HUGOT QUEEN: Angelica Panganiban
Yung friend ko pinanuod sa facebook yung mga hugot ni Angelica Panganiban. Yung hugot sa jeep, yung hugot sa bank, hugot sa parlor. Hahaha! Lahat ng paborito kong pinanuod ng friend ko, yung hindi sa Banana Sundae yung sa Family Feud. Tinanong niya ako, anong masasabi mo sa hiwalayang John Lloyd at Angelica?
HAHAHAHA! Idol ko si JL eh. Tapos crush ko si Angelica. Kaya nay chance na 'ko. Hahaha! Pero babaero tong si JL! Nasaktan tuloy crush ko. Hmm.. Pero tingin ko, may reason naman bakit sila naghiwalay. Di lang siguro talaga natin alam. Pero sabi nga nila, walang usok kung walang apoy. Siguro nga si Bea Alonzo ang dahilan. Okay lang naman yun. Kesa naman sa pinagsabay niya. Mas maganda na yung nagbreak sila. Tapos sabi ng friend ko, eh kasi nadevelop daw si JL kay Bea dun sa movie nila. Sino daw bang di madedevelop kung halos lahat ng movie, naghalikan kayo. Kilala niyo na ang isa't isa. Eh bat naman ako? May mga girls akong laging kasama sa bar, sa office. Minsan halos araw araw. Kinikiss ko din. Pero walang malisya. Pero until now, sa iisang babae pa rin ako inlove? Hindi totoo yung nadedevelop ka na sa iba. Para sakin. Pag mahal mo, mahal mo. Db nga minsan may mga tao na kahit ilang beses silang saktan ng mahal nila, di naman sila nafo-fall sa iba na sumasalo sakanya? May friend ako. Siya sumasalo sakin. Sa lahat. Siya nag-aadvice sakin. Pero alam namin kung ano kami sa isa't isa -- FRIENDS. Inlove ako sa iba, inlove siya sa iba. Kaya malabo yun. Minsan lang talaga, kaya nangyayari yung nadedevelop eh kasi iniisip mo yung mali sa kanya. Tapos kapag naiisip mo yung mali niya, feeling mo na nafo-fall ka na sa iba. (Dun sa lalaki or babaeng laging anjan para sayo.Yung lalaki or babaeng di ginagawa yung ginagawa niya sayo.) pero ang totoo, hindi. Masyado mo lang iniisip lahat ng mali niya. Eh puta! Di mo ba naisip madami din siyang nakitang mali sayo at close siya sa ibang lalaki or babae pero di siya nafo-fall sa iba? Come to think of it. Bakit yung iba kayang makuntento. Bakit yung iba hindi? Haayy. Hirap ng ganun. Pero thank you kay Pooh. Kasi sinabi niya kay Angelica na mag-try siya ng hindi showbiz. Hindi naman ako showbiz eh! Hahaha!
Dear Angelica Charlson AKA +Angelica Panganiban
Matagal na kitang crush. From Ang TV Days, Sarah ang Munting Prinsesa, Arandia Lipa Massacre (umiyak pa nga ako nun. Kasi namatay ka dun dahil sa lollipop) ang pulubi at ang prinsesa pinanuod ko din. Kasi ang ganda mo talaga. G-mik. (Kinaiinisan ko pa si Junjun kasi nagseselos ako) sa Berks, ganun din. Pinanuod ko din yung white lady. Naasar pa ako kay JC de Vera. Tapos kahit tumaba ka nun, crush na crush kita. Ang tagal kong naging ringtone yung Angel of Mine. Kasi ikaw naaalala ko pag pinapatugtog yun. Nainggit ako kay Dingdong dati kasi nakikiss ka niya sa movie niyo. Sana kay Angel Locsin na lang siya. Hahahaha! Tapos naalala ko, naiinis din ako kay Kim Chiu kasi di ka niya pinapansin sa I love you Goodbye. Nainis din ako kay Derek kasi di ka niya pinakasalan. Kasi kasal na pala siya sa iba. At ang huli? Yung pinanuod ko yung that thing called tadhana. Kahit anlakas mo magmura, kahit umiiyak ka, crush na crush pa rin kita. Kung pwede nga lang, ako na lang sana ang sumama sayo sa Baguio. Kahit na sumigaw ka sa Sagada, yayakapin lang kita. Aalagaan. Haayy. Kaya lang malabo yun. Inlove ka pa kay John Lloyd, at ako inlove pa sa ex ko. Pwede bang sabay na lang tayo mag-move on? Hahaha! Hindi ko mapa-promise sayo na hindi kita masasaktan. Pero kung pipiliin mo ko, mamahalin kita. Ng sobra.
Sana ako na lang.
Ako na lang ulit.
Ako na lang.
Sana makarating sayo 'to or kahit mag-comment ka lang. Hahaha!
Nakakabaliw.
Crush talaga kita Angelica. Kahit maldita ka pa, Jelai. Hehe!
Love,
Miguel
Comments
Post a Comment