binigay mong chinese name ko blah blah. Promise kinilig ako ng malaman ko. Hahaha. Tae. Feeling ko chinese na rin ako because of you. Nagpapa-Fengshui ako. Nasunod ako sa mga chinese blah blah. Naniniwala ako sa chinese horoscope. Hahaha. Lol

Wala na akong mako-confess pa.
Alam ko namang alam mo na yan before pa. Hahaha.
Lol. Pero sobrang masaya ako for you na ikakasal ka na.
Sana lagi kang happy, Jess. =)

Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Napadaan lang po ako sa blog mo and sobrang asdfghjkl huhuhu bat ganto :((((( THE FEELSSSS.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?