Posts

Showing posts from April, 2016

PA-HOPIA/PA-FALL/PAASA

May nagtanong sakin. Ano daw ba ang pa-hopia. Sabi ko, yun yung pag gusto mong magpalibre ng hopia! "Uy, pa-hopia ka naman!" Hahahaha! Okay. Walang natawa sa joke ko. Pero tinulak ako nung friend kong nagtanong sakin. Bwisit daw. Hahaha! Define Pa-Hopia. Pa HOPIA- from the root word, HOPE. Umaasa, pinapaasa. Term na ginagamit ng isang tao para di masyadong masakit pag sinabi mong paasa siya. So example: Sa love: Sabi ng girlfriend/boyfriend mo, ikaw lang mahal niya. Pero nalaman mo na may nilalandi siyang iba. Pa-hopia siya eh! Pa-hopia siya na may forever kayong dalawa. Pero ang totoo? Wala. Walang forever!!!! Sa school: Absent ka kahapon at may exam. Sabi ng classmate mo, madali lang. Nung mag-exam ka na, pucha! Di mo alam isasagot mo. Pa-hopia siya. Paasa na madali lang. Kaya ikaw tong tanga di nag-review. Tapos tinanong niya ako. Parehas lang ba ang pa-hopia at pa-fall? Kung love ang paguusapan, yes. Pero kung hindi love, mejo magkaiba. Pwede kasi...

TRIPOL N

"So Far Away" Nadinig ko na naman yung song ni Bamboo. Naalala ko yung ex kong si Nica. =( tapos naiyak ako. Sabi ng friend ko, bakit ka umiiyak?! Sabi ko may naalala lang ako sa song. Tapos sabi niya, kwento mo na. Sige. Si Nica. Si Tripol. Yung solong anak ng nanay at tatay niya. Hahaha! Nag-aaral sa Miriam dati. Ayun. Hahaha! Actually, connected na naman sa ibang ex ko tong si Nica. Connected siya sa dalawang ex ko (classmates yata sila before kung di ako nagkakamali) di ko na maalala. Yun. Naging girlfriend ko siya for almost 2years? Tama kaya? Masyado ng matagal. Mga 2006-2007. Binigay kasi ng common friend namin na si Sigrid yung number niya nung nanghihingi ako ng pwedeng makilala na friend kasi single ako. Binigay niya. Edi yun. Alam niyo na! Mga da moves ko. Naging girlfriend ko. =) at nagbreak kami sa dahilang personal. Busy ako, busy din siya. Mahal na mahal ko yung taong yun. Pero di ko na maalala yung relasyon ko sakanya. Di ko nga alam bakit. Parang part ng ...

I'D RATHER BE ALONE.

You don't know how it hurts me To learn that I was wrong Though I gave you my heart You were just playing me all along Too late to work it out 'Cause I know my minds filled with to much doubt To ever try it again I guess deep down I know you'll have to go But it's just isn't fair 'cause I still care Although I love you girl, I'd rather be alone I know it's wrong, I can't go on Although I'll miss you girl, I'd rather be alone There was no need to use me There was no need to lie When I think of the times We were together girl, I just cried It's crazy but I still love you After all things you've done You don't know what you mean to me Baby, I thought that you were the one

Bestfriend ng EX ko, CRUSH ko!

Hi girls. Anong gagawin niyo kapag niligawan kayo ng ex ng friend niyo? Talaga bang hindi pwede? Pano kung ikaw yung ex? Wala lang. Hahaha! Ka-chat ko kasi yung friend ko kanina. Usap usap. Tapos napagkwentuhan namin yung isang ex ko. (Wag na natin pangalanan) Edi kwento kwento. Kwinento ko na nakita ko ex ko sa Glorietta. Tapos tumakbo ako para magtago. Baka makita niya ako. Hahaha! Tapos sabi niya, bakit di mo nilapitan? Sabi ko, baka kasi mamaya kasuhan ako ng harassment kapag kinausap ko. Siyempre galit sakin yun. Tapos strangers na kami. Tapos sabi ko, naka-move on na ako. Sabi ba naman sakin, edi good for you! Parang lately lang ako naka-move on ah! Hahaha! Tagal kasi naming di nagusap kaya di napagusapan yung ex na yun. Well, mabalik tayo. Sinabi ko sakanya na may crush ako. Tinanong niya ako sino. Sabi ko, yung bestfriend ng ex ko. HAHAHAHA! Sabi niya, bakit daw di ko ligawan? Tae. Di nga ako marunong nun. At di ko gagawin kasi nga bestfriend. Saka sabi nila.. Number 1 rule daw...

SINGLE

Single na naman ako. Hahaha! Naging in a relationshit este relationship kasi ako. Pero di naglast. Baka hindi meant to be. Sabi ko dun sa isang blog ko, kung para sayo, dapat gawin mo ang lahat para maging sayo. Kaya lang, may mga bagay na hindi na talaga pwede. Lalo na kung may ibang tao ng involved. Masaya naman kami. Until one day, wala na. Hahaha! Eh kasi may nahanap na siyang iba. May bago or luma na siya. Pero ako? Never akong naghanap ng iba nung kami. Kasi ang love or relationship eh hindi naman parang multiple choice na marami kang choices. Pwedeng A or B kung may mali yung A. Pwede pa ngang all of the above. Ang love parang 3 in 1 nescafe. Wag ka maghahanap ng ibang flavor like (chocolate, mocha) lalo na kung may original ka pa. Oo, sweet yung mga yun compare sa original. Oo, mas bago yun kesa sa original. Pero tandaan niyo: ang sobrang tamis, NAKAKAUMAY! At di naman sagot ang paghahanap ng bago at tumikim ng iba lalo na kung may original ka. Dahil ang kailangan mo lang eh ...

HUGOT QUEEN: Angelica Panganiban

Yung friend ko pinanuod sa facebook yung mga hugot ni Angelica Panganiban. Yung hugot sa jeep, yung hugot sa bank, hugot sa parlor. Hahaha! Lahat ng paborito kong pinanuod ng friend ko, yung hindi sa Banana Sundae yung sa Family Feud. Tinanong niya ako, anong masasabi mo sa hiwalayang John Lloyd at Angelica? HAHAHAHA! Idol ko si JL eh. Tapos crush ko si Angelica. Kaya nay chance na 'ko. Hahaha! Pero babaero tong si JL! Nasaktan tuloy crush ko. Hmm.. Pero tingin ko, may reason naman bakit sila naghiwalay. Di lang siguro talaga natin alam. Pero sabi nga nila, walang usok kung walang apoy. Siguro nga si Bea Alonzo ang dahilan. Okay lang naman yun. Kesa naman sa pinagsabay niya. Mas maganda na yung nagbreak sila. Tapos sabi ng friend ko, eh kasi nadevelop daw si JL kay Bea dun sa movie nila. Sino daw bang di madedevelop kung halos lahat ng movie, naghalikan kayo. Kilala niyo na ang isa't isa. Eh bat naman ako? May mga girls akong laging kasama sa bar, sa office. Minsan halos ar...

Paano MANLIGAW?

Hindi to tips para manligaw, boys. At hindi rin to ways para pakiligin ang girls. Wala rin akong alam kung pano gawin yun. Kasi sa totoo lang? Para sakin ang panliligaw eh pagpapakita lang ng good side mo sa taong gusto mo. Pero once sinagot ka na niya, dun mo palang ipapakita na bipolar ka, mainitin ang ulo mo, nagmumura ka pag nagagalit and etc. kasi nga girlfriend ka na niya. Kaya di ako naniniwala sa salitang ligaw. Kalokohan lang yun. If you want to be part of someone's life, kailangan ba ligawan ka pa niya para makita mo lahat ng good side niya? Eh pwede namang makita niya yun ng hindi ka na nanliligaw. Tapos pag sinagot mo siya at nakita mo na lahat ng bad side niya, minsan nagsisisi ka na ganito ganyan. Magku-kwento ka sa mga girlfriends mo na shit! Ganito pala siya. Ganun pala siya. Meron nga silang kasabihan.. Hindi mo malalaman ang totoong ugali ng isang tao kahit na 10years pa kayo magig mag-boyfriend. Malalaman mo yun kapag kasama mo na siya sa bahay. Totoo naman eh...

BESTFRIENDzoned.

Hahaha! Ayoko sana mag-react eh. Pero napilitan ako dahil pinaguusapan na namin ng mga co-workers ko yan! Hahaha! Nung una talaga, alam ko na. Hindi pa lumalabas yung "bestfriend" issue ni Ahron kay Kakai, alam ko na iba. Sinabi ko yan sa mga kasama ko sa work. Sabi ko, ako bilang lalaki. Iba ang tingin ko kay Ahron pag tinitignan ko mga pictures nila ni Kakai. Sabi nga nung isang kasama ko ng magkaalaman na, grabe! Ang galing mo palang makaramdam. Or makakilatis. Sobrang tama ka. Hahaha! Hindi naman sa sinasabi kong walang magkakagusto kay Kakai ha. Yung sinasabi kong iba ang tingin ko kay Ahron. Sobrang gusto ko si Kakai. Sobrang idol ko siya. Maganda boses. Maganda siya inside and out. Yun lang, mali ng lalaki. Sabi ko sa mga co-workers ko, "di niyan gusto si Kakai. Obvious sa pictures! Kaya di yan mag-boyfriend" sabi nga nila sakin, grabe daw ako. Pero di sa ganun. Alam ko lang hilatsa ng mukha ng mga manggagamit! Sorry Ahron! Dahil nagamit ko na rin yang ...

Kapag mahal ka, BABALIKAN KA.

Nadinig ko yan sinabi ng friend ko sa isa pa naming friend. Sabi ko, may mga tao naman na kahit mahal ka, di ka na binabalikan. Kaya di totoo yan. Madami akong kilala. Mahal daw sila, di naman sila binalikan. Kaya yung tao, broken-hearted talaga. Tsk. Totoo. May mga taong di na bumabalik kahit sinabi nila na mahal ka nila. Kasi minsan, nakahanap na sila ng MAS sayo. MAS MAYAMAN. MAS MABAIT. MAS UNDERSTANDING. LAHAT NG MAS. Kaya naiinis ako pag sinasabi nila na baka sila pa rin pagdating ng huli sa isang break up! Eh pucha! Huli na nga eh! Kung gusto mong kayo, ngayon na. Ano? Popoy and Basha? Hindi lahat ng story parang sakanila na pagdating ng huli, sila pa rin. Kasi mahal nila isa't isa. Di lang nila kayang ma-appreciate yun sa una dahil ang lagi nila iniisip na kailangan nila muna maghiwalay blah blah blah kasi ganito ganyan. Na kailangan mag-grow ng wala sa piling ng isa't isa? Tapos maghahanap ng ipapanakip butas tulad ni Tricia. Tapos pag nakita ulit si ex, babalikan. Kas...